Light's POV
Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Russell kay naman hindi ko inasahang mahuhulog ako sa sahig. Napapikit na ako at hinihintay ko nalang na bumaksak ako sa sahig pero hindi yun nangyari.
Naramdaman ko nalang may sumalo sakin at pagmulat ko nasa ibabaw na ako ng Russell and worst magkalapat ang mga labi namin. Ilang sigundo pa kaming nagkatitigan bago ko na realized ang sitwasyon namin kaya naman mabilis pa sa alas kwatro ako umalis sa ibabaw nya at hindi ko alam na naitukod ko pala ang kamay kung may sugat kaya naman napa ngiwi ako.
Nakita iyon ni Russell kaya naman mabilis syang bumangon at hinawakan ang kamay ko. Napakislot pa ako sa ginawa nya, naka tingin lang ako sa mukha nya kaya nakita kung napakunot ang mukha nya habang naka tingin sa kamay ko. Kaya naman tumingin rin ako sa kamay ko at na gulat ako ng makita kung dumudugo ang sugat ko.
"Your wound is bleeding." sabi ni Russell na may bahid ng pagalala ang boses. Tinulungan nya naman akong tumayo at pinaupo sa stool na pinatungan ko kanina.
"Stay here I'll get the first aid kit." sabi nya at lumabas na sa kwarto ko para kunin sa kusena ang first aid kit. Balak ko sana syang pigilan dahil maliligo rin naman ako kaya sana mamaya nya nalang gamutin.
Mayamaya lang ay dumating narin si Russell dala dala ang first aid kit sa kanang kamay. Nilapag nya ito sa sahig at lumuhod sa harap ko para gamutin ang sugat sa kamay ko.
"Pwede bang mamaya nalang gamutin to? Maliligo pa kasi ako eh." sabi ko sa kanya habang pinapahiran nya ng bulak na may alcohol yung sugat ko medyo napakislot pa ako dahil sa hapdi. Napabuntong hininga naman sya at patuloy paring nililinisan ang sugat ko habang hinihipan ito.
" Fine pagkatapos kung linisin to maligo kana at ako na ang magkakabit ng kurtina." sabi nya at tumayo na sya dahil tapos na nyang linisin ang sugat ko. Tinulungan nya pa akong tumayo at dahan dahang tinulak papunta sa harap ng banyo ko.
"Hintayin mo ako, pagkatapos kung ikabit ang kurtina mo maliligo lang ako at ako ang gagamot ng sugat mo you hear it?" wala na akong nagawa at tumango nalang sa sinabi nya. Binuksan nya pa ang pinto ng banyo ko at sya narin ang nagsara nito.
Napatingin ako sa sugat ko sa kamay at ng mag-angat ako ng tingin tumambad sakin ang mukha kung namumula. Naka harap ako ngayon sa salamin dito sa loob ng banyo. Mas namula ang mukha ko ng maalala ko naman ang pagdampi ng mga labi namin ni Russell. Kinagat ko ang ibabang labi ko at naalalang si Russell ang First kiss ko.
Gusto kong sumigaw pero naalala kung nasa labas si Russell ngayon at baka marinig nya pa ako at isipin pa nyang naalala ko ang halik namin kanina. Kahit yun naman talaga ang laman ng isip ko ngayon.
Inalis ko na muna ito sa isip ko at nag simula ng hubadin ang mga damit ko. Nagsimula na akong magshower, hindi ko pa masyadong nagamit ang kamay ko dahil yung kanang kamay ko yung nasugatan hindi ko rin ito masyadon binasa ng tubig, kaya naman mabilis lang akong naligo. Blinower ko muna ang buhok ko pero dahil hindi ko pa masyadong ma gamit ang kanang kamay ko hindi ito masyadong natuyo kaya lumabas nalang ako ng banyo. Pag labas ko ng banyo wala na don si Russell at naka kabit na ngayon ang kurtina. Pumasok ako sa walk in closet ko at pumunta sa naka hilirang mga pang tulog.
Tapos na akong mag bihis ng marinig kung may kumatok sa pinto ng closet ko at narinig kung tinatawag pa ang pangalan ko. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito, mukha ni Russell ang bumungad sakin. Mukhang tapos narin itong maligo dahil bago na ang damit nito, and he smells good. Bigla naman akong napailing dahil sa naisip ko.
YOU ARE READING
My ARAH
RomanceHis school mate/his sister friend or His business partner? He's confused kung sino talaga ang sa dalawa ang pipiliin nya. Because he's attracted to both. The business woman and One of the top 5 in who's the riches in the Philippines and Top 10 arou...