Nakaupo sa sofa si Cyree at hinihintay na makababa sina Lucia at Lucian. Nakatira siya sa isang maliit na apartment at nag ta-trabaho sa isang Café shop. Naka leave siya ngayon dahil mag bi-babysit siya kay Victoria, ang anak nila Lucia at Lucian. Mag ti-third honeymoon kasi ang mag asawa sa Canada at one week iyon. Last year kasi nagpunta sila sa Europe pero hindi sila sinuwerte kasi hindi nabuntis doon si Lucia.
"Hi best," Lucia greeted her. "Baby, say hello to Ninang Cyree." Utos niya sa anak.
"Hello." Victoria said while pouting.
"Hello din, babynak!" Masiglang bati ni Cyree sa ina-anak.
"Cyree, alagaan mong mabuti si Tori ha? Lahat nandiyan na, 'tsaka iyong mga bawal? Bawal talaga. Kahit mag pa cute 'yan, wag mong bibigyan." Pagpapa-alala ni Lucia sa kaibigan.
"Oo naman! Ako pa!" Nakangiti namang sagot ni Cyree.
"Daddy, why can't I go with you?" Nakabusangot na tanong ni Victoria kay Lucian. "Dati kasama naman ako ah!"
"Kasi Baby, hindi ka na puweding sumama ngayon." Sagot ni Lucian sa malungkot na anak.
"Yeah baby. But, Ninang Cyree will take care of you." Malumanay na wika ni Lucia sabay haplos sa pisngi ng anak.
Victoria sniffles. "Y-You don't want me because I'm so naugthy? That... that I will ruin your honeymoon?"
"No baby, please don't cry…" Sabay pinunasan ni Lucia ang mga luha ng anak, saka niya masamang tiningnan ang asawa. "Lucian! Kasalanan mo ito e!"
Napahimas sa batok si Lucian. "Okay, okay. Baby, diba nag talk na tayo about this? It's only for one week." Pang-aalo niya sa anak. "And we'll go home. Diba you want a baby brother?"
"Yes..." Tumango-tango naman si Victoria.
"So, payag ka na, na umalis kami? So we could make your baby brother?"
Tumango ulit si Victoria. "Okay, papayag na ako."
"Thank you baby." Sabay hinalikan ang bata. "So, what do you want us to bring kapag naka balik na kami?"
"I want chocolates!" Sumigla agad ang boses nito. "And dolls! And... and Lego! Also a boats! A leather boats!"
"Huwag masyadong spoiled, Lucian." Paalala ni Lucia sa asawa.
"Hayaan mo na. Nga pala Cyree, pupunta dito si Clive." Nangingiting sabi ni Lucian sa kaibigan ng asawa.
"Si Clive?! Pupunta dito?! Buwesit na 'yon!" Umasim ang mukhang sabi ni Cyree.
Lucia giggled. "Yes, tayo na Lucian, Baka ma late tayo sa flight."
"Sige. Aalis na kami Cyree, kayo na ang bahala kay Tori ha?"
"Yeah!" Umalis na sila Lucian at Lucia. Iisipin palang ni Cyree na makakasama niya si Clive ay kumukulo na ang dugo niya.
Papunta na sa mansiyon nila Lucian si Clive at hindi niya maiwasang mainis dahil makakasama na naman niya ang babaeng parang puwet ng manok ang bibig. Hindi niya alam kung bakit ito naiinis sa kanya na pati ang Bar niya ay nilalait nito. Si Cyree ay ang babaeng hinding-hindi niya magugustohan. She has this attitude that irritates him. Ang gusto niya ay iyong babaeng hindi makabasag pinggan, 'yong babaeng disenti kung manamit. That's what he likes.
BINABASA MO ANG
The Wrong One Became Her The One (DESIRE SERIES #2) (ON HOLD AND UNDER EDITING)
RomanceCLIVE MONTEVERDE & CYREE TESSIORNA Date Started: Year 2021 ©LemoanMae
