Chapter 36

2 0 0
                                    


Light's POV

"L-light baby, don't f-forget that M-mommy and D-daddy will a-always love y-you and.... will always b-be guiding you w-wherever we are o-okay. You need to be... s-strong whatever h-happen and remember m-marami....kami ang n-nagmamahal sayo..... I l-love you so m-much my p-princess..." umiiyak na sabi ni Mommy habang pilit na inaabot ang kamay ko. Kahit nahihirap syang magsalita pinilit nya paring sabihin yun. Hindi ko alam ang sasabihin ko ang alam ko lang umiiyak ako at may dugong umaagos sa noo ko. Tumingin ako sa gawi ni Daddy at na kita ko syang naka yuko sa manibela habang maraming dugo. Ganon rin si Mommy na ngayon ay naka yuko na habang nakalaylay na ang mga brasong kanina ay pilit na inaabot sakin.

"M-mom....my, D-da...ddy....."

Napalikwas agad ako ng bangon ng mapanaginipan ko na naman ang nangyaring aksidente noong bata pa ako. Tumingin ako sa orasang nasa bedside table ko at nakita kung alas kwatro palang ng madaling araw.

Nangunot naman ang noo ko ng makita kung nasa loob na pala ako ng kwarto ko. Paano ako napunta dito? Sa pagkakaalala ko eh nasa secret ako at doon na naka tulog. Haay inataki na naman siguro ako ng sleep walking ko. May pagkakataon kasing nangyayari yun pag ganitong napapanaginipan ko mga nangyaring aksidente.

Hindi narin naman ako makakatulog kaya naisipan kung mag swimming nalang. Umalis ako sa kama ko at pumasok sa closet para magpalit ng damit pang pa ligo. Naka bathrobe lang ako nang makababa na ako. Dumeritso ako sa kusena para kumuha ng isang pitcher na tubig sa ref at uminom. Kumuha rin ako ng red wine at wine glass sa kabinet at dinala ito pool area.

Umupo ako sa pinaka gitna ng pool. Pa letter L kasi ang shape ng pool namin, ganito na to mula pagkabata ko. Nilapag ko sa siminto ang wine glass at binuksan ang red wine at nag salin nito sa wine glass. Ganito palagi ang ginagawa ko pagnagigising ako sa kalagitnaan ng tulog ko. At ang palaging dahilan non ay ang aksidenteng nangyari samin nga mga magulang ko. Dalawa or tatlong beses itong nangyayari sakin sa isang buwan pero hindi ko ito kailanman binanggit kila Tita Aina at Lolo Pa dahil alam ko namang magaalala lang sila sakin.

At yung muntikang aksidente na nangyari sa school noong nakaraan nag trigger uli yun at nang gabi ring yun ay na lunod ako sa panaginip ko. Nagpapasalamat ako at hindi umalis si Kuya Khan sa kwarto ko ng gabing yun dahil kung hindi, hindi ko alam kung saan na naman ako mapapadpad.

Pag nasa loob kasi ako ng panaginip ko at nagkataong nag sleep walking ako at walang taong makakakita sakin ay kung saan ako napupunta. Ilang beses na nangyaring nag sleepwalking ako at pangatlong beses ng nagising akong nasa ibang lugar. Ang malala pa ay sa lugar kung saan nangyari ang aksidente ako nagigising. I sleepwalk with the eyes open kaya hindi nahahalatang wala ko sa sarili.

Nang maka tatlong beses na inom na ako ng wine ay lumusong ako sa tubig. I stay under the water for 5 minutes bago umahon muli sa tubig at pumunta sa ka bilang banda ng pool. Alam kung naka inom ako pero alam ko ring hindi ako lasing. Malakas ang alcohol tolerance ko kaya hindi ako madaling malasing. Nagdive ako sa tubig at lumangoy sa kabilang banda ng pool.

Ilang beses ko pang ginawa ang pag pa balik balik sa magkabilang banda ng pool hanggang sa hindi ko na namalayang sumisikat na pala araw. At halos maubos ko narin ang isang bote nang wine. Lumangoy uli ako sa kung saan ang alak at wine glass, inabot ko ang bote ng wine kaso nabitawan ko ito at nahulog ang bote sa pool at kumalat ito sa tubig yan tuloy nag mukha na itong dugo.

Napa buntong hininga nalang ako at huminga ng malalim bago ko inilubog ang sarili sa ilalim ng tubig. Hinayaan ko lang ang sarili ko sa ilalim nang tubig hanggang sa maramdaman kong unti unting umangat ang katawan ko kaya naman hinayaan ko nalang ang sarili ko at nag floating nalang at pinikit ko ang mga mata ko.





My ARAHWhere stories live. Discover now