Journey With You
Chapter 23: KarmaIf it were a gift from some other girl, actually, ayos lang sa akin. But that Euphi whatsoever, she laughed at the idea of Sven being in a relationship with me. The audacity!
"Gago ang payat!" Sigaw ni Dylan habang tinuturo ang sariling litrato. Ganon ko na sila naabutan sa kabilang villa. Tinitignan nila ang mga high school photos nila mula sa isang tablet. Napatayo pa si Dylan at pumalakpak. "Mukang adik ampucha!"
Sarili niya ang tinutukoy niya sa lagay na 'yan ah.
"Eto na yung charger..." sabi ko kay Denzel.
"Thank you, Hani!" Ngumiti siya. "Upo ka dito oh. Kain tayo."
Bumaling siya sa asawa niya. "Love pa-charge naman nito sa kwarto."
"Ako na po, nakatayo na rin naman ako." I volunteered. Busy kasi si Treble sa pagpapakita ng mga photos.
"Uy grabe sa po, ilang years lang naman ang gap, wag mo nang isipin yon." Ani Denzel. "Osiya pasuyo nalang ako pa-charge nito doon sa kwarto. Thank you Hani! Maganda na, mabait pa!"
Pumasok ako sa isang kwarto para i-charge ang phone ni Denzel. Hindi ko na pinansin yung pambobola niya. Paglabas ko ay nakita kong tumungo si Sven sa kusina kaya sumunod ako doon.
He noticed me and asked, "You need anything?"
"Time, perhaps? I was just wondering if I can talk to you in private."
Unfortunately, I wasn't able to come up with a witty plan. Bahala na.
He looked around. "Let's wait until they're asleep. Okay lang?"
Okay lang. We can talk more freely when the others are fast asleep, anyway. Bumalik kami sa sala at nagkekwentuhan pa rin sina Dylan, Treble, Denzel at Yuri.
"Tagal niyo dun ah, nakabuo na yata kayo." Panunukso ni Dylan.
"Bibig mo, hoy!" Saway ni Denzel. "Di lahat kasing liberated mo. Dahan dahan naman."
"Sorry!" Dylan apologized, raising his hand up in the air. "Balik na ako sa kabila. Baka tumawag si Shy tas sobrang lasing ko, lagot talaga ako."
"Tara, bigyan na natin ng privacy ang mag-asawa." Yuri seconded.
"Wait, akala ko ba lalasingin natin ang birthday boy?" Napasimangot si Denzel.
"Next time." Yuri replied and then turned to Sven. "Do you have any objections?"
"None, man. Hindi rin naman pwedeng uminom si Hani. Let's just drink to death next time." Sven replied.
Dahil doon ay bumalik na kami sa kabilang villa.
"Sana maka-jackpot ang loko ngayong gabi." Dylan giggled like a perverted highschooler as he threw himself on the sofa.
"Baka mauna ka pa magkaanak sa kalibian mo na yan." Saway ni Sven.
"Dude, baka isipin ni Hani na totoo yan. Hani, nagjo-joke lang siya. Mabait akong tao. Kaya nga niligawan ako ni Shy eh." Depensa ni Dylan.
"Gago. Ikaw ang trying hard nun para mapansin ni Shy. Swerte mo at magpinsan lang sila ni Treb. If they were siblings, you'd never get the chance to date her." Sabi ni Yuri.
"Kaya nga ako nagsisimba lagi tuwing Linggo eh." Dylan said matter-of-factly as he took his phone out of his pocket. "Tatawag na ako sa soon-to-be wifey ko."
"Say hi to her for me." Sabi ni Yuri at saka pumasok na sa silid na gagamitin nila.
"We'll give you privacy." Sabi naman ni Sven at inaya akong lumabas muna. He made it seem as if we're doing Dylan a favor by stepping out for a while but we actually have our own agenda.
BINABASA MO ANG
Journey With You (Completed)
Narrativa generaleDesperation. It's like the string that pulls humans into a death spiral. But when we realize the consequences of our decisions, it's often too late to go back.