Dhian
"Calling for Mr. Perez, Pls. Proceed to Room 301." Paulit ulit na paging dito sa loob ng hospital. Mukhang may pasyente na naman na inatake ah. Nagkakagulo kasi ang mga nurse eh. Bigla na lang may bumangga sa akin. "Ay sorry dhian nagmamadali kasi ako kailangan ko na kasing pumunta dun sa Room 301." Si Ron pala yun isang nurse rin dito.
Ako nga pala si Dhian Santos, 27, at nurse dito sa Mary Hospital. Isang private hospital dito sa Quezon City. 3 taon na rin akong ngtatrabaho dito.
Bilang isang nurse di talaga madali ang trabaho namin kasi kailangan handa ka lagi. Di lang pisikal kundi emosyonal. Kasi di maaalis sa trabaho ko na makakita ng mga namatay, mga taong naghihingalo at mga pamilyang naiwan ng dahil sa namatay nilang mahal sa buhay.
Wala naman akong magagawa kasi ito ang propesyon na pinili ko at mahal ko ang trabaho ko.
"Alam mo lyn ung pasyente dun sa Room 301 muntik na kanina kung hindi lang naagapan ng mga doktor bka ngayon nasa morgue na yun." Rinig ko sa mga nurse na kasamahan ko dito. Malapit lang sila nag uusap dito s pwesto ko. Abala kasi ako sa mga lists ng patients na paiinumin ko ng gamot mamaya. Night shift kasi ako ngayon at sa akin nakatoka ang pagrarounds mamaya para sa gamot nila.
"Buti na lang talaga naagapan nila noh! Nakita ko na yung pasyente na yun. Pagkakaalam ko ung name nun Hope Felez, anak ng isang businessman. Yan talaga ang mahirap noh ang magkasakit ka ng malubha kasi walang magagawa ang pera. Uu madudugtungan ang buhay mo pero in the end dedo ka rin." Dugtong pa ng kasamahan ko.
Hinayaan ko nalang sila. Habang tinitingnan ko yung listahan ko, nakita ko yung name nung tinutukoy nila na patient daw sa Room 301. Isa pala siya mamaya sa pupuntahan ko na mga pasyente.
Nacurious tuloy ako kung sino ba siya at kung ano ang hitsura niya!...
Malalaman ko din yan mamaya...
BINABASA MO ANG
My Hope
Short StorySa ating buhay di natin inaasahan ang mangyayari. May mga taong darating at may aalis din. Di natin alam kung sino ang nakatadhana sa atin. Kaya dapat lagi tayong handa sa mga di inaasahang mangyayari. Tunghayan ang kwento ni Dhian at Hope!