Chapter: 21

1.2K 21 2
                                    

"Ano nangyayari dito?" Tanong ko. Nakita ko seryoso nag-uusap ang dalawang abno sa classroom, may pailing-iling pa si Miracle habang nag-sasalita si Hari.

Tumayo si Miracle nang makita ako. Nangingilid ang luha at para bang disappointed siya sa nangyayari. "Sis, maupo ka. Pakinggan mo kung gaano ka red flag ang bagong kalandian ni Hari" Hindi na ako pinagsalita, hinila na agad ako paupo sa tabi niya.

Hinayaan ko sila mag-usap, at ako tahimik lang nakikinig sa kabaliwan ng dalawa na 'to.

"So, eto na nga!" Panimula ni Hari. " Si Zander kasi, sinabihan ako nang patay na patay daw siya sa akin, pero nahinga naman!" Humawak pa ito sa dibdib, habang pinupunasan ang gilid ng mata. Wala namang luha.

Nahampas ni Miracle ang lamesa niya "Red flag 'yan! Kung patay na patay pala sa 'yo, eh bakit nahinga pa! Dapat hindi na siya nahinga." Hindi ko alam kung ano ba pwedeng reaction sa mga pinag-sasabi nito.

"At eto pa! Nadapa ako kahapon, tapos hindi manlang inaway 'yung sahig!" Dagdag pa ni Hari. Mas lalo nag react si Miracle akala mo naman siya si Hari.

"Gago, ang red flag talaga!" Naiiling na sagot ni Miracle. "Yung ex boyfriend ko  nga hindi lang ako kumain, sinuntok agad ang pader! Oh diba, ang green flag!" She added.

"Ha! 'yon lang? Si Stever nga hindi lang ako kumain kagabi, pagkagising ko ako na ang midnight snack" Singit ko. Nanlaki ang mata nila.

Alam na nila ang tungkol sa amin ni Stever. Mag da-dalawang linggo na kami magkarelasyon. Sa loob nun halos bakuran na niya ako. Hatid sundo ako sa school, kaya nag simula na maghinala ang dalawang bruha. Hindi agad kami nakasagot nung tanungin kami ni Stever.

Nabanggit ko narin na magkasama kami sa iisang bahay. Hindi naman sila nagalit, actually pabor pa sakanila kasi gusto na daw nila maging ninang. Mga gago talaga. Wag sila excited, ginagawa palang namin e. Chor.

"Woy, sana ako rin!" Kinikilig pa na sambit ni Miracle, sinabunutan ako.

"Gagi, red flag 'yan! Pero color blind ako" umarte pa si Hari na walang nakikita.

"Kung ako sa 'yo Hari, hiwalayan mo na si Zander" natigilan bigla si Hari.

Tumingin ito kay Miracle," Buti nalang talaga hindi ako ikaw.." Sumimangot tuloy itong katabi ko.

"Ayoko talaga sa Red flag" napatingin kami kay Miracle.

"Ayaw daw sa red flag, sus! Red flag kaya si Marc," Pang-aasar ko.

"Whatever, bakit niyo ba siya binabanggit?" Tanong nito habang masama ang tingin sa pwesto ko. "Matagal na kaming wala." She rolled her eyes.

"Sige, Si Lander nalang" kalmado ko na sagot. Kaso mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko.

"Eww kadiri." Maarteng saad nito

"Sus, baka malaman ko nalang siya na ang sunod mo na target." Pang-aasar ni Hari na lalo kinalukot ng mukha niya.

"No way! Hindi ko siya type no!" Umiwas ito ng tingin.

"Hindi ka rin naman niya type." Sabay kami tumawa ni Hari kaya hinila nito ang buhok namin.

"By the way, ano balak niyo bukas? Valentine's na ah" Sabay kami napalingon ni Miracle kay Hari nang mag salita ito.

Oo nga, hindi pa naman namin napag-usapan ni Stever. May pasok kasi e' busy din kami hanggang ngayon sa acads namin. Siguro, kakain nalang kami.

"Ewan ko, baka manood nalang ng movie mag-isa" Tumango lang kami.

"Eh, Ikaw?" Turo ni Hari sa pwesto ko.

Trapped By a Blunder (Not An Angel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon