Light's POV
Matapos ang meetings ng 2:25 kaya naman nagpapasalamat ako dahil may oras pa akong magpahinga. Sinabi narin sakin ni Kuya Khan na naghihintay nasa parking lot si Mang Gary. Ako lang kasi ang uuwi dahil may mga gagawin pa syang paper work kaya hinatid nya nalang ako sa baba.
Nagpaalam naman muna ako kay Tito Bail nauuwi na ako at ipinapasabi mamaya kay Tita Aina sa bahay na uli ako uuwi.
Hindi na kami nakapag-usap uli ni Russell dahil nakita ko syang nagmamadaling lumabas kanina. May klase pa siguro syang hahabulin.
Dumaan muna ako sa opisina ko para kunin ang dalawang paper bag. Baka kasi maiwan ko at masasayang yung cake. Mahilig pa naman sila Milan at Megan don. Si Kuya Khan naman hihintayin nalang daw ako sa elevator.
"Sure na ba ang schedule mo sa friday? Sabihin mo sakin pag may nagbago para mapa reschedule ng maaga ang ribbon cutting ." sabi sakin ni Kuya Khan ng nakamalapit na ako sa kanya.
"Hmm, sasabihin ko nalang pag meron man. Si Jie lang naman ang magiging problema ko kung sakali. I promised to her kasi na ililibut ko sya sa buong University pag may mahaba-haba kaming vacant. And I think Monday ang Friday lang yung araw may pinaka mahaba naming vacant. "
" That's it? Don't worry I got you. " sabi naman nito bago clinick yung button for ground floor parking lot.
" Sana nga ay may maibigay kang magandang dahilan. Muntikan na kaya akong ma failed sa isang subject ko nong huling beses mo akong biglaang sinundo dahil nakalimutan mong may important meeting pala ako with Mr. Balili. Sumabay pa doon ang biglaan ko ring exam. Mabuti nalang talaga at binigyan pa ako ng special exam. "
Napasimangot naman ako ng maalala ko isang taon na ang nalilipas noong biglaan nya akong sinundo sa school at sinabing nga nyang may important meeting kami ni Mr. Balili. Lunch time nong sinundo nya ako sa school at hindi ko alam na yung susunod kung subject ay may surprise exam, okay lang naman sanang umaabsent ako sa klase ya basta ba magdidiscuss lang sya sa araw na yun.
Pero ang hindi ko inaasahan ay yung surprised exam nya! Mabuti nalang talaga at may naibigay sa kanya si Kuya Khan ng valid reasons kung bakit ako absent that time. Hindi ko nga lang alam kung saan nya na kuha ang mga palusot nya na yon. Muntikan pa ngang mapatawag si Tita Aina eh. Major subject kaya yun.
At nagpapasalamat talaga ako na hindi ko na kailangan pang mag disguise non, dahil mas prefer ni Mr. Balili makita ang bare face ko kisa sa mukha kung full of hard makeup plus bangs.
Mr. Balili is one of our biggest investor, he's also my dad's closest friend. But I barely see him, dahil sa Europe talaga ang main company nya.
"Don't worry hindi na ako papalpak this time, kung saka-sakali mang mangyari yung biglang nyong University tour hahaha."
Inismiran ko lang naman sya at naiinip ng tinignan kung nasaang floor na ba kami. Haay, gusto ko nang matulog. Ang dali dali lang kasi ng tulog ko kanina eh. Pakiramdam ko nga isang minuto lang akong nakaidlip kahit naman lampas bente minutos.
Samahan mo pa yung biglaang pagpasuk ni Russell sa opisina ko. Well hindi naman talaga biglaan yun dahil kumatok sya, ako lang talaga yung nabigla dahil hindi ko talaga inaasahan na sya yung papasok at maghahatid ng tanghalin ko kanina.
"Lalim ah. Hanggang Boracay ba ang sinisid mo? Hahaha, nandito na tayo."
Hindi ko naman inasahan na nasa ground floor na kami at nasa labas na ng elevator si Kuya Khan at tumatawang naghihintay sakin.
YOU ARE READING
My ARAH
RomanceHis school mate/his sister friend or His business partner? He's confused kung sino talaga ang sa dalawa ang pipiliin nya. Because he's attracted to both. The business woman and One of the top 5 in who's the riches in the Philippines and Top 10 arou...