After 7 years
"Waha! Proud tita's here!" Inunahan pa ako ng tatlo na tumaas sa stage. Hahakbang sana ako nang bigla ako harangin ng teacher. Masyado na daw madami. Teka, ako ang Nanay tapos hindi ako papapuntahin sa stage?!
"Hey, I'm Sachi's Mother!" I irritated said to her.
"But, Miss we-"
Hinawakan ko siya sa balikat. "Please. This is a special day for me" i softly said. Hindi pwede na iba ang mag susuot sa parangal ng anak ko. Aba, nagpakahirap pa ako na turuan si Sachi tapos mga bruha lang ang mag susuot.
Tipid ito ngumiti bago tapikin ang balikat ko. "Fine. You may go now, Miss." She smiled.
I smiled widely and respectfully bow to her. Tumaas na ako at mabilis tinulak ang tatlong nag-aagawan sa medal. "Tumabi kayo!" Pagtataboy ko sa tatlo.
"Putek, bakit nandito ang tunay na Nanay?" Pinanlakihan ko ng mata ang babaeng akala mo siya ang Nanay.
Napaka elegant ng suot ni Miracle, naka shades pa ang gaga. Hindi ko alam kung ano nakasabit sa leeg niya, siguro panali ito para hindi siya makaalpas. Nakasuot pa ng malaking hat.
"Bakit pa kasi kayo sumunod!" Babatukan ko ang tatlo nang bigla ako kalabitin ni Sachi.
"Mommy" natigil ako sa anak ko na naghihintay isuot ang medalya nito. Agad ako yumuko at hinalikan ang pisngi niya.
"Congrats, baby! Mommy is proud of you" i hugged her tightly.
"We're also proud of you! Oh, yeah! Proud tita's here!!!" Una pumalakpak si Sherel bago sumunod ang dalawang bruha.
Sinaway ko ang tatlo na tumahimik dahil nakatingin na ang mga tao sa paligid namin. Kami lang kasi ang madaming kasama sa stage. Nang matapos mag bow ay agad ko hinila si Sachi para iwanan ang tatlong bruha sa taas.
"Picture, picture!" Itinapat ni Miracle ang phone sa amin mag Ina. Pumantay ako kay Sachi at nag simula na mag wacky.
"Isa pa na pose!" Hirit ni Sherel. Agad ko niyakap si Sachi at hinalikan sa pisngi. Ganoon din ang ginawa niya kaya mukha kaming nag mamahalan sa picture na 'yon.
"Tama na 'yan, kami naman. Hoy, Karina! Hawakan mo 'tong phone tapos kami tatlo naman ang mag pi-picture." Bago pa ako makapag salita ibinigay ni Miracle ang phone niya.
Mahina ako napatawa at umiling-iling bago itapat sakanila ang phone. Nag pose sila na nakayakap kay Sachi sa pangalawang pose naman ay binuhat ni Sherel ang paa habang si Miracle at Hari ay nakahawak sa katawan at ulo ni Sachi.
Namilog ang mata ko. "Hoy! Baka mabalian 'yan! Kayo ang i-coconfine ko sa hospital" saway ko sa tatlo.
"Sige na! Kung pinipicturan mo kami, edi, naibaba na namin si Sachi" irap lang ang isinagot ko kay Hari bago itinapat muli ang camera sakanila.
Pinagmasdan ko ang anak ko sa camera habang tuwang-tuwa sa mga tita niyang siraulo. Hindi ko maiwasan mapangiti rin nang makita ko ang ngiti sa labi nito. Napunta ang tingin ko sa tatlong bruha. Malalapad din ang ngiti nila, akala mo sila ang may anak na pinuntahan dito.
Sobrang swerte ko sa tatlo na 'to. Sila ang nandiyan noong panahong nasasaktan ako at umiiyak tuwing gabi. Pati sa paglilihi ko nandiyan sila.
"Bakit kayo nandito?!" Nakapameywang kong tanong sa tatlong may dala-dalang maleta.
"Hindi kami papayag na ikaw lang ang mag-iibang bansa, sasama kami!" Lumapit si Miracle, sobrang dami niyang dala. "May rest house sina Mommy sa States, walang nakatira. Doon nalang tayong apat." Yumakap pa ito sa 'kin, mukhang excited.
BINABASA MO ANG
Trapped By a Blunder (Not An Angel Series #1)
Teen FictionNot An Angel Series #1 (Completed) Karina Sarmiente was born as a result of a mistake made by her parents. Because of her father's treatment of her as a child ay naging malaki ang galit nito sa kaniyang ama. She promised that she would not look for...