MH: 2

28 0 0
                                    

Hope

"Anak naman bakit ba ang tigas ng ulo mo! Sabi ko naman sayo na kung may kailangan ka, tawagin mo lang si leila. Tingnan mo inatake ka na naman at bigla ka na lang humandusay sa sahig. Kung hindi ka pa nakita ni leila eh baka kung anu ng nangyari sau!" Umiiyak na saad ng mommy ko habang nasa tabi ko siya dito sa hospital bed ko. Hawak hawak niya ang kamay ko.

"Ma alam mo aman na ayokong maistorbo kayo! At saka kaya ko naman Mommy eh, minalas lang siguro ako nung araw na un kasi bigla akong inatake ng sakit ko habang pupunta ako ng cr." Sabi ko sa kanya habang pinapatigil ko siyang umiyak. Ayoko kasi na pinag aaalala ang mommy ko kasi sobra siya emotional pagdating sa akin. Lalo na nung nalaman niya na maysakit ako. Walang tigil ang iyak niya nun.

Uu maysakit ako na di ko alam kung gagaling pa to. May Cancer of the Blood ako o mas kilalang leukemia. Stage 3 na siya nung nalaman namin. Kaya pala noon nagugulat na lang ako nung may pasa na ako sa katawan tapos naglalagas yung buhok ko. Akala ko normal lang yun kasi di ko naman inakala na malala na pala yun.

My name is Hope Felez, 23, isa akong Pre School Teacher. Uu hilig ko talaga ang magturo. Kasi noong bata pa ako lagi kaming naglalaro ng mga pinsan ko, ako daw ang teacher at sila daw ang mga students ko. Hanggang sa paglaki ko yun parin ang gusto ko. Ang maging isang guro. Kaya napili ko ang Pre School kasi hilig ko talaga yung mga cute students. Ang sarap kasi nilang turuan eh tapos ang bibibo pa nila.

Kahit na may mga business kami eh di nila ako napilit maging katulad nila daddy kasi iba ang gusto ko.
Kaso yun nga natigil ako sa pagtuturo kasi nadiagnosed nga na may leukemia ako. Namiss ko na nga ang mga co-teachers at mga students dun sa school kung san ako nagtuturo.

Ilang buwan na ako dito sa hospital kasi laging minomonitor ang lagay ko. Feeling ko nga lalo akong manghihina dito eh. Kasi hate ko talaga ang hospital. Parang iba ung feeling kapag nandito ka. Siguro kasi dito marami ng taong namatay, nabuhay at mga nag aagaw buhay. Pero wala naman akong magagawa kasi kailangan eh.

Gusto ko pang mabuhay para sa family ko. Ayokong sumuko dahil alam ko hindi sila sumusuko para sa akin.

"Opo mommy next time di ko na uultin yun! Mgpapatulong na ako kay leila in case na may kailngan ako. Kaya you don't have to worry mom!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Si leila pala ung kasambahay namin na nag aalaga sa akin dito. Matagal na siyang naninilbihan sa amin kaya palagay na sila mommy kung siya ang kasama ko.

"Be sure anak ha! Ayoko ng may mangyari pa sayo ulit at baka di ko na kayanin!" Naiiyak paring sabi sa akin ni mommy. Niyakap ko naman siyang mahigpit para lang mawala ang pag aalala niya.

Nakatulog pala ako. Di ko namalayan, ang haba kasi ng kwentuhan namin ni mommy, siguro dala narin ng pagod kaya agad akong nakatulog. Gabi na pala. Nakita kong nakahiga si ate leila. Nakatulog rin siguro.

Nakatagilid ako ng may biglang nagbukas ng pinto. Kaya di ko nakita kung sino man ang pumasok...

"Good Evening Ms. Felez! Oras na po para sa pag inom niyo ng gamot!"...

My HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon