SYETE

309 20 5
                                    

CHAPTER 7




MAKALIPAS ANG tatlong araw ay nakabalik na sila sa manila. Naging masaya ang tatlong araw na iyon para kay Cyree, but that happiness has to end and she's now starting to worry. Nakakaramdam na kasi siya ng kakaiba sa kanyang katawan at hindi siya bobo para hindi iyon malaman. She could be pregnant. At para makomperma na buntis siya ay bumili siya ng pregnancy test, pumasok siya sa cr ng Café shop at sinubukan iyon. Naghintay muna siya ng ilang minuto habang nakapikit ang mga mata. Nang dumilat siya ay halos mabitawan niya ang pregnancy test. Positive! Sigaw ng isip niya.


Hinilot niya ang kanyang nuo at pinigilan ang mapaluha. They're not couple yet, but she's pregnant. Hindi niya alam kung matutuwa ba si Clive kapag nalaman nitong buntis siya. Noong nasa Baguio pa sila sinabihan na siya nito na mag pills, pero hindi niya iyon sinunod. May allergy siya sa mga gamot kaya tudo ingat siya na hindi magkasakit.


Tinitigan niya ang pregnancy test, masaya siya dahil sa isang anghel na nasa sinapupunan niya. Pero nakakalungkot dahil hindi niya alam kung tanggap ni Clive ang batang nasa loob niya. Huminga siya ng malalim at ipinasok sa bulsa ang pregnancy test. Lumabas siya mula sa cr at bumalik sa counter, pinalitan niya muna si Kristen.


"Hoy!" Tawag sa kaniya ni Jacob. Isa rin itong waiter.


"B- Bakit?"


"Tulala ka diyan? May problema ba?"


Umiwas siya ng tingin kay Jacob. "Wala, medyo napagod lang ako."


Jacob patted her head at nginitian siya nito. Napatitig tuloy siya dito. Jacob is not bad when it comes to looks. He's tall dark and handsome, ang medyo kulay brown nitong buhok ay bumagay sa maganda nitong mukha. Kaya siguro maraming mga babaeng teenager ang nagpupunta sa café nila dahil sa binata.


"Don't stressed yourself. Mag pahinga ka minsan." Paalala nito. Namulsa ito at inilapit nito ng kaunti ang mukha sa mukha niya. Napaatras naman siya sa ginawa ni Jacob. "Puwede naman kitang palitan muna diyan."


"Or you should fucking back off."


Pareho silang napatingin ni Jacob sa lalaking nagsalita. Napalunok naman si Cyree ng makita ang madilim na mukha ni Clive. Lumayo naman si Jacob sa kaniya, siya naman ay lumabas sa counter at nilapitan si Clive.


"A- Ang aga mo naman, mamaya pa ang out ko." Aniya sa binata na matalim ang titig kay Jacob. And Jacob stared back with a smirk.


"Bakit? Ayaw mo ba na mas maaga akong nandito?" Malamig nitong tanong.


"H- Hindi naman!" Pumagitna siya sa titigan ng dalawa. "Uhm, Clive. Si Jacob, katrabaho ko. Jacob, si Clive, manliligaw ko."


Nakita niya ang pagtaas ng dalawang kilay ni Jacob. "Manliligaw." Tumango-tango ito. Saka ito ngumiti. "Niligawan ko rin siya noon. Pero binasted niya ako." Napakagat labi naman si Cyree. Kailangan pa talagang iungkat iyon?! "Anyway, I'm still courting her until now."


Nanlaki ang mga mata ni Cyree sa nalaman. Nililigawan pa siya? Pero bakit wala itong ginagawa? Tiningnan ulit ni Cyree si Clive at halos mapa-atras siya sa dilim ng mukha nito. Is he jealous?


"Then, she won't say yes to you. Kaya tumigil ka na sa panliligaw. She's mine." She can hear possessiveness in his voice.


Jacob shrugged. "You can't tell me what to do. 'Tsaka hindi ka pa naman niya sinasagot, so why claimed her?" Nang aasar itong ngumiti kay Clive at iniwan sila.


Nagtagis ang bagang ni Clive. "That bastard." Saka galit niyang tiningnan si Cyree. "Hindi mo sinabi sa akin na may nanliligaw na pala sayo dito."


The Wrong One Became Her The One (DESIRE SERIES #2) (ON HOLD AND UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon