Russell's POV
Ilang minuto pa ang byinahe namin bago kami nakarating sa bahay nila. Pagdating namin don may dalawang police car ng nakaparada sa labas ng bahay nila. At may dalawang police officers ng nakatayo sa labas ng gate nila.
Pagpark ko ng sasakyan sa likod ng dalawang police car lumabas naman agad ng kotse si Light kaya naman sumunod na ako sa kanya.
"Kayo po ba si Ms. Marble ang may ari ng bahay na to?" tanong naman dito ng police officer ng maka lapit na sya.
"Yes po." sagot nya naman. Lumapit naman ako sa kanya para tabihan sya.
"Pasok nalang po kayo sa loob Ma'am."
"Salamat po."
Nagpa salamat narin ako dalawang police officer at pumasok na sa bahay nila Light. Pagpasok ko sa gate nila napansin kung maraming basag na bubog sa harapan. Tumingin ako sa taas at nakita kung basag ang bintana sa isang kwarto.
Hindi ko na muna ito pinansin at pumasok na sa bahay nila Light. Nauna na kasi sya kanina dahil tumakbo na sya papasok. Pagpasok ko nagulat naman ako subrang kalat ng sala nila. Halos sira na lahat ng gamit pati narin ang TV at glass table sa sala.
"Sa palagay po namin sa likod ng bahay dumaan ang mga magnanakaw. Ang sabi kasi ng kasambahay nyo mula sa kusina ito galing."
Yun ang naabutan kung paguusap nila. Nakilala ko naman agad ang police na kaharap ngayon ni Light.
"Mr. Tainer." tawag pansin ko dito.
"Mr. Ville, good to see you. You know the owner of this house?" tanong naman nito sakin ng humarap sila sakin ni Light.
"Good to see you too. Yes, we're friends. And we were together when she received the message from her housemaid. " lumapit ako sa tabi ni Light at nakipag kamay kay Mr. Tainer. Matanda ng dawalang taon ito sakin. Inaanak sya ni Tito Flin ang asawa ni Tita Mady.
"I see. Wala naman masyadong gamit na nawala. Except lang siguro sa mga alahas na nasa closet nyo. Lahat ng alahas nyo don tinangay lahat." paliwanag naman ni Mr. Tainer.
"How about my driver? How did he end up wounded?" tanong naman ni Light.
"According to your housekeeper nanlaban daw ito dahil pinigilan nyang pumasok ang isang magnanakaw sa kwarto ng parents nyo. At nalaglag ito sa hagdan mabuti na nga lang at hanggang sa gitna lang sya na hulog."
Inalo ko na si Light ng makita kung umiyak na naman ito. Tinignan ko naman ang hagdan nila Light. Mataas ito pero may medyo malaking space sa gitna. Hanggang doon siguro na hulog ang driver nila.
"Ilan ang pumasok?" tanong ko naman, dahil hindi parin tumatahan si Light.
"Tatlo. Dalawa ang sa taas at isa dito sa baba. Nag silbing taga look out ang isa habang naghahanap ng mananakaw. Tinalian naman ng isa sa kusena si Mrs. Eva Salvador yung kasambahay nila. At yung driver naman nilang si Mr. Benny Remez ay nasa ikalawang palapag dahil inutusan daw ni Mrs. Salvador ito na kunin ang Vacuum. At dahil nga hindi alam ni Mr. Remez na may magnanakaw na naka pasok nakita nya nalang ito sa tapat ng kwarto ng parent ni Ms. Marble na nagtatangkang buksan ang pinto. At doon na nga sila nag pang-abot hanggang sa mahulog na nga itong si Mr. Remez sa hagdan. " mahabang paliwanang ni Mr. Tainer
"May suspect na ba kung sino ang mga magnanakaw?" tanong ko dito.
"Meron na dahil nakunan ang mga ito sa cctv sa harap ng bahay nila Ms. Marble at sa cctv ng katapat ng bahay nila."
ВИ ЧИТАЄТЕ
My ARAH
РомантикаHis school mate/his sister friend or His business partner? He's confused kung sino talaga ang sa dalawa ang pipiliin nya. Because he's attracted to both. The business woman and One of the top 5 in who's the riches in the Philippines and Top 10 arou...