Journey with You
Chapter 3: Never Tell
Damn!
I should have taken the wish seriously! He was truly in a position where he could grant any wish! Sayang! CEO pala! Chance na, naging bato pa.
Agad akong umuwi after shift. It has always been like this. Trabaho—Bahay lang. Kung hindi lang ako pumayag na saluhin ang part time job ni Ate Lorna kahapon ay hindi masisira ang normal pattern ko. Hindi rin ako magkakaroon ng mga pagsisisi. Hay naku, Hani Dominique, how dare you waste such a precious chance?
Wala si Mama sa bahay pagdating ko. Nasaan na naman kaya iyon? I just hope she's not gambling again. I'm already tired looking for ways to gather 50,000 pesos to pay for her debt. Wag na niya sanang dagdagan pa.
Humiga ako nang hindi na nakapagpalit ng damit dahil inaantok na talaga ako. I closed my eyes and tried to sleep peacefully for what seemed like an hour or two but I just couldn't. Tila ba ay may bumabagabag sa akin kaya paputol putol ang tulog ko. Masama ang kutob ko kay Mama.
Bumangon ako at hinanap siya. Wala pa rin. Alas onse na ng umaga, ah?
Sa kusina ay natagpuan ko si Tita Cel, ang BFF ni Mama na nagbalak atang maging Mother Superior noon kaya hindi nag-asawa. Naabutan ko siyang nagluluto na ng tanghalian.
"Nakita niyo ho ba si Mama?" Tanong ko.
Hindi agad siya nakasagot kaya kinabahan na ako.
“Nandoon na naman po ba siya kina Mang Romy?” Untag ko.
Ayaw ni Tita na sumagot. Which means it's a yes, a hundred and one percent.
"Akala ko ba eh hindi na siya nagsusugal, Tita?" I said, exasperated.
"Tignan mo muna itong niluluto ko. Susunduin ko ang Mama mo."
"Ako na po, Tita." Saad ko.
Nakakahiya naman kasi kay Tita. Pinatira niya kami dito para hindi kami matunton, tinanggap at inalagaan na parang kadugo, pero heto si Mama, imbes na bumalik sa pagnenegosyo ay nagsusugal lang.
Malutong na balasa ng baraha at tunog ng baryang bumabagsak sa lupa ang maririnig sa harap ng bahay nila Mang Romy. As usual, hindi alintana kahit tirik na tirik ang araw.
Namataan ko agad si Mama, paanong hindi eh maputi iyon at kutis artista.
“Ma, pwede ba tayong mag-usap?” Tawag ko sa kaniya kahit abala siya sa pagbabalasa ng baraha.
“Pagkatapos nito, Neng.”
“Kumain ka na ba?” tanong ko.
“Hindi pa. Magbukas ka nalang muna ng de lata kung gutom ka na.” She replied without looking at me.
"Ma, pakiusap..."
"Wait lang, Neng."
It's unhealthy for her to spend most of her time gambling, but as a daughter... my words don't really weigh much for her. It hurts, but she is firm about one thing: siya raw ang nanay, kaya wala akong karapatang magkumento sa mga life choices niya.
Sabi ko kay Tita Cel na ako na ang susundo kay Mama but guess what, the joke's on me. Sarili ko lang ang bitbit ko pabalik.
Pumunta ako sa kwarto para kuhanin ang phone ko at ang huling 500 peso bill na meron ako para sana magpa-load sa tindahan. Screw my eyesight! I just want mobile data to download some games. Mas mainam na iyon kaysa sabunutan ko ang sarili ko.
I went to the nearest sari-sari store, then went home again.
Nang makita ko ulit si Tita Cel na nagluluto ay parang may kurot sa dibdib ko na di ko mapaliwanag. Umupo ako sa may dining area, pinanuod siya.
BINABASA MO ANG
Journey With You (Completed)
Aktuelle LiteraturDesperation. It's like the string that pulls humans into a death spiral. But when we realize the consequences of our decisions, it's often too late to go back.
