Chapter: 30

1.4K 18 0
                                    

"Daddy! I thought you wouldn't get him drunk? Bakit gan'yan na itsura niyan?" Nakapameywang kong tanong habang nakatingin sa lalaking namumungay ang mata. His face was already red, his arm was placed on Daddy's shoulder. Lasing na.

"Ginusto niya 'yan" Daddy replied shaking his head. "I guess he's enjoying it, right Stever?" He tapped Stever's cheek.

"O-Opo..hik...t-tito.." he smiled broadly before turning his gaze to me. "B-Babyy kOoOoh" he ran to where I was standing and clung to my neck, he also hooked his leg around my waist. We almost fell down, buti nasa gilid si Sherel na mabilis ako nahawakan.

I slapped his ass. "Bumitaw ka nga, ang bigat mo!" Bulyaw ko. Hindi niya ako pinansin, inulubog niya ang ulo sa leeg ko. Mukhang lasing na talaga 'to.

"Karina, take him to your room" I was stunned for a moment. Bakit sa kwarto ko? Okay lang ba sakanya.

"Saan ako matutulog?" Tanong ko. Alam ko hindi siya papayag mag tabi kami ni Stever.

"Next to him," he raised an eyebrow "Come on, Karina. Stever has said it all,  kaya wag kana magkunwari" Daddy let out a short laugh.

"Like what?" Hindi ko maiwasan kabahan. Natatakot ako baka nasabi din ni Stever ang mga ginawa namin sa kwarto. Jusko..wag naman sana.

"Kasama mo siya sa iisang bahay," seryosong saad nito. "I wasn't born yesterday, para hindi maisip ang ginagawa niyo" napaismid ako bigla.

"Omg, magkasama kayo sa iisang bahay?" Sumingit si Sherel, "Hala, sana ol!" Napingot tuloy siya ng Nanay niya.

"Ikaw bata ka, pumunta kana sa kwarto mo. Hayaan mo sila mag-usap mag ama" bago pa sumabat si Sherel, nahila na siya ni Step mother.

Pagkaalis nang mag-Ina, bumaling ulit ako kay Daddy. "Issue ka, Dad." Umirap ako at bumaling kay Stever na natutulog na sa sofa. Bumagsak siya kanina nang itulak ko dahil sa sobrang bigat.

"Hindi ako sang-ayon na mag sama kayo sa iisang condo, pero ayoko rin na lumaki pa lalo ang galit mo sa akin." Sabi nito, wala ito reaksyon habang sinasabi niya 'yon.

He first looked at Stever who was sound asleep before turning his gaze back to me. "You're not young anymore, kaya alam niyo na kung ano ang tama at mali. Sana...wag niyo sirain ang tiwala ko."

"Mahal kita, anak. Gusto ko makita kang masaya. Kahit na ayaw ko na mag sama kayo sa iisang bahay...pero kung ikakasaya mo naman..handa ko ibaba ang pride ko.. para sa 'yo." He approached me and touched my two shoulders.

There were tears forming at the corner of his eye, I can’t explain how I feel right now.

"Hindi ko man, naiparanas sa 'yo ang pag-aaruga ko bilang Ama. Handa ako bumawi kahit huli na. Karina, Anak. Im sorry...A-Anak, dahil sa kagaguhan ko..hindi ko manlang inayos ang pamilya natin" he bowed his head as his tears flowed. I bit my lip when I felt tears forming in my eyes.

"Nung umalis ka, doon ko lahat narealize na...sobrang laki ng pagkukulang ko." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "... Especially with your Mommy." My tears flowed when he mentioned Mommy. I'm still in so much pain. I thought I had moved on after losing her but I still didn't. There is still pain every time he is mentioned my Mom.

"D-Daddy"

"Shh, sana mapatawad mo si Daddy. Now you're big, I'll let you decide on your life. I'll let you be happy...dahil, gusto ko ulit makita ang ngiti mo na hindi ko manlang pinagkaloob sa 'yo noon. Ayoko pa muli makita ka nasasaktan dahil na naman sa akin."

Umiwas ako ng tingin, I quickly wiped away the tears that had been dripping. I promised myself I would never cry again, but why am I still crying now? Maybe because it still hurts.

Trapped By a Blunder (Not An Angel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon