CHAPTER ONE

367 9 0
                                    


GRADE 10 ako nang magsimulang maging makabuluhan ang aking buhay bilang estudyante. Nasanay ako dati na pasaway palagi sa klase ngunit nang mapagtanto kong naging malala ang sakit ni Mama nang dahil sa pagiging pasaway ko ay nais ko nang magbagong buhay. Naging masakitin na si Mama at walang ibang makakatulong sa kaniya sa bahay sa tuwing magkakasakit siya.
Lumaki akong walang ama at wala ring mga kapatid. Hindi ko alam kung totoo ang usap-usapan pero sabi nila, bading daw ang tatay ko. Hindi ko na rin pinilit na alamin ang mga impormasyon tungkol sa tatay ko. Kontento na ako kay Mama. Iniisip ko rin na kung mahalaga ako sa tatay ko, dapat noon pa man ay pinili niya kami kaysa sa kung nasaan man siya ngayon.
Masaya akong naglalakad pauwi dahil sa pag-aakala kong walang pasok ngayong hapon. Ngunit agad naman akong natigilan nang bigla akong tinawagan ni Faith, kaibigan ko since Grade 9 at pinabalik ako sa school.
“Nasaan ka ngayon? Patay ka! Ang laki ng minus ninyong mga nag-cutting ngayon!” pananakot niya.
Agad naman akong napabalik sa eskwelahan at halos lamunin na ako ng lupa sa sobrang kaba.
Tahimik na ang ibang classrooms dahil nagsisimula na ang first subject sa afternoon session. Tahimik akong naglalakad papuntang Grade 10 building, nang makarinig ako ng tugtog ng isang gitara. Napaatras ako at napalingon sa senior high, ABM 1 classroom, at bahagya akong sumilip sa bintana.
Hindi ko masyadong makita ang mukha niya, dahil naka-side view ito. Kasalukuyan itong tumutugtog ng mga love songs. Namangha ako sa suwabe ng boses niya, at sa galing niyang maggitara.
Mukhang napansin niya ang presensya ko, dahil bigla siyang napahinto. Agad naman akong napaatras at lumayo sa may bintana. Sa takot na baka mahuli pa niya ako ay hindi ko na siya sinilip pang muli at dumiretso na ako patungo sa room namin.
Nang makabalik na ako sa room namin, tiningnan ko kaagad si Ma'am na abala sa pagtitipa sa kaniyang laptop. Kinuha ko naman ang pagkakataong iyon na pumasok sa loob, at umaktong kunwari hindi ako late.
Nagsisimula na siyang mag-roll call, at nang matawag niya na ang pangalan ko ay buong galak kong sinabi ang salitang...
“Present!”
Nilingon naman ako ni Faith na mukhang proud na proud sa akin. Nginitian ko lang siya nang mapang-asar saka binalik ang aking atensyon, sa aming guro.
Shortened ang klase namin ngayon dahil bibigyan kami ng time para magprepara sa intramurals na gaganapin bukas. Excited na excited na talaga ako para bukas. Plinano na talaga naming dalawa ni Faith ang gagawin.
“Ready ka na ba bukas?” tanong sa akin ni Faith. Tumango naman ako sa kaniya habang nakangiti. Nagsisimula na akong magpantasya sa mangyayari bukas.
“Ikakasal na kami ni Shin! Siguro mapapaamin talaga ako nito nang wala sa oras,” nakangiting saad ko.
“Ikakasal nga kayo, sa marriage booth naman,” pambasag trip ni Faith.
Napangiwi naman ako sa kaniya. “Hayaan mo na. Basta, ha? ’Yung pinag-usapan natin,” pagpapaalala ko.
“Oo na. Kunwari pinilit kitang ipa-marriage booth kay Shin. Basta galingan mo lang talaga ang pag-arte, babae ka. Kung hindi . . . lagot ka sa akin,” pagbabanta niya.
Magkasimbaitang lamang kami ni Shin. Siya ay isang basketball player at bago pa lamang siya sa team ng school namin. Tan-skinned si Shin, at medyo singkit. Matangkad, at maangas pumorma. Iyon ang mga rason kung bakit maraming mga babae ang kinababaliwan siya. Magaling ito sa laro, at mayroon ding sportsmanship.
Matapos kaming mag-usap ay pinagtuunan na namin ng pansin ang mga pinagsasabi ng aming class president. Halos mabingi na kami kaka-practice sa yell naming para bukas pero lagi niya pa ring pinapaulit-ulit sa amin.

KINABUKASAN, maaga akong nagising. Medyo bongga ang magiging dating ko ngayon. Ngayong araw ay binigyan kami ng school ng kalayaang makapagsuot ng civilian, as long as hindi ito malaswang tingnan. This time I'm wearing a white dress and flat sandals.
Siyempre, nag-apply rin ako ng light make-up para naman hindi ako magmukhang bangkay kapag makaharap ko na si Papi Shin Harold ko. Uso sa amin ngayon ang pagsusuot ng flower crown, kaya nakisabay narin ako sa uso.
Nagpaalam na ako kay Mama, saka naglakad na papuntang eskuwelahan. Malapit lang naman ang bahay namin sa school, kaya ayos lang ito kung lalakarin.
When I first walked in, I was struck by the sound of drums, trumpets, lyres, and other instruments. Napakaraming mga estudyante sa daan, at kaniya-kaniya pa ang mga outfits of the day.
Dumiretso na ako sa room namin at hinanap si Faith. Maaga pa lamang, kaya hindi pa nagsisimula ang event. Kasalukuyan muna kaming nagpapaganda sa room, habang minememorya ulit ang aming yell. Late na nilang pinaalam na contest pala ang yell, kaya hindi na namin siniseryoso ang pag-practice nitong nakaraan.
Nang magsimula na ang event, agad na kaming pinababa sa gymnasium para maki-participate sa school activity. Napalingon ako sa mga estudyante. Grabe, ang angas makaporma ng iilan. Ngunit meron din namang mga naka-uniform pa rin. Sila ’yung kumbaga mga loyal sa school. Meron ding ang lakas maka-aesthetic ’yung dating. Merong mga korean-inspired outfits at siyempre hindi papatalo ’yung ibang mga babaeng estudyante na ang lakas makaubos ng liptint, pero mga amoy putok naman.
Napailing na lamang ako. Ayaw ko na ring i-describe ang sarili ko. Basta ako lang ito—’yung naka-flower crown, dahil sa pag-aakalang uso pa rin ito.
Simple lang ang suot ni Faith. Naka-casual wear lang ito kagaya ng karamihan.
Halos nahihilo na ako kakatingin sa mga estudyante at kakaamoy ng mga putok nila. Pero siyempre, bawal ang tumakas, kaya tiniis ko na lamang hanggang sa matapos ang yell ng section namin at ang morning session ng intramurals.
Ito na ang pinakahinihintay ng lahat—ang afternoon session ng intramurals, kung saan malaya na kaming makakakilos sa buong campus, at mapapasok na namin ang iba‘t-ibang uri ng mga booths.
Mailang subok na kami sa marriage booth ngunit laging taken si Shin. Kaya habang naghihintay ay pinasok muna namin ang ibang booths.
Nanonood muna kami sa movie booth, kung saan mga short films lang ang meron para marami pa ang makakapasok at makakapag-try. Nang matapos, iyon ay pumunta kami sa photo booth at nagpa-picture kaming dalawa ni Faith doon.
Sunod ay pumunta kami doon sa free wall, kung saan malaya kaming makakapaglabas ng mga saloobin namin sa pamamagitan nang pagsulat nito sa sticky notes at ididikit ang mga ito, sa dingding. Siyempre nandoon ang confession ko para kay Shin. Pero siyempre, wala akong pangalan na inilagay.
Sandali pa kaming nagbabasa ng mga confessions doon, nang may mabasa akong pangalan ko, at binasa ko ’yung nakasulat.
“Dear Catalina,
I have liked you ever since I met you. Yesterday, you were in our building. You were watching my classmate play his guitar, which made me jealous. But nevermind. I hope I can confess this to you personally soon.
Love, ****”
Napangiwi naman ako nang mabasa ko ang confession na iyon. I've always been loyal to Shin, but I'm starting to wonder what if, that man will be my forever?
Nagsimula nang mang-asar si Faith sa akin, kaya nagsimula na akong mapikon. Nang mapansin naming lumabas na si Shin sa marriage booth ay agad akong hinablot ni Faith at kinaladkad papunta kay Shin. Ganoon din ang ginawa ni Faith kay Shin, at diretso kaming ipinasok sa loob ng marriage booth.
Pilit kong itago ang kilig ko, at kunwari inis na inis sa kaibigan ko. Kasalukuyan namang nakasimangot si Shin sa harap ko, habang sinimulan na ang marriage moments namin.
“Ano ba ’yan, pang-pito ko na ito. Sana sabay-sabay na lang,” reklamo ni Shin.
Siyempre nakaramdam din ako ng hiya, kaya napayuko ako. Grabe, sure ako hindi ako ang panghuli. Nakokonsenya tuloy ako.
Hinarap ko ang in-charged sa marriage booth at pinakiusapan ko siyang hindi na lamang tapusin ang kaniyang speech, para na rin makapagpahinga muna siya, pati si Shin. Sumang-ayon naman ito at lumabas na kami pareho.
Nagtataka naman si Faith sa amin kung bakit ang bilis lang namin, kumpara sa iba. Napalingon ako kay Shin na hindi pa pala umalis sa puwesto namin.
“Thank you. By the way, what is your name?” tanong sa akin ni Shin.
Napakagat-labi na lamang ako. It was the first time Shin talked to me. And it felt wholesome.
“Hindi niyo tinapos ’yung booth? Ano ba naman ’yan, sayang ang bayad,” sapaw at reklamo ni Faith. Nilingon ko naman siya saka nginitian.
“Babayaran na lamang kita,” mahinang tugon ko.
Nilingon ko ulit si Shin, saka ngumiti sa kaniya. Halos atakihin pa ako sa puso nang ngumiti ito pabalik sa akin.
“Catalina . . . Catalina Bliss Silvino, ang pangalan ko,” pagpapakilala ko sa kaniya. Tumango lang ito, saka nakipagkamay.
“Nice name, Catalina. Nice to meet you. I'm Shin Harold Bautista,” pagpapakilala niya. Para akong nabuhayan nang mahawakan ko ang kamay niya.
Is this what heaven feels like? Ito ba ’yung butterflies in the stomach na pinagsasabi nila?
Para akong nakalutang sa kaniya. Agad naman akong nabalik sa realidad nang bawiin niya na ang kamay niya. Napamura pa ako sa sarili ko nang mapansing hindi ko pala siya kaagad nabitawan.
Parang gusto ko na lamang magpakain sa lupa!
Nagpaalam na kami sa isa't-isa, at buong araw akong hindi naghugas ng kamay noon. Hindi ko na maimagine kung gaano talaga ako ka adik, kay Papi Shin Harold ko.

Making Him StraightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon