DISE OTSO

7 0 0
                                        

FAST FORWARD




EVERYONE IS BUSY doing their jobs for the surprised wedding that Clive prepared for Cyree. He's nervous and excited at what will happen. Planadong planado ang lahat, Cyree's family is already in Baguio, also Arnaldo and his sister Sorraya. Si Jacob at ang anak nila ni Kristen ay nandoon na din. Ang mga kaibigan naman niya ang katulong niya sa paghahanda, buti nalang at hindi magulo ang anak niya at ang anak nina Lucian at Jacob. Nasa play room lang ang mga ito at naglalaro.

Sa malawak nilang garden gaganapin ang kasal, and with the help of the wedding organizer, ay mas naging maganda ang itsura non. The wedding's theme is emerald green and gold, it's Cyree's dream wedding, not too grand but it's perfect.

"Hey, bro," Tinapik ni Lucian ang balikat niya. "Relax, Mamaya pang hapon sisimulan ang kasal."

Their wedding will be starting when the sunset comes.

"I can't help it, bro. Paano kung di siya sisiput?"

Tinawanan naman siya ni Lucian. "Cyree will marry you, Clive. Don't worry." He shrugged. "And she's with my wife and Kristen."

Malalim na bumuntong hininga si Clive at tumango-tango pa. "I can do this!" Pampalakas niya ng loob.

"Basta huwag kang iiyak, Clive. May sumpa iyon." Dagdag pa ni Lucian at tumawa ulit.

"Bakit naman ako iiyak? Mahal ko 'yong pakakasalan ko."

Inakbayan ni Lucian si Clive. "Ang daming balita ngayon sa social media na sunod-sunod yung pag hihiwalay ng mga artistang couple. At coincidence na lahat ng lalaki sa mga break ups na iyon ay umiiyak sa kasal nila." Lucian laughed. "Kaya ikaw, huwag kang iiyak ha?"

Inis namang inalis ni Clive ang braso ni Lucian sa balikat niya. "O tapos? Hindi na ako kagaya noon no! Talaga bang pinapalakas mo ang loob ko?"

Tumawa lang si Lucian at bumalik sa ginagawa nito kanina. Siya naman ay muling bumuntong hininga.



Samantala. Sina Cyree, Lucia at Kristen ay nasa isang mamahaling hotel sa Baguio. Sabi kasi ni Lucia sa kanya ay doon muna sila mag bibihis at mag pa ganda. Nagtataka naman siya kasi, bakit naman sila mag aayos? Saka magsusuot pa sila ng gown. Ang gaganda pa naman ng mga gown, lalong-lalo na iyong susuotin niya. Her gown is so simple, with golden flowers in it, but it's screams elegance. Ang buhok niya ay pinusod, pero may iilang hibla na sinadyang iniwang malaglag, and the make up that she's wearing is simple too. Napatingin naman siya kina Lucia at Kristen ang suot ng mga ito ay kulay emerald green, iyon ang favorite color niya. May slit ang suot na gown nina Lucia at Kristen, at hanggang hita iyon.

May nakikita din siyang bouquet na pinagsamang emerald green at gold na rose. Mas pinaganda pa ito dahil may mga diyamanteng nakalagay doon. Nag sisimula na rin siyang kabahan dahil nasa utak na niya ang kung ano ang mangyayari pero hindi siya puweding mag isip ng advance, baka kasi ibang surprise ang inihanda ng nobyo niya.

Tiningnan niya ang kaniyang kabuohan sa human size mirror, at napangiti siya dahil ang ganda ganda niya.

"Best! Ang ganda mo!" Masayang komento ni Lucia.

"Ang saya-saya ko para sa 'yo, Cyree." Sabi naman ni Kristen na parang iiyak.

"Salamat, pero hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari. May alam ba kayo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Feb 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wrong One Became Her The One (DESIRE SERIES #2) (ON HOLD AND UNDER EDITING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon