A/N: FAST FORWARD KO NA'TO GUYS HAHA KASI WALA NA TALAGA AKONG MAISULAT. SO ENJOY READING PA RIN KUNG MAY NAGBABASA MAN HAHA. THANK YOU!
HINDI MAPAKALI SI Cyree habang nasa sala at naglalakad ng pabalik-balik. Clive said uuwi daw ito para sa dinner nila, pero natapos nalang ang dinner nila ay wala parin ito. Ayaw niyang mag duda pero hindi niya mapigilan ang sarili; nasa Heavens Bar kasi si Clive at hindi niya mapigilang mag isip ng hindi maganda. She wanted to trust him but after what happened in the past, nagkaroon na siya ng trust issue. She dialed Clive's number again and it's still the same, the line is busy. Gusto niyang tawagan ang mga kaibigan nito pero nahihiya siya baka kasi nakaka-isturbo siya.
She dialed Clive's number again and this time the other line answered. Mag hi-hello na sana siya kaso naunahan siya at ang nakakagulat pa ay babae ang boses ng nasa kabilang linya.
"Yes? Clive is busy, need anything?" Maarte ang boses nitong sabi.
Napataas ang isa niyang kilay sa sinabi ng babae. "At bakit na sa'yo ang cellphone ng ASAWA ko?" May diin niyang sagot.
"Oh? Asawa ka niya?" Tumawa ang nasa kabilang linya na ikinakulo ng dugo niya. "Last time I checked Clive is single. So, paano ka niya naging asawa? Anyway, I have to go. Bye." Sabi pa nito at pinatayan siya ng tawag.
Galit siyang nakatitig sa cellphone niya, hindi dahil kay Clive kundi doon sa babaeng haliparut. Humanda talaga ang babaeng iyon! She trust Clive this time, baka nalasing ito at hindi na kayang tumawag sa kanya. Ayaw niyang maulit iyong nakaraan kaya nag paalam siya sa katulong nila na bantayan muna si Elios dahil susundoin niya si Clive. Lumabas siya ng bahay at nagpunta sa garahe kung saan nandon ang isa pang kotse ni Clive. Ginamit niya iyon para sundoin ang kasintahan.
Pag dating niya sa Heavens Bar, pinapasok siya agad dahil kilala na siya ng mga bouncer doon. Hinanap ng mga mata niya ang binata at agad niya itong nakita, lasing na lasing na ito at nakasubsob ang ulo nito sa mesa. Nakita niya rin ang bartender na parang ginigising si Clive pero ayaw nitong kumilos, at mas lalo siyang nainis ng makitang may babaeng tumabi sa nobyo niya at inilapit nito ang mukha sa mukha ni Clive.
Parang deja vu ang nangyayari, pero ngayon hindi na siya magpapadalos-dalos. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa kinaruruonan nila Clive at gigil na gigil niyang hinila ang buhok ng babae para mailayo sa nobyo niya. Nagpupumiglas naman ito habang sumisigaw, nakatingin na rin sa kanila ang mga naroon at wala siyang pakialam. She pulled the woman's hair, at mahigpit na sinakop ng isang kamay niya ang panga nito at mahigpit iyong pinisil.
"Lasing na lasing na nga iyong tao nilalandi mo pa! Ang kapal naman talaga ng mukha mo! Kasing kapal ng make up mo!"
"Ouch! S-Stop it! You're hurting my jaw! And my scalp is hurting too!" Sigaw nito.
Ngumiti naman siya. "Talagang masakit yan at matatanggal kung hindi mo titigilan ang boyfriend ko! Sa susunod na makikita kita dito sa Heavens Bar baka hindi ka na makalabas!" Patulak niya itong binitawan at nakapameywang niya itong hinarap. "Lumayas ka na rito kung ayaw mong makaladkad!"
Nagmamadali namang lumabas ang babae mula sa bar at huminga siya ng malalim. Nilapitan niya ang nobyo at talagang lasing na ito.
"Ma'am Cyree, pasensya na po at hindi ko nabantayan si Sir Clive. Sabi niya kasi hayaan ko lang daw siya kasi heartbroken daw po siya." Paliwanag ng bartender.
BINABASA MO ANG
The Wrong One Became Her The One (DESIRE SERIES #2) (ON HOLD AND UNDER EDITING)
RomansaCLIVE MONTEVERDE & CYREE TESSIORNA Date Started: Year 2021 ©LemoanMae
