DISE SYETE

179 6 3
                                    

CHAPTER 17



WEEKS HAVE PAST


CYREE IS IN THE SINK vomiting, pero puro laway lang ang naisusuka niya. May duda na rin siya pero gusto parin niyang makasiguro kaya bumili siya kahapon ng pregnancy test. Kung noon ay natatakot siya na baka hindi panagutan ni Clive, iba na ngayon dahil alam niyang magiging masaya ang nobyo sa magiging resulta. Pagkatapos niyang mag mumog ay pumasok siya sa cr para subukan ang pregnancy test kung tama ba ang hinala niya. Mga ilang minuto lang hinintay niya at lumabas na ang resulta, at tama nga ang hinala niya; she's pregnant and this time nakangiti siya habang nakatingin sa hawak na pregnancy test.

Lumabas siya mula sa cr at naglalakad papuntang sala, sakto naman ang pag dating ng mag ama niya. Hinalikan niya ang anak at si Clive, inasikaso naman ng maid nila si Elios at hinila niya si Clive saka pinaupo sa sofa. She sat on his lap and smiled, nagugulohan namang tiningnan siya ni Clive saka niya ipinakita dito ang pregnancy test na hawak niya habang nakangiti. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Clive at paunti-unting ngumiti saka siya niyakap ng mahigpit.

"I'm so happy! Thank you." Sabi nito at hinalikan siya sa labi.

She chuckles. "Bakit ka naman mag ti-thank you? E ikaw ang dahilan kaya nabuntis ako."

"Nagpapasalamat ako kasi, hindi na tayo gaya ng dati. Saka wala ako sa tabi mo noon nung pinanganak mo si Elios. Hindi kita naalagaan dahil naging gago ako, naging immature ako noon at hindi ko man lang naisip yung mga paghihirap mo." Puno ng pag sisising sabi ni Clive.

Sinakop naman ng mga kamay niya ang mukha ng nobyo. "Clive, huwag na nating isipin ang nakaraan na. Ang importante ay ang ngayon, masaya tayo dahil magkaka baby na naman tayo."

"I love you." Madamdaming sabi ni Clive.

Matamis naman siyang ngumiti at sinagot ang nobyo saka niya ito hinalikan sa mga labi. Ganoon ang puwesto nila habang naghahalikan hanggang sa makarinig sila ng mahinang tawa kaya agad silang tumigil. They saw Elios, he's smiling while covering his eyes with his hands. Natawa naman sila at pinalapit ang anak sa kanila, umalis si Cyree sa kandungan ni Clive at si Elios ang pumalit sa kaniya.

"Anak, may good news kami ni Momma mo." Aniya ni Clive sa anak.

"What is it, Papa?"

"Baby, Momma is pregnant, magkakaroon ka na ng baby sister." Sabi ni Cyree sa anak.

"Really?!" Elios sounds excited. "May baby na sa tummy mo Momma?!" Umalis si Elios sa kandungan ni Clive at lumapit kay Cyree saka hinawakan nito ang impis niyang tiyan. "My baby sister is here, Momma?"

Pinisil naman ni Cyree ang pisngi ng anak. "Yes, at dahil magkakaroon ka na ng baby sister dapat good boy ka na ha?"

"Good boy naman ako Momma e!"

Natawa naman silang dalawa ni Clive, then Clive suddenly said something.

"Let's go to Baguio, babe." Nakangiting wika ni Clive. "Para naman makapag bakasyon si Elios."

"Sure." Nakangiti ring tugon ni Cyree. "I missed that place, kailan tayo pupunta?"

"Tomorrow! I already ready our private plane.

The Wrong One Became Her The One (DESIRE SERIES #2) (ON HOLD AND UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon