DOS

400 13 1
                                    

CHAPTER 2




A/N: WARNING | R-18 | This chapter is not suitable for kids and feeling innocent. So if you're so conservative just skip this chapter. Thank you.




PAGKATAPOS makapagluto ni Cyree ay inilagay na niya ang mga iyon sa mesa. Inasikaso niya muna si Lulu bago ang kanyang sarili.


"Wow Ninang! You cooked really good, just like Mom!" Puri ni Lulu sa kaniya.


"Ay! Thank you babynak. Mabuti ka pa, 'di gaya ng iba diyan! Lamon lang ng lamon." Padinig niya kay Clive na agad naman nitong napansin.


"Ako ba pinariringgan mo?" Nakataas kilay na tanong ni Clive.


"Bakit? Tinamaan ka?" Tinaasan niya rin ito ng kilay.


He made a face. "Tss. Anyway, sabi ni Lucian, dito daw tayo matutulog for one week."


"Alam ko iyon. Sinabihan na ako ni Lucia. Sa katabing kuwarto ako ni Lulu matutulog. Ikaw, bahala ka na kung saan ka matutulog."


Pagkatapos nilang kumain ay pina-half bath na ni Cyree si Lulu at pinatulog na niya ito ng maaga. Pumasok na rin siya sa kaniyang kuwarto. Nag shower at nag bihis. Mahilig siya sa mga sexy na damit kaya nag suot siya ng kulay pulang nighties. Yung silk ang tela na hanggang hita lang niya ang haba. Pinatuyo niya muna ang kanyang basang buhok at lumabas ng kanyang kuwarto. Manunuod pa sana siya ng TV sa sala nang may marinig siyang pagbukas ng pinto at iniluwa no'n si Clive na walang damit pang itaas.


"Oh bakit gising ka pa?" Mataray niyang tanong sa binata.


"Ikaw din naman ah." Sagot nito habang pinasadahan siya ng tingin. Na-aasiwa siya sa tingin nito.


"Manunuod ako ng tv."


"Aba ako din." Sabay umupo ito sa sofa.


"Teka nga, bakit ka ba naka topless ha? Mag damit ka nga." Saway niya kay Clive dahil na di-distract siya.


Hindi lang bungangera to, pakialamira pa. Ani Clive sa isip.


"Pakialam mo ba? Naiinitan ako." Nagkibit-balikat niyang sabi sabay ini-on 'yong TV. "Manunuod ka pa ba?"


"O- Oo naman."


Umupo na rin si Cyree pero may destansiya silang dalawa. Tahimik silang dalawa habang nanunuod ng TV. Umayos ng upo si Clive ng nasa bed scene na ang palabas sa TV. Napatingin siya kay Cyree at nakita niyang seryoso itong nanunuod. Pero makikita mo ang maya't-maya nitong pag lunok.


Sunod-sunod din ang pag butong hininga nito. Tumutok siya ulit sa TV at naramdaman niyang biglang tumayo si Cyree.


"Ah… ma- matutulog na ako." Nauutal nitong sabi.


"Are you uncomfortable with the scene?"


Nakakunot nuong tiningnan siya ni Cyree. "I'm just sleepy, Clive."


"Well then, matutulog na rin ako."


Tumayo si Clive at pinatay ang tv. Humalukipkip naman si Cyree.


"Gaya-gaya ka ba?" Pagtataray na naman nito.


He chuckled a bit. "Cyree. Bakit ba ang init ng dugo mo sa'kin? Am I making you uncomfortable?"


Nag iwas ito ng tingin. "N- No. I just hate your presence."


"Hmm." Tumango-tango si Clive.


The Wrong One Became Her The One (DESIRE SERIES #2) (ON HOLD AND UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon