Chapter 28

1 0 0
                                    


Light's POV


Napaugong ako sa sakit ng ulo ko ng magising ako. Tumingin ako sa bedside table at nagulat ako ng makita ko kung anong oras na. Grabe 14 hours rin palang akong natulog. Ala una na kasi ng hapon at sa pagkakaalam ko alas onsi na kami ng gabi umuwi.

Ang huling naalala ko ay naka sandal ako kay Kuya Khan dahil sumakit ang ulo ko. At hindi ko na alam ang nangyari pagtapos non.

Ah I remember it, tinanong ko pala si Russell kung seafood ba ang flavor ng pasta bago ako nahimatay.


Allergy attack.


Balak ko na sanang bumangon ng maramdaman kung may mabigat na bagay na nakapatong sa kaliwang kamay ko. Nang tingnan ko ito na gulat ako ng makita ko si Russell na natutulog. Dahan dahan akong bumangon para hindi ko sya magising.

Inabot ko ang mineral water na naka patong sa bedside table ko. Binuksan ko ito at ininom, halos kalahati rin ang naubos ko. Tuyo na tuyo kasi ang lalamunan ko.

Tiningnan ko ulit si Russell at mahimbing parin itong natutulog. Mukhang pagod sya, sinisisi nya siguro ang sarili nya kung bakit ako inataki ng allergy.

Napangiti naman ako ng may naisip ko. Dahan dahan kong kinuha ang cell phone kung nakapatong sa bedside table at sinilent ito. In-unlock ko ito at pumunta sa camera.

Kinuhanan ko ng picture si Russell, medyo natatawa pa ako dahil medyo nakabukas pa ang bibig nya. Buti hindi tulo laway to.

Pagkatapos kung kuhanan ng pictures si Russell ay nilock ko ulit ito at binalik sa ibabaw ng table. Marahan akong umalis sa kama at pumunta sa closet ko para mag hanap ng masusuot.

Isang white sando at hanggang tuhod ang pinili ko dahil siguradong hindi rin naman ako makakauwi mamaya sa bahay. Sigurado naman akong itinawag na ni Tita Aina kay Manang Eva ang nangyari sakin.

Dinala ko sa banyo ang mga gamit ko dahil doon narin ako magbibihis. Pero bago ako naligo ay nag iwan muna ako ng note kay Russell at idinikit ito sa unan. Na kung sakaling magising man sya at hindi pa ako tapos maligo ay sa baba nya nalang ako hintayin.

Pero tapos na ako't lahat hindi parin sya nagigising. Lumabas ako sa banyo ng medyo basa basa ang pinakadulong buhok. Pinupunasan ko ito ng towel habang naglalakad papunta sa may sofa. Umupo ako roon at pinag patuloy ang pagtutuyo ng buhok.

Pagwala kasing klase ay yun ang ginagawa ko. Sinasadya kong wag e-blower ang pinakadulo para may gawin akong pampalipas oras pagkatapos maligo.

Hindi pa man masyadong tuyo ang dulo ng buhok ko ay sinuklay ko na ito. Sinampay ko naman ang ginamit kung towel sa sandalan ng sofa.

Ilang minuto ko pang tinitigan ang likuran ni Russell ng maisipan kung gisingin ito dahil nakaramdam na ako ng gutom.


"Hey Russell, Russell wake up. "


Naka tatlong beses ko syang ginising pero wala parin syang response. Subrang pagod nya siguro kaya hindi sya ma istorbo sa tulog nya. Kaya naman naisipan kung wag nalang syang gisingin. Inalis ko ang note na iniwan ko kanina bago naligo at nag sulat uli ng bago.

"Hey sleepyhead, I've been waking you up for three times but yet no response. So I decided to let you sleep for a while. Just see me in the Kitchen if you read this note, I'm hungry na kasi eh kaya hindi na kita hinintay."

☀️


Dinikit ko ulit ito sa unan kung saan ko unang dinikit ang first note. Marahang akong lumabas ng kwarto at bumaba na sa kusina. Pagpasok ko sa kusina na datnan ko si Jerry na kumakain ng tinapay habang may binabasang notes.

My ARAHWhere stories live. Discover now