Dhian
Ilang araw ko ng napapansin na di ako masyadong kinikibo ni Hope. Wala naman akong maalala na ginawang di maganda sa kanya. Nagtataka talaga ako. Di naman kasi ganyan siya noon eh. Nitong mga huling araw lang. Di ko na lang pinansin baka kasi di lang maganda ang pakiramdam niya.
Lately nga parang tingin ko lalo siyang nanghihina eh. Wala naman akong magawa.
May session siya ngaun para sa chemo niya kaya agad akong pumunta sa room niya pero nadatnan kong wala na siya doon. Ang naabutan ko lang si ate leila.
"Ate leila asan na po si Hope? May session po kasi siya ngaun!". Nagtataka kong tanong kay ate leila.
"Naku Dhian kanina pa siya nagpahatid sa doktor niya. Nagulat nga ako na di ikaw ang kasama niyang nurse eh. Di naman ako nagtanong kasi baka wala ka ngaun!".
"Ah ganun ba ate leila! Sige po labas na po ako!". Paalam ko sa kanya.
Nang naglalakad ako di ko maiwasan na mag isip na baka talagang iniiwasan ako ni Hope. Wala talaga akong maisip na dahilan eh. Nung nakaraan ring mga araw kasi kapag pinapainom ko siya ng gamot, parang tuod lang siyang nakayuko. Tapos di niya ako kinikibo. Minsan naman kapg gusto ko siyang kausapin sinasabi lang niyang pagod siya at gusto na niyang magpahinga.
Sobra talaga akong naguguluhan. Naisip ko minsan,
"Nu ba ginawa ko?".
"Baka may ginawa ako na di niya gusto!".
Kaya ang naisip ko ang kausapin siya ng masinsinan. Bukas pupuntahan ko siya sa room niya bago ako umuwi. Gusto kong malaman kung bakit niya ako iniiwasan.
Kinabukasan. Papunta na ako sa room ni Hope. Ngaun ko kasi siya balak na kausapin eh. Pgdating ko sa harap ng pinto, medyo nakaawang ito at makikita mo at maririnig mo ang mga nag uusap sa loob. Narinig kong nagsalita si ate leila.
"Hope bakit mo naman iniiwasan si Dhian?". Narinig kong tanong ni ate leila kay Hope.
"Alam mo aman ang dahilan diba ate leila!". Narinig kong sabi ni Hope.
Nasa labas pa rin ako nakikinig. Di nila alam na nandun ako. Nagsalita pa ulit si ate leila.
"Uu alam ko naman yun Hope kaso di ka ba naaawa kay Dhian! Nagtataka na yung tao kung bakit di mo na siya masyadong pinapansin!".
"Naaawa din ako ate leila pero anung magagawa ko kailangan kong gawin yun! Ayokong masaktan sa bandang huli!". Parang naiiyak na sabi ni Hope.
Nagtataka ako kung anu yung meaning ng huling sinabi ni Hope. Di ko maisip ang dahilan. Bakit siya masasaktan sa bandang huli?...
Di na ako nakatiis pumasok na ako sa loob ng kwarto. Parang nashocked sila nung nakita ako.
"Dhian kanina pa ba dyan sa labas?". Maang na tanong ni Hope. Mukhang di siya mapakali.
"Uu at narinig ko lahat ng pinag usapan niyo!".
Nakahalata siguro si ate leila na kailangan naming mag usap na dalawa ni Hope kaya nag excuse siya na lalabas na muna daw siya kasi may bibilhin daw siya sa canteen.
Nang makalabas na si ate leila lumapit naman ako kay Hope. Tumalikod na upo siya sa higaan niya. Kumbaga likod niya ang nakikita ko lang.
"Hope bakit parang pakiramdam ko iniiwasan mo ako!". Sabi ko sa kanya habang palakad papunta sa tabi niya.
"Di naman kita iniiwasan ah!". Sagot ni Hope sa akin.
"Hope kilala na kita! Ilang buwan na rin taung ngkakausap at nagkakasama kya kilala na kita! Sabihin mo nga sa akin ang dahilan kung bakit mo to ginagawa!".
Nagulat ako ng bigla siyang mgsalita habang may tumutulo sa kanyang mga mata. Luha pala yun!
"Gusto mo ba talagang malaman ha Dhian?".
"Uu gusto kong malaman kasi lagi kong iinisip na baka may nagawa akong mali o na di mo gusto!". Sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.
"Ayoko na kasing mapalapit sayo Dhian!".
"Bakit anong dahilan Hope? Bakit mo ako iiniwasan?. Maang kong tanong.
"Kasi gusto kita Dhian! Ay di lang pala gusto mahal na nga yata kita eh. Pero alam ko naman na di mo ako magugustuhan dahil sa kalagayan kong to! Kasi ayokong sa bandang huli masaktan lang ako!". Umiiyak na sabi ni Hope sa akin.
Nashocked talaga ako sa nalaman ko. Si Hope mahal ako. Parang natuwa ang puso ko dun sa sinabi niya.
"Yun ang dahilan kung bakit nitong mga nakaraang araw eh iniiwasan kita kasi ayoko ng masyadong maattached sau! Baka kasi di na ako makaahon sa pagmamahal ko sau!". Patuloy patin niyang sabi habang humihikbi siya.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Nagulat siya sa ginawa ko. At sinabi ko,
"Di mo naman kailangang umiwas eh! Kasi mahal din kita!". Sabi ko. Uu tama kayo mahal ko na nga itong babaeng yakap ko. Kahit ganyan ang kalagayan niya minahal ko siya. Di ko nga alam kung kelan nagsimula basta ang alam ko ayoko siyng nakikitang nahihirapan.
Nagulat siya sa sinabi ko at umiyak lng ng umiyak siya habang yakap yakap ko siya...
BINABASA MO ANG
My Hope
Short StorySa ating buhay di natin inaasahan ang mangyayari. May mga taong darating at may aalis din. Di natin alam kung sino ang nakatadhana sa atin. Kaya dapat lagi tayong handa sa mga di inaasahang mangyayari. Tunghayan ang kwento ni Dhian at Hope!