MH: 5

9 0 0
                                    

Dhian

Ilang araw na rin ang lumipas. Ang daming pasyente ngaun dito sa hospital. Di kami mgkandaugaga sa pag aasikaso sa kanila. Ang nakakalungkot lang, nung isang araw may namatay na naman. Di na bago yan dito pero di ko talaga maiwasan ang malungkot para sa pamilyang naiwan nung namatay. Nawalan na rin kasi ako ng mahal sa buhay.

Namatay ang mama ko nung 15 taong gulang ako dahil sa cervical cancer. Dalawa kaming mgkapatid, ako ang bunso. Ang tatay ko naman ngtatrabaho sa ibang bansa kaya kami lang ng ate ko ang magkasama sa bahay.
Siguro kaya ng abroad ang tatay ko kasi gusto rin niyang makalimot sa pagkawala ni mama. Naiintindihan naman namin siya. Mahal na mahal kasi niya si mama.

Habang naglalakad ako sa hallway naisip ko si Hope. Ilang araw na rin akong pumupunta dun sa Room nya kasi ako parin nakatoka sa pagpapainom ng gamot sa kanya. Napakagaan ng loob ko sa kanya. Kahit na maysakit siya masayahin parin siya. Di mo nga mababakasa sa kanya na may iniinda siyang sakit eh. Kya nga i admired her dahil ang strong ng personality niya. At pinakilala niya ako sa mga magulang niya. Mukha namang mababait sila kasi nakangiti sila nung nakatingin sila sa akin. Sabi pa nga ng mommy niya na alagaan ko daw si Hope.

Nung pagliko ko hallway, nakita ko si Hope na sakay ng wheelchair. Naalala ko pala na may chemo session pala siya ngaun. Tulak tulak siya ng isang nurse na kakilala ko. Nakita niya ako kaya nginitian ko siya.

"Magandang umaga Hope!". Nakangiti kong sabi sa kanya. May naisip ako, patapos na rin naman ang duty ko kaya naisip ko na ako na lang ang sasama sa kanya sa loob. Kinausap ko yung nurse na nakaassigned sa knya. Sabi ko ako na ang mg aassist kay Hope sa loob. Pumayag naman siya.

"Dhian diba oras na ng out mo? Bakit di ka pa umuuwi? Sinamahan mo pa ako dito! Nakakahiya naman sayo!". Nakatinging sabi ni Hope sa akin habng hinahanda ng doktor ung mga gagamitin para sa session.

"Ok lang yun Hope! Wala naman akong gagawin sa bahay pag uwi. At saka gusto kitang samahan dito kumbaga moral support diba!". Nakangiti kong sabi sa kanya habang inaalalayan siya patayo para lumipat dun sa upuan.

Nagsimula na ang chemo session ni Hope. Nakakaawang tingnan siya sa kalagayan niya. Alam ko namang sobrang hirap na siya sa sakit niya pero kinakaya parin niya. Di na nga ako halos umalis sa tabi niya kasi gusto ko nasa tabi lang niya ako para alam niyang may kasama siya.

Ilang sandali tapos na at nagpapahinga na lang si Hope. Mababakas mo sa mukha niya na sobrang nahirapan siya kanina. Tingin ko nga sa kanya parang lalo siyang pumapayat pero maganda parin siya kahit ganun ang kalagaya niya.

Ano ba tong naiisip ko? Di naman siguro na nahuhulog na ako sa kanya?... tanong ko sa sarili ko.

Minsan kasi sumasagi siya sa isip ko. Tapos napapangiti ako kapag naiisip ko siya. Ang gaan ng loob ko kapag nakakausap ko siya. Kaya nga kapg napapadaan ako sa room niya minsan sinisilip ko kung anu yung ginagawa niya.

"Dhian salamat at sinamahan mo ako dito ha! Medyo gumaan ang pakiramdam ko kasi nandyan ka sa tabi ko!". Nanghihina niyang sabi sa akin.

"Anu ka ba Hope! Walang anuman at saka gusto ko rin naman tong pagsama sayo eh! Gusto ko isipin mo na di ka nag iisa, na nandito lang ako sa tabi mo!". Nakangiti kong sabi habang tinititigan siya. Siguro napansin niyang nakatitig ako kaya napayuko siya. Lalo tuloy akong napangiti sa ginawa niya.

Nang medyo ayos na siya hinatid ko na siya sa kanyang kwarto. Tinulungan ko siyang makahiga sa higaan niya. Naabutan pa namin dun ung mommy niya na kararating lang. Nagpasalamat siya dahil sinamahan ko daw ang anak niya. Di kasi niya kayang makita si Hope na nagkechemo kasi parang di daw niya kaya makitang nahihirapan ang anak niya.

"Dhian salamat talaga!".

"Walang anuman, sige magpahinga kana alam ko naman na napagod ka eh!"

"Sige uwi ka na!"

Nagpaalam na nga ako na aalis na...

My HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon