SAIS

373 19 7
                                    

CHAPTER 6




NAGISING SI Cyree sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. She's naked under the sheets, Clive didn't let her sleep last night. Talagang na miss siya ng mokong. A smile curved in her lips, umalis siya sa kama at nagpunta agad ng banyo para maglinis ng katawan. After that ay nagsuot siya ng sweater at sweatpants. Kahit kasi may heater ang buong mansiyon nila Clive ay nakakaramdam parin siya ng lamig.


Lumabas siya ng kuwarto at bumaba sa engranding hagdanan. Hinanap ng mga mata niya si Clive pero hindi niya ito makita. Nang makababa siya ay sakto naman ang pagdating ni Señora Veviana. Naiilang siyang ngumiti sa ginang, she looks intimidating.


"Good morning, hija." Señora Veviana greeted. "How's your sleep?" Hinalikan siya nito sa pisngi.


"O- Okay lang po, Tita."


Ngumiti ang ginang. "Halika, doon tayo sa garden. Your breakfast is ready."


"Sige po."


Lumabas sila ni Señora Veviana sa mansiyon at nagpunta sila sa garden. Nakahanda na nga'ng talaga ang breakfast niya, pakiramdam niya isa siyang special na bisita. Sabay silang umupo ni Señora Veviana, magkaharap silang dalawa.


Señora Veviana sipped her coffee before talking. "Eat your breakfast, darling. Si Clive ay sumama kay Clivan, nagpunta sila sa Wine factory na pagmamay-ari namin." Imporma nito.


Tumango lang si Cyree at nagsimula ng kumain. She felt uncomfortable with Clive's mother.


"Hija," Tawag nito sa kaniya kaya napatigil siya sa pag subo. "If you don't mind me asking, are you pregnant? May laman na ba iyang tiyan mo?"


Dahil dun sa sinabi ng ginang ay nabilaukan siya. Nag-alala naman siyang tiningnan ng ina ni Clive. "I'm sorry hija! Did I say something wrong?"


Uminom siya ng juice at huminga. "W- Wala po. Uhm, h- hindi pa po ako buntis…" Namumula niyang sagot.


Señora Veviana sigh in disappointment. "Hay… I want you to be pregnant, hija. I just want my son to settle down. I want him to have a happy family. Kasi hindi na kami bumabata ni Clivan, before we past away… gusto naming makita ang mga magiging apo namin. You know, Clive is our only child." Paliwanag nito.


Hindi niya alam kung ano ang maisasagot niya sa ina ni Clive. She can see frustration in her eyes.


"Uhm, Tita siguro hindi pa handa si Clive na mag settle down." Saying those words makes her heart a bit hurt. Kasi kung ayaw pang mag settle down ni Clive, ibig sabihin nun ay may pag-asa pang magkahiwalay sila kapag naging sila na.


Bumuntong-hininga si Señora Veviana. "Hija, please intindihin mo ang anak ko sa mga magiging desisyon niya. Kung sakali mang mabuntis ka, don't hesitate to tell us. Huwag mo ng iisipin ang magiging reaction ng anak ko."


Napatitig siya sa nakahain niyang almusal. Hindi importante ang magiging reaksiyon ni Clive? Iisipin pa lang niya ay naninikip na ang dibdib niya. Of course Clive's reaction is important!


"Clive is childish sometimes." Dugtong ni Señora Veviana. "Gusto niya muna ang maglaro at magsaya. Ayaw na ayaw niya sa mga problema."


"Huwag po kayong mag-alala Tita, gagawin ko ang makakaya ko para intindihin si Clive."


Lumambot ang ekspresiyon ng ginang. "Thank you hija."


Cyree smiled and continue eating her breakfast.


The Wrong One Became Her The One (DESIRE SERIES #2) (ON HOLD AND UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon