Dhian
Day off ko ngaun. Tapos na akong maglaba, maglinis at mamalantsa. Uu kahit lalaki ako marunong ako sa bahay. Sinanay kasi ako ng mama ko sa gawaing bahay nung nabubuhay pa siya.
Bukas pa ng gabi ang pasok ko ulit. Wala naman akong gagawin ngaun kaya nasa isip ko na pumunta ng mall. Tagal ko na rin kasing di nakakapunta dito.
Nang nasa mall na ako nag ikot ikot ako sa loob ng department store. Tumingin tingin ako na pwedeng bilhin na damit. Nang nakapili na ako nag ikot ikot pa ako sa ibang section. Nung napadaan ako sa women section, naaagaw ang pansin ko dun sa cute na bonnet, combination siya ng pink at green tapos may design pa ng flowers. Naisip ko si Hope bagay sa kanya to! Nagsusuot na kasi siya nun dahil ngaun kalbo na talaga siya.
Di na ako ngdalawang isip na kunin yun kasi alam ko na magugustuhan niya yun. Pumunta na ako sa cashier para magbayad ng matapos ng makapgbayad, naghanap ako ng kung saan masarap kumain. Gutom na kasi ako eh. Nakit ako yung Jollibee kaya dun ko na lang naisipan na kumain kasi favorite ko yung glaze chicken nila eh.
Pgkatapos kumain, naisipan kong dalawin si Hope para personal na ibigay sa kanya yung nabili kong bonnet. Di na kasi ako mapakali na maibigay yun sa kanya eh. Lumabas na ako ng mall at sumakay ng jeep papuntang Mary Hospital.
Nagulat nga yung isang kasamahan ko kung anu daw ginagawa ko dito eh day off ko naman daw. Sabi ko naman sa kanya may dadalawin lang.
Pumunta na ako sa room ni Hope, naabutan ko yung si ate leila, yung nagbabantay kay Hope dito sa hospital na kumakain. Agad naman niya akong nginitian.
"Oh Dhian! Anong ginagawa mo dito? Diba off mo ngaun! Nabanggit kasi sa akin ni Hope na wala ka daw ngaun kasi off mo daw!". Nakatinging sabi sa akin ni ate leila habang kumakain.
"Wala naman po! Gusto ko lang makita si Hope at saka may ibibigay po ako sa kanya ate leila!".
"Ah ganun ba! Oh di sige. Kaso tulog pa siya. Kani kanina lang yan natulog. Napagod siguro sa pakikipagkwentuhan sa mga pinsan niya kasi dumalaw kanina dito!. Dyan ka muna Dhian ha at ililigpit ko lang tong pinagkainan ko!. Sabi ni ate leila habang papunta sa mini kitchen dito sa loob ng kwarto.
Uu kumpleto ang kwarto na ito. May CR, mini kitchen, may TV, may mini ref at living room para sa mga bisita na pumupunta dito. Private Hospital kasi ito kaya magaganda talaga ang mga rooms dito at kompleto.
Habang nasa mini kitchen si ate leila, nakita ko si Hope na natutulog. Lumapit ako sa kama niya at umupo sa tabi. Pinagmasdan ko ang mukha niya, ang payapa niyang tingnan. Di mo kakabakasan sa mukha niya na may karamdaman siya.
Napatagal ang pagtitig ko sa kanya at di ko na namalayan na nagising na pla siya! Nagulat siguro siya kasi nandito ako ngaun.
"Dhian anong ginagawa mo dito? Diba wala kang pasok!". Tanong niya sa akin habang pinipilit niyang umupo. Tinulungan ko naman siyang makaupo ng maayos.
"Galing kasi ako ng mall eh malapit lang dito kaya naisip kong puntahan ka. At may ibibigay pala ako sayo!". Sabi ko habang nilalabas sa bag ko yung bonnet na binili ko para sa kanya. Pgkalabas ko ng bonnet agad kong binigay yun sa kanya. Nagtataka siguro siya kung bakit ko sya binigyan ng ganito.
"Nakita ko kasi yan kanina habang nag iikot ako sa loob ng department store. Nagandahan ako kya naisip ko na bilhin to para sayo!". Nakangiti kong sabi habang tinatry kong isuot sa kanyang ulo.
"Ang ganda! Bagay sayo!"
"Kaw tlga! Nag abala ka pa! Pero salamat dito ha! Nagustuhan ko siya. Hayaan mo lagi ko itong susuotin tuwing lalabas ako dito sa kwarto ko! Salamat Dhian ha!". Natatawang sabi niya habang tinitingnan sa salamin ung suot niyang bonnet.
Bigla ulit siyang nagsalita habang nakatingin sa maliit na salamin.
"Grabe ang payat ko na! Ang pangit ko na! Buti Dhian di ka natatakot tuwing nakikita mo ako! Kasi mukha na akong bruha! Hahaha!". Sabi niya habang tumatawa pa. Nararamdaman ko lang na ginagawa lang niyang katatawanan yun pero deep inside nasasaktan na siya.
"Alam mo Hope kahit anu pang maging hitsura mo di ako matatakot sau kasi alam ko na mabait ka! At maganda ka in and out! Kaya wag mong sabihin na pangit ka kasi di yan totoo!". Nakatitig kong sabi habang hawak ang kanyang mga kamay.
"Salamat Dhian kasi laging nandyan ka!".
Di naman dahil naaawa ako sa kanya o kung anu pa man basta ang alam ko may puwang na siya sa puso ko...

BINABASA MO ANG
My Hope
Short StorySa ating buhay di natin inaasahan ang mangyayari. May mga taong darating at may aalis din. Di natin alam kung sino ang nakatadhana sa atin. Kaya dapat lagi tayong handa sa mga di inaasahang mangyayari. Tunghayan ang kwento ni Dhian at Hope!