Dhian
Sobra talaga ang pag aalala kay Hope nung nahimatay siya habang inaalalayan ko siya papuntang cr. Parang nataranta ako di ko alam ang gagawin. Hirap pala kapag yung mahal mo ang nasa ganung sitwasyon eh. Buti na lang at dumating si ate leila at agad siyang nagpatawag ng doktor.
Nakahiga na ngayon si Hope sa higaan niya. Tapos na siyang ineksamin ng doktor. Habang nakatingin ako sa kanya, parang may napansin ako sa drawer niya sa tabi niya na parang may telang nakausli. Dala siguro ng kuryosidad ko binuksan ko yun. At nagulat ako sa nakita ko. Panyo siya na may bahid ng dugo. Parang nawindang ako dun.
Kelan pa ito? At bakit tinatago niya sa akin? Litong tanong ko sa aking isipan.
Dumating na yung magulang niya na alalang alala kay Hope. Nagpaalam ako saglit na may tatapusin lang trabaho pero excuse ko lang yun dahil may gusto akong malaman ngaun.
Nandito na ako ngaun sa harap ng pinto ng office ng doktor ni Hope. Gusto ko talagang malaman ang tunay na kalagayan ni Hope. Di na kasi ako mapakali eh. Kumatok ako at agad namang bumukas yun. Binati ko ung doktor.
"Oh Dhian! Anong kailangan mo?". Tanong ni doc sa akin.
"Doc may itatanong ako sayo pero sana naman po maging tapat kayo sa akin ha!". Determinado kong tanong sa kanya.
"Sige Dhian anu ba yang itatanong mo?".
"Doc gaano na ba kalala ang sakit ni Hope Felez?".
Natigilan ang doktor at biglang nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kanyang Office.
"Doc sabihin niyo sa akin! Pls. lang po!". Nagmamakaawa kong sabi sa kanya.
"Dhian tatapatin kita! Malala na ang kondisyon ni Hope. Di na nakukuha sa chemo ang sakit niya. At any minute pwede na siyang mamatay. Nasabi ko na rin sa kanya to para maging handa siya sa mga posibleng mangyari!". Malungkot na sabi ng doktor ni Hope.
Parang nanigas ang buong katawan ko sa nalaman ko. Parang di ko kayang tanggapin na anumang oras eh posibleng mawala si Hope. Parang ayaw pumasok sa utak lahat ng sinabi ni dok sa akin.
Lutang ang pakiramdam ko ngaun. Parang naririnig ko parin yung mga sinabi sa akin kahapon ng doktor ni Hope. Kaya pala parang iba na ang lagay ni Hope ngaun. Hirap na siyang magsalita. Di na niya kayang tumayo at maglakad. Yun pala malala na ang kondisyon niya.
Pumunta ako sa kwarto ni Hope. Pagkabukas ko ng pinto sakto namang gising siya. Nakaupo siya sa higaan niya. Ngumiti siya nung nakita niya ako. Tumabi ako sa kanya. Pagkaupo ko sa tabi niya inilabas ko sa bulsa ko yung nakita kong panyo.
Nagulat siya sa ipinakita ko.
"Hope bakit di mo sa akin sinabi?".
"Bakit itinago mo sa akin ang totoong kondisyon mo?". Nakatitig kong tanong sa kanya habang pinapaharap siya."Dhian i'm sorry kung di ko sinabi sayo! Ayokong malaman mo na anumang oras eh pwede akong mawala! Parang di ko kasi kaya na iwan ka, kayo ng pamilya ko!". Umiiyak na sabi ni Hope.
"Hope mahal na mahal kita! Alam mo yan kaya kahit anung danasin mo nandito lang ako para sayo! Di kita papabayaan! Alam ko na kaya mo!". Naiiyak ko na ring sabi. Niyakap ko siya kasi parang ang bigat na rin sa pakiramdam na ganito ang sitwasyon namin ngaun.
"Mahal na mahal din kita Dhian! Thankful ako kay god kasi binigyan niya ako ng pagkakataon na magmahal at mahalin ng katulad mo!". Humihikbi paring sabi ni Hope habang yakap yakap ko siya ng mahigpit.
Ang hirap talagang tanggapin na may mga taong darating at may mga taong aalis din!...
BINABASA MO ANG
My Hope
Short StorySa ating buhay di natin inaasahan ang mangyayari. May mga taong darating at may aalis din. Di natin alam kung sino ang nakatadhana sa atin. Kaya dapat lagi tayong handa sa mga di inaasahang mangyayari. Tunghayan ang kwento ni Dhian at Hope!