Chapter 37

1 0 0
                                    


Khan's POV

"What the h*ck happened to you!? Come here, I'll help you get out of the water." sabi ko ng maka lapit na ako sa kanya. Tinulungan ko syang makaahon sa tubig at pinasuot sa kanya ang bathrobe nya. Nakita ko namang namumula ang mga mata at ilong nya.

"Did you cry? Did you have a fight with Russell? And why there's a blood in the water!? " sunod sunod na tanong ko sa kanya habang papasok na kami sa loob ng bahay.

"Russell got angry at me." sumisinghot pang sabi nya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Why would he? What are you two doing in the pool anyway at bakit may dugo?"

"It's not a blood okay, it's just a wine!"

"Wine!? Now I get why Russell is furious." sabi ko ng tuluyan na kaming makapasok sa loob ng kitchen. Pinaupo ko sa upuan ng kitchen bar at kumuha ako ng tubig sa ref.

"Here drink some water."

"What are you thinking anyway, alam mo bang dilikado yung ginawa mo? And why are you even drinking in this hour? For goodness sake Light it's still 5 in the morning!"

"Kuya Khan enough okay! I have enough with Russell wag naman pati ikaw!" umiiyak na nyang sabi. Kinalma ko naman ang sarili ko at umupo sa harap nya.

"Light we're just concern okay. What if something bad happen to you? Bakit ka ba kasi uminom, what's the problem?" pagaalo ko sa kanya.

"I'm sorry. I'll just tell you later I need to get change for now." tumango lang ako sa kanya at hinayaan na syang umakyat sa taas.

Haay ano bang gagawin ko sa pinsan kung yun. Kahit kailan talaga may pagka reckless rin yun eh. Siguro napanaginipan na naman nya yung aksidenteng nangyari sa kanila. Hindi naman na lingid sa kaalaman ko ang pag-iinom nya ng mga ganitong oras eh. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit uminom sya habang nag naliligo sa pool! Masyadong dilikado yun.


Hinayaan ko lang sya dahil alam ko naman hindi ko sya mapipigilan. Isang beses ko na syang nahuli na uminom non sa gilid ng pool dahil nagising sya sa bangungot nya. Alam ko kasing pag na gising sya hindi na ulit sya babalik sa pagtutulog kaya siguro umiinom sya.


Maghahanda nalang siguro ako ng agahan maaga pa naman at mamayang 8:30 ang pasok ko sa office. Maya maya lang rin ay nakita kung bumaba na si Russell galing sa taas habang naghahanda ako ng agahan aa dining area. Naka uniform narin sya at dala dala na nya ang bag nya na may mga lamang damit nya.


"Hey kumain ka muna bago pumasok." aya ko sa kanya. Alam ko kasing hindi papasok si Light ngayon lagi naman yan eh pag malapit na ang death anniversary ng parents nya. Kaya rin siguro sya uminom.

"What about Light?" tanong naman nya Pagkatapos ipatong sa sofa ang dala nyang bag.

"She's not going to school." sabi ko sa kanya.

"Why? Is she hurt? Is she okay?" kita ko naman sa mukha nya na nagalala sya sa pinsan ko.

"Don't worry she's okay. She just need to rest." sabi ko sa kanya at inaya na syang maupo.

"I'm sorry I didn't mean to shout at her earlier. I just got carried away." rinig kung sabi ni Russell

"It's okay I understand. Kumain nalang tayo at baka ma late kan---" hindi ko na na tapos ang sasabihin ko ng umupo sa tabi ko si Light. Namayani naman ang katahimikan ng ilang minuto at tanging tunog lang ng kubyertos ang naririnig naming ingay.

My ARAHWhere stories live. Discover now