Russell's POV
Pagka tapos ng meeting ay dali dali na akong umalis ng conference room. Hindi na ako nakapag-paalam ng maayos sa kila Khan. Mabuti nalang at maagang na tapos ang meeting dahil ngayon ko lang naalalang may quiz pala kami sa panghapunang klase. Buti nga at hindi ko na kailangang mag bihis ng business attire dahil ang uniform naman namin sa Marble University ay formal. Kung ano kasi ang course mo yun rin ang uniform.
Uniform naman ang lahat ng estyudante ng Business Course, pero iba iba ang kulay kada araw. Tulad nalang ngayong araw nato, kulay dark blue na suit ang suot ko.
Wag naman sana akong ma ipit sa traffic mamaya. Hindi ko na naman kailangan pang pag-aralan ang eh qui-quiz ng prof dahil alam ko naman lahat yun. Mas advanced ang studies sa LA kaya hindi na bago sakin ang lahat ng subjects ko.
Tumingin ako sa relong nasa pulsohan ko ng makarating ako sa harap ng sasakyan ko, 2:35 2:20 na tapos ang meeting at medyo na tagalan pa ako sa elevator dahil marami rin akong naka sabay.
May oras pa naman ako para bumhaye papuntang University. Pumasok na ako sa loob ng kotse at bago pa ako makalayo sa parking lot nahagip ng mata ko sila Khan at Lili naglalakad sa parking lot.
Nagulat naman ako ng makita kung nakapaa lang si Lili, bitbit ng kaliwang kamay nya ang high heels at sa kanan naman ay ang dalawang paper bag.
Hindi ko aakalaing maglalakad sya ng nakapaa lang. Hindi halata sa kanya ha. Alam ko naman na mabait sya at strict lang talaga dahil sa uri ng trabaho nya. Syempre lahat naman ng chairman o chairwoman ay mahigpit pag dating sa trabaho.
At hindi talaga ako makapaniwa ng sinabi nyang 22 palang sya. Kaya naman pala pakiramdam ko mas bata pa sya sakin. Sinabi kasi sakin ni Mommy na 25 na sya dahil yun ang sabi ng mga kaibigan nya sa kanya. Hindi ko naman aakalaing mas bata sya sakin.
Hindi ko lang talaga alam kung bakit parang kilala ko sya. Hindi ko naman naramdam to noong una naming pagkikita. Pero nung nakasama ko sya kanina at nakasabay kumain ay hindi na nawala sa isip ko na kilala ko talaga ang presensya nya.
Hindi nya kasi kanina napapansin na pasimple akong tumitingin sa kanya. Sarap na sarap kasi sya sa kinakain nya kanina. Mabuti nalang at pagtumitingin sya sakin naiiwas ko agad ang mga mata ko.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa University na wala sa daan ang isip ko. Buti hindi ako na aksidente. Tinignan ko uli ang oras at sampung minuto nalang bago mag simula ang klase. 3:30 ang klase ko at 3:20 na ngayon at narito parin ako sa parking lot. Malayo layo pa naman ang building ko mula dito sa parking lot.
Mabilis akong lumabas sa sasakyan at kinuha ang bag ko sa passenger set. Nilock ko ang kotse at halos takbuhin ko na ang building namin. Malalate talaga ako pag hindi ko pa binilisan ang lakad takbo ko.
Hinihingal pa ako ng makarating ako sa harap ng room namin. Sumilip ako sa maliit na bintana at nagpasalamat ng makitang wala pa sa loob ng classroom si Sir.
"Mr. Ville bakit hindi kapa pumapasok." napalingon naman agad ako sa likuran ko ng marinig ko nag boses ni sir.
"Good morning Mr. Pillar." bati ko dito ng makaharap ko na sya.
"Pumasok kana at magsisimula na ako sa quiz ko."
"You first sir." pinagbuksan ko sya ng pinto at pinaunang pumasok sa classroom.
Ngumiti naman sya sa akin at pumasok na loob ng classroom, sumunod naman agad ako sa kanya at naupo na sa upuan ko. Paglapag ni sir ng libro nya sa kanyang mesa nag simula na agad syang mag quiz. Short quiz lang naman ito kaya natapos agad. Kahit pa sabihing Short quiz lang ito, hindi parin pwedeng hindi ako kumuha.
DU LIEST GERADE
My ARAH
RomantikHis school mate/his sister friend or His business partner? He's confused kung sino talaga ang sa dalawa ang pipiliin nya. Because he's attracted to both. The business woman and One of the top 5 in who's the riches in the Philippines and Top 10 arou...