SINGKO

436 13 6
                                    

CHAPTER 5




WARNING: R-18 | Matured Content and vulgar words.




HINDI NA MABILANG ni Cyree kung ilang araw ng namamalagi si Clive sa kanyang apartment. Minsan lang itong umuwi sa sariling bahay. Tinitoo din nito ang sinabing liligawan siya, binibigyan siya nito ng mga flowers, chocolates at nag di-date na rin sila. Syempre kinikilig siya, dahil kay Clive lang niya naranasan ang ganoong pakiramdam. Nakahilig ang ulo niya sa balikat ni Clive habang pareho silang naka upo sa luma niyang sofa. Kumakain sila ng pizza habang nunuod ng TV.


"Baby?" Biglang tawag sa kaniya ni Clive.


"Hmm?" Sagot niya dito saka sumubo ng isang pirasong pizza.


"Nakapunta ka na ba sa ibang lugar dito sa pilipinas?"


Napatingin naman siya sa binata habang ngumunguya. She shook her head. Never pa niyang nilibot ang buong pilipinas.


Nilunok niya muna ang kinain bago nagsalita. "Hanggang manila lang ako, Clive." Kumuha siya ulit ng pizza at nilagyan niya iyon ng sauce.


Isusubo na sana niya ang pizza pero pinigilan siya nito. "Gusto mo bang pumunta ng Baguio?"


She blinked twice. Isinubo niya ang pizza at nagsalita. "Oo naman no! Lahat ng tao gustong pumunta diyan, marami kayang magagandang view doon. Tapos masasarap pa 'yong strawberry nila. Bakit? Dadalhin mo ako doon?" Natawa siya. "Naku, Clive… huwag mo akong binibiro."


Kumagat si Clive sa pizza niya. "Sasama ka sa akin sa Baguio." Hinalikan siya nito ng mabilis sa labi. "My parents is living in Baguio. May strawberry farm kami doon na pagmamay-ari ng parents ko. I want them to meet you."


Halos malaglag ang panga ni Cyree sa narinig. Meet the parents agad?! My god! Paano kung hindi siya magustohan ng mga magulang nito? Paano kung strikto ang mga ito kapag nakilala siya?


She gulped at that thought. "Uhm, s- sigurado ka bang gusto mo akong ipakilala sa mga magulang mo?"


Nangingiti ang binata sa reaction niya. "Of course. Parte iyan ng panliligaw ko sa'yo. Don't worry, my parents will like you. Especially my Mom."


She's nervous, nag iwas siya ng tingin sa binata. "H- Hindi ba puweding ipagpaliban muna yan?"


Clive laughed and hugged her. He kissed her cheek. "Come on babe, don't be nervous. Ayaw mo no'n? Makikilala mo na ang mga magulang ko?"


She sigh heavily. "G- Gusto ko silang makilala, syempre… pero nini-nerbiyos ako e. Hindi ako mayaman, Clive. Nakatira sa isang maliit na apartment…" Napayuko siya. "Nanliliit ako… wala akong maipagmamalaki sa mga magulang mo…"


Sinapo ni Clive ang mukha niya at hinalikan nito ang tungki ng ilong niya. His face soften.


"Wala kang dapat ipagmalaki sa kanila. Ipakilala mo lang ang sarili mo and just be honest to them. My parents is not like what you see on the television." He gently kissed her lips. "So don't worry, okay?


Napangiti siya sa sinabi ng binata at bumuntong-hininga. "Okay. Sasama na ako, chance ko na rin iyon para makapag travel."


Clive grinned. "Good. Pagpasok mo bukas sa Café mag paalam ka sa boss mo. Mag request ka ng on leave for three days, because we're going to Baguio tomorrow in the afternoon."


"Agad-agad? Ang excited mo naman!" Natatawang sabi ni Cyree.


Pinahiga siya ni Clive sa sofa at dinaganan siya nito. Hinalik-halikan siya nito sa leeg at hindi niya mapigilan ang impit na ungol na kumawala sa kaniyang bibig.


The Wrong One Became Her The One (DESIRE SERIES #2) (ON HOLD AND UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon