OTSO

405 19 13
                                    

CHAPTER 8




LUMIPAS NA ang ilang araw at hindi na nakikita ni Cyree si Clive. Hindi na nga ito dumadalaw sa kaniya sa kanyang apartment. Ni hindi niya alam kung pananagutan pa ba siya nito o hindi. Naglilihi na siya at wala ito sa tabi niya, kaya siya na mismo ang bumibili ng kanyang gustong kainin. Mabuti na lang at nandiyan si Jacob, minsan ito ang bumibili ng gusto niya. Alam niyang magseselos si Kristen pero ipinaintindi naman niya rito na mag kaibigan lang sila ni Jacob. Na wala siyang gusto dito.


"Nag-aalala na ako kay Clive, Kriss." Aniya sa kaibigan. "Ilang araw na siyang hindi pumupunta sa apartment ko e..."


"Baka nag tampo lang iyon dahil pinapaalis mo palage. Puntahan mo kaya doon sa Bar niya, mag a-out naman tayo mamaya e." Sagot naman ni Kristen. "Nasabi mo na ba kay Lucia na buntis ka?"


Oo nga! Si Lucia! Hindi pa niya ito nakakausap. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at tinawagan ang kaibigan.


"Best! Napatawag ka?" Agad na tanong ni Lucia sa kabilang linya. How she missed her best friend!


"My good news ako, best," Huminga muna sila ng malalim at nag patuloy. "Buntis ako..."


Biglang natahimik si Lucia. Nang bigla itong tumili kaya nailayo niya ang kanyang cellphone.


"Oh my god! Sa wakas ay nagkalaman na din! Ano? Si Clive ba ha?!" Excited nitong sabi.


"Oo, si Clive." Walang gana niyang sagot. "Hindi ko nga alam kung nasaan siye e. A- Ayaw niya sa ipinagbubuntis ko..."


"Cyree..." Nahihimigan niya ang awa sa boses nito. "Nag usap na ba kayo? Bakit gano'n? Dapat nga maging masaya siya dahil buntis ka!" Napataas ang boses nito sa huli nitong sinabi.


"Ayaw niya daw muna ng may inaalagaan, sabi niya... pananagutan niya ako... p- pero ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin e..." Pumiyok ang boses niya habang nagsasalita.


Lucia sighed. "Hindi ko alam na may ganyang ugali ang dati kong boss. Walang paninindigan! Cyree, makinig ka sa akin, kung ayaw niya diyan sa baby ninyo, edi huwag! Hayaan mo siya! Iresponsabling lalaki!"


"S- Sige na best, ba- bye na, may gagawin pa kami e..." Paalam niya.


"Osiya, sige. Basta best ha? Nandito lang ako, kung kailangan mo ng tulong... puntahan mo lang ako o di kaya'y tumawag ka..."


"Oo best, salamat."


She ended the call and sighed deeply. Malungkot siyang tumingin kay Kristen, at ganoon din ito sa kaniya.


"Pupuntahan ko siya sa Heavens Bar. Baka nandoon siya..."


Hinawakan ni Kristen ang kanyang kamay. "Magiging okay din ang lahat..."


She just smiled. Sana nga. Sana mag bago na ang isip ni Clive at tanggapin ang dinadala niya.




"ANONG masama sa pagiging ama, Clive? Bakit hindi mo matanggap?"


Tanong ni Luther kay Clive. Hindi na siya dumadalaw kay Cyree dahil tinataboy din naman siya nito. Akala niya kaya na niya itong panagutan, kaya na niyang tanggapin ang ipinagbubuntis nito. Pero hindi! Hindi niya alam kung bakit takot siya sa responsibilidad. Kung bakit ayaw niyang mag alaga ng bata. Nilagok niya ang alak at tumingin sa kaibigan. Wala si Lucian dahil abala na ito sa sariling pamilya. Si Troy naman ay meron daw pinagkakaabalahan. Si Ryzen naman ay nasa ibang bansa.


The Wrong One Became Her The One (DESIRE SERIES #2) (ON HOLD AND UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon