"Ano? ghinost ka?! HAHAHA! Kawawa ka naman!" halos malukot ang mukha ni Sherel nang asarin siya ni Miracle.
Napacross arm si Sherel at padabog kinuha ang notebook sa bag niya. Kitang kita kay Sherel na masama ang loob, dahil ghinost na naman siya sa pangalawang pagkakataon. Hindi na kasi natuto. Pinag sabihan ko na, hindi parin nakikinig. Sa online games niya lang naman nakilala.
"At isa kapa, Hari! Wag ka kasi nagpapaniwala sa mga internet love na 'yan! Mga tulad lang ni Sherel ang nauuto n'yan!" Panenermon ni Miracle sa babaeng busy parin maglaro ng kina-kaadikan nilang games ngayon. Napasulyap ako sa nilalaro ni Hari, puro maliliit na characters ang nandoon.
"Hoy! Bakit ako nasali d'yan?! Excuse me, may bebe na ako! Nag lalaro lang ako pampalipas oras." Paliwanag ni Hari.
Sumulyap si Sherel kay Miracle. "Try mo laruin" suggest nito.
Miracle just crossed her arms over her chest and stared at Sherel. "Wala ako panahon sa mga laro na 'yan!" umikot ang mata nito at napunta ang tingin sa 'kin.
"Tara, Karina. Mukhang maganda 'yung nilalaro nila." pinagsiklop niya ang dalawang kamay habang nag papa cute sa 'kin.
Akala ko ba, wala siyang panahon para maglaro? Naalis ang tingin ni Hari sa phone niya at napunta 'yon kay Miracle. "Haup ka, gusto mo rin pala maglaro. Dami mo arte, lul!" Hari, raised her middle finger in the air.
"Kaya nga, lakas pa manermon akala mo napaka healthy ng lovelife, e' wala naman jowa." pang-aasar ni Sherel. Halatang si Miracle ang pinaparinggan. Sa tapat pa talaga ni Miracle sila nag uusap.
"True 'yan gurl! Wag mo s'ya isasali sa guild natin." bulong nito kay Sherel, rinig naman namin.
Miracle pulled Sherel's hair. They were just sitting next to each other, so she could easily have done that. "Gusto mo supalpal ko sayo ang notebook na hawak mo?" banta nito kay Sherel, nanlilisik ang mata.
Agad umiling si Sherel. "Hehe...nasaan ba ang phone mo? halika turuan kita maglaro." peke ito ngumiti. Dahan dahan nito kinuha ang phone ni Miracle. "Ganda ng phone ah. Hampas kaya natin sa ulo mo. Tingnan natin kung matibay."
Miracle smiled sweetly. "Matibay 'yan, gusto mo try ko sa noo mo?" akma na ihahampas buti agad napigilan ni Sherel.
Buti nalang talaga dumating na si Ma'am. The two stopped fighting. I looked at Hari. She was still playing, but the phone was hidden under her table.
I gently slapped her, napaigtad ito agad. "Baka makita ka ni Ma'am." i whispered. She was very interested in that game. She's been playing for more than a few months.
"Shh, wag ka maingay. Nanonood ako ng kasal oh!" tukoy nito sa nilalaro niya. I looked down at her cellphone. She was with a player who was married in a cloudy area.
"Saan 'yan?" tanong ko.
"Ah, ito? Sky chapel tawag dito. Madalas, puro mga Pilipino ang nandito." she smiled broadly.
Tinanguan ko lang ito at nanood nalang sa ginawa niya. Nanlaki ang mata ko nang bigla nagdikit ang dalawang player. Teka, nagkikiss ba sila? "Hala, gago nag kiss. Bastos!" I was holding my mouth. I was shocked. I didn't know that there was such a thing in the game.
Hari rolled her eyes at me. "Bonak, hug lang 'yan! Siguro ganito ginagawa niyo ni Stever 'no?" Pang-aasar nito sa 'kin.
"Gago, hindi ah!" Hinampas ko siya sa braso.
"Lul, bala nga mas malala pa ginawa niyo dito." She smirked.
Nag-init ang pisngi ko. "Bastos!"
BINABASA MO ANG
Trapped By a Blunder (Not An Angel Series #1)
Ficção AdolescenteNot An Angel Series #1 (Completed) Karina Sarmiente was born as a result of a mistake made by her parents. Because of her father's treatment of her as a child ay naging malaki ang galit nito sa kaniyang ama. She promised that she would not look for...