Chapter 14: A Jerk's Promise

1.8K 39 8
                                    

Journey With You
Chapter 14: A Jerk's Promise

I still showed up at work the next day. Lasing lang naman si Sven kaya niya ako sinabihang tumakbo. I'm sure of it.

I want to act like an adult who is mature enough to stand her ground.

"Good morning." I greeted him when I entered his office.

He looked up at me because he was sitting, and I was stunned upon seeing his bloodshot eyes and dark circles.

"Nakita mo na ba ang itsura ng mga mata mo?" Untag ko. "Grabe!"

"Nagising ako ng madaling araw, at hindi na ako nakatulog ulit kakaisip kung sino ang naghatid sa akin pauwi." Aniya.

What? He doesn't remember anything? Eh paano yung mga sinabi niya kagabi? Hanggang saan lang ang naaalala niya?

"I have a meeting at the conference room, so stay here and look for a Memorandum of Agreement, alam ko nandito lang yun sa mesa ko. I was supposed to sign it yesterday." Tumayo siya.

"Sige, hahanapin ko."

Pagkaalis niya ay lumapit ako sa mesa niya. Ang daming makakapal na papeles na nakapatong sa ibabaw. Tambak nga ang kaniyang trabaho.

Umupo ako sa kaniyang tan colored, soft, faux leather na swivel chair upang hindi mangawit sa paghahanap. Wow. Maximum comfort! Parang masarap nga magtrabaho kung ganito ang upuan mo! Parang puro good ideas ang papasok sa isip mo.

Inikot ko ang swivel chair pakanan at di sinasadyang may natamaan ang aking paa sa ilalim.

"Shit ano yun?" I cussed as I looked under the table. Ano'ng nasipa ko?

I picked up the box and it was not heavy. Phew. Buti nalang shoe box lang pala.

Binuksan ko ang kahon para makasiguro at nakitang hindi ito panlalaking sapatos.

Black stiletto...?

Must be a gift for that girl his mother set him up with. Or some other girl he's seeing? Which doesn't have anything to do with me, so I put the box back under the table.

Bumukas ang pinto habang ginagawa ko iyon. Kumalabog ang puso ko. Muntik ko pang mabagsak ang kahon. Shit. Napalingon ako sa pinto, and alas, it's not Sven. It's not Noreen either.

"Sino ka?" Nagatatakang saad ng isang sopistikadang ginang nang makitang nakaupo ako sa upuan ng CEO. Shit! Shit! Alis na diyan, Hani!

I cleared my throat. "Napag-utusan lang po ako ng CEO na ayusin ang mesa."

The woman squinted her eyes. Pamilyar ang mga mata na iyon.

"Nasaan si Sven?" Untag niya.

"May meeting po siya ngayon. May appointment po ba kayo sa kaniya?" Tanong ko. Shit, nasaan ba si Noreen?!

"Do I need an appointment to see my son?" She raised a brow and that made me realize why she looked so familiar.

She's Sven's mom? I gaped and covered my mouth. "Sorry po, hindi ko po kayo nakilala."

"Bakit mo naman ako makikilala? I never saw you before."

"Ah..." Lintik. Magpapakilala ba ako? Pwede ba yun? Bahala na! "Assistant po ako ni Sir Sven."

Journey With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon