MH: 7

10 0 0
                                    

Hope

"Kaw talaga ang nag abala ka pa! Pero salamat dito ha! Nagustuhan ko siya! Hayaan mo lagi ko itong isusuot tuwing lalabas ako dito sa kwarto ko! Salamat talaga Dhian!". Nakangiti kong sabi sa kanya habang tinatry niyang isuot sa ulo ko yung bigay niyang bonnet.

Tiningnan ko sa maliit na salamin kung bagay ba sa akin yung bigay niya. Nahabag ako sa nakita ko. Sobrang payat ko na pala. Kalbo na rin ako. Parang di ko na makita ung dating ako. Parang nawala na siya at ibang tao na ang pumalit sa katauhan ko. Pero di ko na lang pinansin at ginawang katatawanan. Wala naman na akong magagawa eh.

"Naku sobrang payat ko na pala! Ang pangit ko ng tingnan! Buti hindi ka natatakot sa akin Dhian!". Nakatawa kong sabi sa kanya.

Nagulat ako sa sinabi niya na di naman daw ako pangit. Parang kinilig ako na di mawari. Maganda daw ako sa loob at labas ng pagkatao.

Sobra talaga akong nagpapasalamat kasi nandyan si Dhian kapag kailangan ko siya. Sinasamahan niya ako kpg may chemo ako, pinupuntahan niya ako dito sa kwarto ko kapag may time siya para lang makipagkwentuhan sa akin. Di ko maiwasan na humanga sa kanya kasi di siya nangingilag na makipagclose sa akin.

Mahigit na dalawang buwan na pala kaming magkakilala ni Dhian. At lalo pa kaming naging close sa isa't isa. Di na nga siya iba sa pamilya ko eh. Dito parin ako sa hospital nakaconfined.

Minsan nagsuka ako ng dugo pero di ko sinabi sa kanila. Tapos napapansin ko na parang di ko na masyadong maigalaw yung mga paa ko. Parang nanghihina. Di na nga ako makatayo ng matagal kasi parang bibigay. Di ko sa kanila sinasabi na may mga ganun akong nararamdaman sa katawan ko dahil ayokong magpanic na naman sila.

Isang hapon kausap ko si ate leila. Tinatanong ko sa kanya kung anung nakikita niya kay Dhian bilang isang lalaki. Minsan kasi may ibang ginagawa si Dhian na nagpapakilig sa akin pero ayoko namang mag assumed at baka mali ang hinala ko. At saka naisip ko na wala ng magkakagusto sa akin sa lagay kong to.

"Alam mo Hope gusto ko si Dhian bilang isang lalaki. Kasi maalaga, masayahin, mabait at higit sa lahat napapatawa ka niya!". Nakangiting sabi niya sa akin habang pinapakain ako.

"Bakit mo naman naitanong ha Hope?".

"Wala naman ate leila!".

"Sus! Wag ka ng maglihim sa akin Hope, kilala na kita kaya alam kong may gusto ka kay Dhian. Di naman masamang magustuhan mo siya kasi kagusto gusto naman talaga! Kaso alam mo aman ang kalagayan mo Hope, ayokong umasa ka at baka masaktan ka lang. Yun ang ayokong mangyari sau dahil parang anak na kita!". Nag aalalang sabi ni ate leila sa akin habang tinititigan ako.

"Alam ko naman yun ate leila! Di po talaga umaasa na sa kalagayan kong ito eh may magkakagusto pa sa akin!".

Tama mahirap ang umasa at baka masaktan lang ako. Kaya ngayon palang kailangan ko ng lumayo sa kanya habang di pa malalim ang pagkagusto ko sa kanya...

My HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon