MH: 3

9 0 0
                                    

Dhian

Kanina nag umpisa ang pagrarounds ko para sa pagpapainom ng gamot sa mga pasyente na nakatoka sa akin. Nung tiningnan ko yung listahan ko isa na lang pala ang di ko napupuntahan yun ay ang Room 301. Inaayos ko na ang mga gamot na dadalhin ko dun sa room na yun. At ok na eh pumunta na rin ako dun agad.

Nang makarating ako sa harap ng pinto ng Room 301. Kumatok ako ngunit walang nagbubukas o nagsasalita mula sa loob. Ilang beses pa akong kumatok ngunit wala pa rin kaya pinihit ko ang doorknob at sakto namang hindi nakalocked yung pinto. Dahan dahan akong pumasok sa loob ng kwarto.

Nakita ko ang isang babae na natutulog sa sofa. At ng mapatingin ako sa hospital bed ng kwarto, nakita ko ang isang babaeng nakatalikod mula sa kinaroroonan ko. Mukhang matangkad siya, ngunit ang payat niya at parang nakakalbo na rin siya.

Siguro naramdaman niyang may pumasok kaya pumaharap siya sa akin. Nang unti unti siyang humarap sa akin, nakita ko ang kanyang mukha. Maganda pala siya at maysakit siya. Matangos ang ilong, bilugan ang mga mata at ang bibig niya parang bibig ng isang bata. Naisip ko nga na siguro ang ganda lalo nito nung di pa ito nagkasakit. Kasi ngaun ngang maysakit siya eh mababakas parin na maganda siya, paano na alang kung wala diba.

Napansin niya sigurong napatitig ako sa kanya kaya bigla siyang napaubo. Di ko lang alam kung sadya nya yun o talagang nauubo siya.

"Good Evening Ms. Felez! Ito na po ang mga gamot niyo!". Sabi ko sa kanya habang inaayos ang mga gamot na iinumin niya. Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin pero di ko na lang pinapansin. Umupo siya sa kama para siguro maayos ang pag inom niya ng mga gamot.

Nang maibigay ko na sa kanya ang mga gamot eh agad naman nya tong ininom. Masunurin pala siya. Hindi siya mahirap painumin. May iba kasing pasyente dito na pahirapan talaga ang pagpapainom. Mukha naman siya mabait eh.

Nang matapos na niya itong mainom lahat, agad ko ng inayos yung mga dala dala ko pagpasok dito s silid niya. Nagulat nalang ako ng magsalita siya!

"Kuya pwedeng magtanong? Bago ka lang ba dito? Kasi ngayon lang kita napansin dito? Tanong niya sa akin habang nakatingin.

"Hindi matagal na ako dito. Pero ngayon lang kasi ako natoka sa room na to kaya siguro di mo ako napapansin". Sabi ko sa kanya habang nag aayos.

"Ah ganun ba! Nu pala name mo? Wala kasi akong makakwetuhan dito eh. Wala rin akong kakilala. Ang mga nakakausap ko lang eh ang pamilya ko kapag andito sila. Pero madalang lang kasi busy sa business. Yung kasambahay lang namin yung kasa kasama ko dito sa hospital!" Nakayuko nyang tanong sa akin. Mukha kasing nahihiya.

"Dhian Santos ang name ko!" Nakangiti kong sabi.

"Ah! Nice to meet you Dhian! Ako nga pala si Hope Felez." Nakangiti niyang sabi. Maganda pala siya kapag nakangiti.

Di ko na namalayan na medyo nagtagal pala ako dito sa kwarto ni Hope. Ang sarap kasi nyang kausap. Kalog rin pala siya. At natatawa ako sa kanya. Di mo sa kanya mababakas na may malubha siyang sakit kasi makulit siya. Nagpaalam na ako sa kanya na aalis na kasi madami parin akong trabaho na kailngang tapusin.

"Hope alis na ako may gagawin pa kasi ako eh! Bukas na lang ulit!. Paalam ko sa kanya.

"Cge Dhian salamat ha kasi kahit papaano may nakausap ana ako dito! Sige bukas nalang ulit!". Nakangiti niyang turan sa akin.

Nang makalabas ako ng kwarto parang ang gaan ng feeling ko. Di ko maipaliwanag eh. Ang dami ko ngang nalaman sa kanya eh. Isa pala siyang teacher. Mukha siyang pursigido na gumaling...

My HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon