ONSE

337 21 9
                                    

CHAPTER 11




"ARE YOU happy with him?" Biglang tanong ni Clive habang nagsasalita si Cyree patungkol sa wine factory.


Napatigil siya sa pag di-demo dito at hinarap niya ito. Matapang niya itong tinitigan.


"Yes. I am happy. Maalaga siya sa amin. Lalo na sa anak ko."


"Can I a- at least see my son?" Nauutal na sabi ni Clive na may malambot na ekspresiyon. "I… I saw a boy earlier, binati niya pa nga ako. A- And he looks exactly like me when I was young. Siya ba yon? Iyong batang 'yon… Siya ang anak natin hindi ba?"


Kumuyom ang mga palad ni Cyree at marahas na umiling. "Hindi."


"Oh come on!" Frustrated na wika ng binata na para bang nauubusan na ng pasensya. "I am his father, Cyree! Bakit mo siya ipinagdadamot sa akin?!"


Hindi makapaniwalang natawa si Cyree sa huling sinabi nito.


"Ipinagdadamot?! Clive, naririnig mo ba ang sinasabi mo?" She scoffed. "Kahit noong nasa sipupunan ko palang ang anak natin hindi ko siya ipinagdamot sayo! Ngayon lang! Dahil alam kong kukunin mo siya sa akin! Na hinding hindi mangyayari!"


"Anak ko rin siya, Cyree! May karapatan ako sa kanya!"


"Oo!" Malakas na sabi ni Cyree na ikinatigil ni Clive. "Anak mo siya! Anak mo LANG siya! Binigyan mo lang ako ng semelya at nabuo siya! Pero ako ang nag hirap at ako ang nagluwal sa kaniya kaya akin lang siya!" Mahina siyang natawa. "Noon ayaw mo sa anak ko, ngayon may karapatan ka na? Sinong may sabi na may karapatan ka sa anak ko?! Masaya na kami, Clive. Masaya kami kahit wala ka!"


Nakita niyang kumuyom din ang mga palad nito at bahagya itong yumuko. "I know. I don't deserve to be a father because I'm an asshole. But… I wanna change that. I want to be a father to our son… Gusto ko siyang mahawakan at mayakap. I want him to know that I'm his father… na kaya kung itama ang mga mali ko. Na kaya ko siyang panindigan. Hinanap kita sa loob ng anim na taon…" Malungkot itong tumitig sa kanya. "Gusto kong bumawe sa lahat ng pagkukulang ko."


"No need, Clive." Cyree sighed heavily. Naisip niyang kahit makita lang nito ang anak nila… Okay naman na siguro iyon. "Okay. Ipapakilala kita sa anak natin. But! Huwag mo siyang kukunin sa akin."


Clive smiled. "Hindi ko siya kukunin sa'yo, Cy. Kung kukunin ko man siya… kasama ka na dun."


Tinalikuran lang niya ito at nagpatuloy sa ginagawa niya kanina. Maya maya lang ay dumating si Arnaldo at nang matapos sila sa pagtingin sa wine factory na bibilhin ni Clive ay umalis na sila.




NAKABUSANGOT si Clive habang nakasunod sa kotse ni Arnaldo. Patungo sila sa bahay ni Cyree. Bakit kasi kasama pa ang Arnaldo na iyon? Hindi niya tuloy mapurmahan si Cyree. He wants her to ride on his car but she didn't. Diretso itong pumasok sa kotse ni Arnaldo kanina na ikinainis niya.


Nang makarating sila sa bahay nila Cyree ay doon niya napagtantong iyon ang bahay na nakita niya kanina. Kung saan niya nakita ang batang lalaki na kamukhang kamukha niya. Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang tuloyan siyang lumabas ng kanyang kotse.


"He's inside. Kasama niya sila Nanay." Aniya ni Cyree sa kanya. "Kahit ayaw ko, papapasukin kita sa bahay namin." Bumaling ito kay Arnaldo. "Pasok na tayo."


"Yeah." Arnaldo smiled.


Palihim namang umirap si Clive at sumunod kina Cyree. Pumasok sila sa bahay at nakita niya ang isang may katandaan ng babae at iyong lalaki na nakita niya kanina. Nag mano si Cyree at Arnaldo sa ginang. Hindi naman siya makagalaw. Masama kasi ang tingin sa kanya ng lalaking nakita niya kanina. May nakasabit pang itak sa beywang nito.


The Wrong One Became Her The One (DESIRE SERIES #2) (ON HOLD AND UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon