Chapter 35

1 0 0
                                    


Russell's POV

Magaalauna na hindi parin ako maka tulog, namamahay siguro ako kaya naman naisipan kung bumaba para uminom ng tubig . Paglabas ko ng kwarto ay na patingin ako sa kwarto ni Light at noong nilipad ang kurtina nito  nakita kung wala sya sa kama nya. Kaya naman dahan dahan akong naglakad sa harap ng kwarto nya at hinawi ang kurtina.



Nasaan na yun? Anong oras na hindi parin natutulog. Lumapit naman ako sa banyo at dinikit ang tenga sa pinto para malaman kung may tao ba sa loob ng wala akong marinig lumayo na ako sa pinto at lumapit naman sa pinto ng closet nya. Kumatok pa ako ng dalawang beses bago ito buksan.



Nilibot ko ang aking paningin at wala naman akong nakitang tao patay narin ang buong ilaw except sa malaking salamin na may ilaw sa dulo ng closet. Kaya naman naisipan kung isira na ang pinto at lumabas ng kwarto ni Light.



Bumaba ako at tinignan kung nasa sala ni Light pero hindi ko sya na kita don kaya naman dumeritso ako sa kusena at wala rin akong nakitang Light doon. Kaya naman kumuha muna ako ng isang pitcher na tubig sa ref at kumuha ng baso sa cup board para uminom.



Nang maubos ko ang isang basong tubig binalik ko na sa loob ng ref ang pitcher at hinugasan ang pinag gamitan kung baso at binalik ito sa cupboard at lumabas sa back door para silipin sa pool area kung nandoon ba si Light. Alam ko kasing mahilig syang mag night swimming kaya naisipan kung baka nagpapalamig sya ngayon. Pero pagdating ko sa pool area walang bakas ni Light. Kaya naman medyo kinabahan na ako at bumalik uli sa loob ng bahay. Dali dali akong umakyat sa taas at inisa isa ang dalawang guest rooms pero wala doon si Light. Kaya naman naisipan kung tignan yung kwarto ng parents nya baka doon lang sya nakatulog.




Nang buksan ko ang pinto bumungad sakin ang madilim na kwarto kaya naman kinapa ko yung gilid ng dingding at ng ma kapa ko ang switch ay in-on ko ito at halos sabunotan ko na ang sariling hindi ko na kita doon si Light. Pumasok ako sa loob ng kwarto at binuksan yung pinto ng banyo nagbabakasakaling nandoon si Light pero wala rin.



Dali dali kung pinatay yung ilaw at halos takbuhin ko na yung kwarto ni Khan. Nasa pinaka dulo kasi ito ng kaliwang hallway. Pagdating ko sa harapan ng pinto ni ng kwarto ni Khan agad ko itong kinatok. Medyo napalakas pa ang pagkatok ko dahil nagpapanic na ako dahil hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Light!


Saan ba kasi ng susuot yun. Nakahawak ako sa batok ko ng hindi parin binubuksan ni Khan ang pinto ng kwarto nya kahit dalawang beses na akung kumakatok dito. Kaya naman kumatok uli ako at sa ikatlong beses na yun ay pinagbuksan na ako ni Khan.



Humarap sya sakin na naka kunot ang noo habang inaayos ang sando at subrang gulo pa ng buhok nya.




"What?" tanong nya habang kinukusot ang kaliwang mata.




"Light is missing!" pagka sabi ko noon parang nagising naman sya at nanlaki pa ang matang tinignan ako. Nakita ko ring medyo nag panic na rin sya.



"What do you mean Light is missing?" tanong nya lumabas ng kwarto nya at dali daling naglakad papunta sa kwarto ni Light. Pagdating namin doon wala parin si Light kaya nagaalala na talaga ako.



"I can't sleep so I decided to drink water but I noticed that she's not in her room. Bumaba ako at hinanap sya sa sala baka nandoon lang sya but I didn't saw her. She's not also in the kitchen neither in pool area. Nagbabaka sakali akong nandoon sya sa guests rooms or sa room ng parents nya pero wala sya doon. " mahabang paliwanag ko sa kanya. Humugot sya ng malalim na buntong hininga at tumingin sakin, nakikita ko na sa mga mata nya ngayon na subrang nagalala na sya sa pinsan. Ganon din ako, hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin. Balak ko sanang tawagan sila Tita Aina pero baka natutulog na sila dahil anong oras na, ayoko ko rin na mag-alala pa sila.





My ARAHWhere stories live. Discover now