KWATRO

475 15 13
                                    

CHAPTER 4




"ANO?! ISINUKO mo agad?!" Gulantang na tanong ni Lucia kay Cyree.


Binisita kasi siya nito sa Café shop at dahil best friend niya ito ay ikinuwento niya lahat dito. Siya may nagulat din sa sarili niya. Hindi niya alam kung bakit gusto ng katawan niya ang pang-aakit ni Clive sa kaniya, gayong ang utak niya ay hindi.


"Uhm. Bakit?" Tanong ulit nito sa kaniya.


She shrugged. "Basta nangyari na lang. Alam mo 'yong pakiramdam na… nawawala na sa isip mo ang tumanggi dahil nadadala ka na? Ganun ang nangyari sa akin, Lucia."


Lucia sighed. "Wala namang problema doon, best e. Nagtataka lang ako, diba ayaw mo sa kaniya?"


Isinuklay niya ang mga daliri sa kaniyang buhok. "Iyon na nga e! Kina-iinisan ko siya. Pero nangyari na 'yong nangyari!" Pumikit siya ng mariin at tinuro ang dibdib niya kung saan nandoon ang puso niya. "Tumitibok kasi 'to ng malakas kapag malapit siya sa'kin. Sa tuwing hinahalikan niya ako…"


Hinawakan naman ni Lucia ang kamay niya. "Naiintindihan kita. Pero, si Clive ay hindi kagaya ng asawa ko. Ibig kung sabihin, hindi siya nagsi-seryoso sa mga naka relasiyon niya."


Alam ko. Simula palang alam na niya. Pero lahat naman ng tao nagbabago. Siguro isa sa mga iyon si Clive.


Ngumiti siya pero hindi umabot sa teynga niya. "I'll be okay, best. 'Tsaka, kung hindi kami…" She shrugged. "E di hindi. Marami pa namang lalaki diyan."


"Do you like him?" Kaagad na tanong nito.


Napatitig siya sa kaibigan. "I'm… almost there."


"Cyree…" Nag-aalala ang tingin ni Lucia sa kaniya. "Rendahan mo ang puso mo. Mas masarap gawin ang ganoon sa taong mahal mo… at mahal ka."


Pinisil niya ang pisngi ni Lucia. "Ikaw, nagka-asawa ka lang naging ma-drama ka na!" Biro niya.


Tumawa naman si Lucia. Tumayo na ito mula sa pagkakaupo. "Osiya, aalis na ako. Susundoin ko pa si Lulu sa school." Paalam nito.


Hinalikan muna siya nito sa pisngi bago umalis. Bumuntong-hininga siya at inisip ang sinabi ni Lucia. Inilapat niya ang kanyang palad sa kanyang dibdib. Rendahan ang aking puso? Hindi naman siguro siya mahuhulog sa binata.




KINAGABIHAN ay sinundo ni Clive si Cyree sa Café. Pagkalabas nito ay agad niya itong sinalubong ng halik sa labi. Nagulat si Cyree sa kanyang ginawa kaya nginitian niya ito.


"Saan mo gustong mag dinner?"


"Kahit saan." She smiled. "Pero, hindi pa ako nakakakain sa mamahaling restaurant."


"Oh. So, ano 'yong paborito mong restaurant na gusto mong puntahan?"


Malapad na ngumiti si Cyree. "Violetta's Delicious Cuisine. Pero mamahalin doon e, kaya h'wag nalang."


"Doon tayo kakain para sa dinner natin. Gusto kong ako lahat ang makakagawa ng mga First times mo." Sabi niya at matamang tiningnan ang dalaga.


Nakatitig lang si Cyree sa binata. Hindi niya aakalaing sweet din ito sa mga babae. Ngumiti siya habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi.


"Stop biting your lips, baby."


"B- Bakit?"


Ngumiti lang ng pilyo si Clive at sinapo niya ang mukha ni Cyree, then he kissed her hard.


The Wrong One Became Her The One (DESIRE SERIES #2) (ON HOLD AND UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon