Hope
"Di mo naman kailangang umiwas eh! Kasi mahal din kita!". Yan ang matapat na sabi sa akin ni Dhian habang magkausap kami. Yakap yakap niya ng mahigpit. Di napigilan umiyak ng sobra kasi di ako makapaniwala na yung taong minamahal ko eh mahal din ako.
Di ko talaga expected to. Sa lagay kong to may tao parin pala na magkakagusto sa akin. Sobrang saya ko lang talaga!
Alam na ng parents ko ang status namin ni Dhian. Minsan nga kinausap siya ng masinsinan ng aking papa. Siguro sinisigurado lang nila na di ako niloloko ni Dhian. Kasi di mo rin naman kasi maiiwasan na isipin na isang katulad niya eh magkakagusto pa sa akin na isang kalbo, at sobrang pangit na ngayong katulad ko.
Sobrang sweet at caring ni Dhian sa akin. Araw araw pagpasok niya dinadaanan niya ako dito sa room ko para bigyan lang ng flowers. Favorite flowers ko pa ang binibigay niya sa akin, tulips. Minsan naman kapag day off niya binibisita rin niya tapos dinadalhan ng kung anu ano.
Minsan nga isinama niya ang ate nya sa pagbisita niya sa akin. Maganda ang ate niya at mabait pa. Mukhang maganda lahi nila ah. Hahaha. Nakapgkwentuhan din kami ng medyo matagal. Nalaman ko palang mag aasawa na siya.
Ang sarap lang isipin na may nagmamahal sa akin sa kabila ng malubha kong karamdaman. Minsan nga di ko na masyadong iiniisip na may posibilidad na anumang oras eh mawala na ako sa mundong ito.
Tinapat na kasi ako ng doktor. Malala na daw ang kondisyon ko. Anytime daw pwede akong mamatay. Tanggap ko naman ang kapalaran ko eh. Kaso nga lang nag aaalala ako sa pamilya ko. Lalo na kay Dhian. Di niya alam na tinapat na ako ng doktor. Ayokong mabahala siya. Kaya isinikreto ko nalang sa kanya yun.
Isang umaga ubo ako ng ubo. Wala pa naman si ate leila kasi may binili siya sa canteen. Di parin matigil ang pag ubo ko. Nagulat ako sa nakita ko, ang daming dugo sa panyong inubuhan ko. Nag aaalala ako.
Lord wag naman po sana ngayon! Dasal ko sa kanya.
Itinago ko yung panyo sa drawer ko para di nila makita yung bahid ng dugo. Sobra na talaga akong nanghihina at napapadalas na ung pag ubo ko na may kasaman dugo. Wag naman sana...
Nandito ngayon sa kwarto ko si Dhian at katatapos lang niya akong painumin ng gamot.
Pinilit kong tumayo kasi naiihi na ako. Inalalayan naman niya akong papunta dun kaso biglang nanghina ang mga tuhod ko at nagblured ung paningin ko at hayun nga nahimatay ako.
Di ko alam kung gaano ako katagal na nawalan ng malay basta ang alam ko si Dhian ang kasama ko nung mga panahong nahimatay ako. Narinig kong nagsalita si mommy!
"Thanks god! Gising ka na anak! Alam mo bang sobrang alalang alala kami sayo! Buti na lang kasama mo si Dhian nung mga panahong yun!". Iyak na sabi ni mommy habang yakap yakap ako.
"Ma i'm sorry kung pinag alala ko na naman kayo ha!". Naiiyak ko na ring sabi sa kanya.
"Ma asan na po si Dhian?. Tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Anak kanina pa siya umalis! Grabe anak sobrang nagworry siya sayo! Ayaw ka pa nga niyang iwan eh kaso nakaduty pa siya! Pero sabi niya babalik daw siya mamaya.".
Kinabukasan ng umaga. Dumating si Dhian na parang kakaiba ang kinikilos. Parang may bumabagabag sa kanya. Di ko maexplain eh basta parang weird. Tumabi siyang upo sa akin sa higaan. Nagulat ako ng may nilabas siya sa kanyang bulsa.
At nashocked ako dahil yung nilabas niya eh yung panyo ko na itinago sa drawer ko, yung panyong may bahid ng dugo...
BINABASA MO ANG
My Hope
Short StorySa ating buhay di natin inaasahan ang mangyayari. May mga taong darating at may aalis din. Di natin alam kung sino ang nakatadhana sa atin. Kaya dapat lagi tayong handa sa mga di inaasahang mangyayari. Tunghayan ang kwento ni Dhian at Hope!