MH: 4

16 0 0
                                    

Hope

Narinig ko na nagsalita yung nurse. Nakatalikod kasi ako sa way ng papuntang pinto. Kaya di nakikita kung sino man ang pumapasok sa loob ng kwarto. Sinabi niya na oras na daw ng pag inom ko. Pakiramdam ko tinitingnan niya ako mula sa likod. Kaya di na ako nakatiis eh bumaling na ako paharap sa kanya.

Tama nga ang hinala ko na nakatingin siya sa akin. Para pa ngang natulala nung nakita na niya ang buong mukha ko. Naiisip ko, siguro nashocked siya kasi nakita niya kung gaano kalala ang lagay ko. Di ko naman talaga maiiwasan na mahabag sa akin kung sino man makakakita ng kalagayan ko ngaun.

Ang payat ko, nakakalbo na at sobrang namumutla dahil sa panghihina. Di ko siya masisi kung ganyang natulala siya sa akin.

Kinuha ko ang atensyon nya kasi di parin siya tumitinag sa pagtitig sa akin at parang nakoconscious akong titigan. Alam ko naman di ako pangit pero noon un. Kung makikita mo lang kalagayan ko ewan ko na lang baka maiyak ka pa.

Siguro nahiya siya sa ginawa niya kasi bigla siyang parang nataranta.

"Good Evening Ms. Felez! Oras na po para sa gamot nyo!". Sabi niya sa akin habang inaayos niya ung mga gamot na kailangan kong inumin ngaun. Pgkatapos niya ibinigay na niya yun sa akin. Ininom ko naman agad ang mga yun. Pero nagtataka ako sa ilang buwan ko dito ngaun ko lang siya nakita. Kasi never pa siyang nagawi dito sa room ko ngaun lang. Nacurious ako kya nung mukhang paalis na siya eh nagsalita ako.

Mukha namang nagulat siya kasi tinanong ko siya. Napatingin siya sa akin. Di kasi ako nakatiis eh.

"Kuya pwedeng magtanong? Bago ka lang ba dito? Ngaun lang kasi kita nakita dito eh!". Nahihiya kong tanong sa kanya. Nahihiya kasi akong tumingin eh. Sumagot naman siya. Kaya pala di ko siya nakikita dito kasi ngaun lang daw natoka sa kanya itong room na to!. Kaya siguro ngaun ko lang siya napansin.

Mukha pa ngang bata siya eh. Cute rin siya infairness. Ay anu ba yan! May sakit na nga ako eh gumaganyan pa ako. Sa kaso kong ito malabo ng may magkagusto sa akin. Mukha naman siyang mabait.

Di ko alam na medyo tumagal pala siya dito sa kwarto na kausap ako. Ang dami nga naming napag usapan. Sinabi ko rin sa kanya kung kelan ako na hospitalized at kung anu ano pa. Masaya syang kausap. Parang nawala nga boredom ko eh. Minsan lang kasi akong may makausap ng matagal. Kasi sobrang busy ng family ko. Naiintindihan ko naman yun eh kaya di ako nagtatampo sa kanila.

Nagpaalam na siyang aalis na dahil marami pa daw siyang gagawin. Naintindihan ko naman. Nakangiti akong nagpasalamat sa kanya dahil hindi siya nag atubili na makipag usap sa akin. Nang nakalabas na siya, humiga ulit ako. Madali na talaga akong manghina ngaun lalo pa na nagkechemo ako.

Kapag chemo session na grabe ang hirap na dinaranas ko. Parang minsan nararamdaman na ng katawan ko na bibigay na. Pero pinipilit kong kayanin. Ayokong sumuko. Ngunit alam ko naman na anumang oras pwede akong mamatay. Tanggap ko na yun!...

My HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon