Dhian
Ilang linggo na rin ang lumipas nung nagkaiyakan kami ni Hope sa kwarto niya. Masakit man isipin pero lalong lumalala yung lagay niya.
Itong araw na to ay special para sa akin, para sa amin. Kasi monthsary namin ngaun. May wish nga siya ngaung araw na to at yun ang makapunta sa baywalk. Gusto nya daw kasing makita ang sunset. Matagal na rin daw kasi ng huli niyang nasilayan un malapit sa seaside eh.
Kaya ipinagpaalam ko siya sa magulang niya at sa doktor niya kung pwede ko siyang ilabas ngaung araw na to. Pinayagan naman nila ako pero bumalik din daw kami agad.
Ngaun nga pabyahe na kami papunta dun. May dala akong mga gamot at wheelchair para sa pamamasyal namin mamaya dun. Di na kasi niya kayang maglakad eh. Di niya alam kung san kami pupunta basta ang sabi ko surprise ko un sa kanya. Suot suot niya ngaun ung binigay kong bonnet sa kanya. Tinupad niya ung sinabi niya susuotin niya un kapag nasa labas siya ng kwarto sa hospital.
Nang makarating na kami dun. Agad akong naghanap ng pwedeng pagpwestuhan namin. Inayos ko ung wheelchair niya bago siya binuhat pasakay dun. Nagulat siguro siya kung nasan kami.
Pagtingin ko sa kanya parang naluluha siya. Itinanong ko naman kung bakit.
"Hey! Bakit ka umiiyak Hope? Di mo ba nagustuhan ang suprise ko sayo?". Sabi ko abang yumuyuko paharap sa kanya.
"Sobrang gusto ko Dhian! Salamat at tinupad mo yung wish ko! Thank you talaga!". Sabi niya habang nakatitig sa akin.
"Happy monthsary Hope! Masaya kong sabi sa kanya.
"Happy monthsary Dhian!". Lumuluha paring sabi niya sa akin. Hinalikan ko siya sa pisngi para tumahan na siya. Ganun kasi ginagawa ko kapag umiiyak siya
Habang hinihintay namin yung paglubog ng araw. Magkatabi kaming ngkukwentuhan. Nakasandig siya sa aking balikat.
"Dhian masaya ka ba na minahal mo ako?".
"Uu naman masayang masaya ako kasi ikaw ang minahal ko!".
"Kahit na ganito ang kondisyon ko?". Patuloy pa niyang tanong sa akin.
"Uu kahit anu pang maging kondisyon mo mamahalin parin kita!". Sabi ko habang hawak hawak ko ang mga kamay niya.
"Dhian wag ka laging magpapakapagod ha! At saka lagi kang kumain kasi parang nangangayat kana!".
"At lagi mong isipin na nandito lang ako sa tabi mo!".
"At saka lagi mong titingnan ang pamilya ko ha! Mahalin mo sila na parang pamilya mo na rin!".
Basta tatandaan mo na may isang Hope na nagmamahal sau!". Patuloy parin niyang sabi. Habang nakatingin sa araw.Parang ang weird ng pakiramdam ko. Di ko nalang pinansin at baka wala lang yun.
"Dhian thank you ha kasi dinala mo ako dito! Gustong gusto ko kasing makita ang paglubog ng araw dito bnda sa baywalk!". Masaya niyang sabi sa akin.
"Kahit ano Hope para sayo! Mapasaya lang kita kuntento na ako!"
Yun naman talaga ang gusto ko ang mapasaya siya sa kahit anumang paraan.
Ayan na palubog na ang araw. Marahan akong lumingon sa gawi niya at ganun na lang ang pagkabog ng dibdib ko kasi nakapikit na siya. At may luha pang bumagsak sa mga mata niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Naiyak na lang ako.
Wala na siya! Wala na ang babaeng pinakamamahal ko. Iniwan na niya ako...
Kaya pala parang nagbibilin siya kanina dahil yun na pala ang huling habilin niya sa akin. Niyakap ko ang katawan niya at umiyak ako ng umiyak. Wala na si Hope.Kung nasan ka man ngaun Hope, alam kong di ka na mahihirapan pa...
BINABASA MO ANG
My Hope
Short StorySa ating buhay di natin inaasahan ang mangyayari. May mga taong darating at may aalis din. Di natin alam kung sino ang nakatadhana sa atin. Kaya dapat lagi tayong handa sa mga di inaasahang mangyayari. Tunghayan ang kwento ni Dhian at Hope!