Light POV
Knock! Knock! Knock!
"Light anak malalate kana sa school, bumangon kana dyan!"
"Tita! 5 minutes more please I'm really tired from the party last night"
"Hahaha, honey it's first day of school I know naman na ayaw mong nalalate ka especially when it's your first day"
Arrggh, kung hindi lang talaga dahil first day of school mamaya pa ako babangon. Kung bakit naman kasi kahapon pa ang naisipan nilang magpa welcome party napagod tuloy ako.
"Haay, I'll get up na po Tita" sabi ko na nakadapa parin sa kama. Narinig ko namang tumawa si Tita Aina bago ko ito narinig na naglakad na pababa. Narinig siguro nito ang buntong hininga ko.
Tinignan ko naman ang alarm clock sa bed side table ko at napabalikwas agad ng bangon ng makita kung 30 minutes nalang at 8 o'clock na. Waaaaa, 8:30 pa naman ang 1'st class ko at terror prof pa. Kaya dali dali akong umalis sa kama at tumakbo papuntang banyo.
My Gosh, I almost hit my favorite flower vase na nakapatong sa mahabang table na malapit sa banyo ko sa pagmamadali ko! Mabuti nalang talaga at mabilis akong kumilos kaya wala pang 30 minutes tapos na akong maligo at naka bihis narin.
Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin na nakatayo malapit sa kama ko. Hmm, mabuti naman at nagkasya pa sakin ang uniform ko medyo tumaba daw kasi ako sabi ni Kuya Khan. Paano ba naman ako hindi tataba eh dito ba naman ako tumira ng dalawang buwan.
"Good morning!" masaya kung bati sa kanila nang makababa na ako. Lumapit ako kay Tita Aina Tito Bail at kuya Khan at isa isang humalik sa kanilang pisngi.
"Tita, Tito babalik na po ako mamaya sa bahay." naka ngiti ko pa ring pagpapa-alam sa kanila. Sa bahay na kasi ako dederitso pagkatapos ng klase. Nakita ko namang nalungkot si Tita, kaya naman mas lumawak ang ngiti ko.
"Tita, nasa kabilang village lang naman po ang bahay namin kaya wag ka nang malungkot."
"Oo nga naman Mom, isa pa tingnan mo nga si Light tumataba na sa dahil kung ano ano ang pinapakain mo. Mabuti na nga lang at nagkasya pa sa kanya ang uniform nya Hahahaha " sabat naman ni Kuya Khan na tumatawa tawa pa kaya tiningna namin sya ni Tita Aina nang nakabusangot ang mukha kaya naman pati si Tito Bail napatawa narin.
"Kuya Khan, kahit na tumaba pa ako maganda parin ako diba Tita" paghingi ko ng saklulo kay Tita na hanggang ngayon ay nakabusangot parin ang mukha at nakatingin kay Kuya Khan ng masama.
"You know what son, pareho talaga kayo ng Daddy mo palagi nyo nalang akong pinagtutulongan! Mabuti pa nga si Light eh, kahit busying busy nagagawa paring kainin ang mga niluluto ko eh kayong dalawa nang Daddy mo ni hindi man lang matikman ang luto ko." mahabang lintanya ni Tita Aina na nanlilisik na ang matang nakatingin kila Tito Bail at Kuya Khan. Kaya naman napatawa nalang ako ng tingnan ko ang mga mukha nila Tito at Kuya mga mukhang timang hahahaha mag ama nga sila hahahaha.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain at baka malate pa ako sa klase malalagot pa ako, 1'st day of class pa naman. Nang matapos na akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanilang mauuna na ako at hinatid naman ako nila Tito at Tita sa kotse ko .Si Kuya Khan naman nauna ng magpaalam dahil may eh me meet pa daw syang client.
"Light honey, don't forget to visit me every weekend okay. Don't starve yourself, pagnamiss mo ang mga luto ko tawagan mo ako at padadalhan kita o di kaya ako ang maghahatid sa bahay nyo okay."
YOU ARE READING
My ARAH
RomanceHis school mate/his sister friend or His business partner? He's confused kung sino talaga ang sa dalawa ang pipiliin nya. Because he's attracted to both. The business woman and One of the top 5 in who's the riches in the Philippines and Top 10 arou...