CHAPTER THIRTEEN

63 7 0
                                    

MATAGAL-TAGAL na rin mula noong nagkaroon kami ng parent-son moment ng mga magulang ko. Puro trabaho na lamang kasi ang inaatubag nina Mom and Dad, habang ako naman ay abala sa aking pag-aaral.
Noong bata ako, buong akala ko ay si Yaya Janice ang talagang mama ko. Siya na kasi ang nag-aalaga sa akin mula pa man noong hindi ko pa yata kita ang mundo—noong sanggol pa lamang ako. Kaunti na lamang man ang natatandaan kong pagsasama namin ni Yaya Janice, alam kong may espesyal kaming pinagsamahan.
When I reached five, umalis si Yaya Janice at hindi na bumalik. It was pretty dramatic. But then, natugunan naman ang pangungulila ko sa kaniya, mula noong dumating ang lolo at lola ko—sa side ni Mom—sa amin. Inalagaan nila ako hanggang sa mag-junior high school ako.
Kaso nagkaroon ng malubhang sakit si Lola, at kailangan niyang manirahan sa isang lugar na mayroong sariwang hangin, tahimik, maaliwalas, at mapayapa. Napilitan sila ni Lolo na lumipat sa probinsya at doon na tumira.
Ako naman ay hindi na komportable sa bahay namin. Masyado iyong malaki, at hindi ko rin type ang mag-hire ng maid para tulungan akong i-maintain ang bahay na iyon. Ayaw ko lang din talagang may kasama sa bahay dahil hindi ako sanay roon. So, I decided to rent this single apartment na mas malapit, one ride lamang patungo sa paaralan. Masyado naman kasing malaki ang allowance na ipinapadala sa akin ng mga parents ko, kaya afford ko ang rental dito. Mas homey ito, at hindi ako obligadong maglinis araw-araw dahil hindi naman ako makalat sa bahay. At least madaling ma-maintain dahil hindi kalakihan itong apartment na tinitirhan ko.
But to make my story short, basically, I am living a life alone. And being used to living alone doesn't make me feel lonely anymore.
Kailan nga ba ang last time na naka-bonding ko ang mga parents ko? Noong burol ni Lola? Noong last visit namin kay Lolo sa probinsya?
Pero hindi ko sila sinisingil doon. Dahil alam kong nang dahil sa trabaho nila, nagkaroon ako ng buhay na hindi na kailangang kumayod para lang mabili, makamit, at makuha ang mga nais at gusto ko. They gave me a lonely yet satisfying life. Sobra-sobra pa nga, eh.
Hinayaan nila akong makapag-aral sa public schools dahil nais nilang maranasan kong makihalubilo sa mga batang simple at may normal na status ng buhay.
Ang akala ko pa dati ay kaya nila ako inilagay sa public schools, dahil hindi sila proud na ipagyabang ako sa mga mamahaling mga paaralan.
Pero na-realized ko rin na napakapalad ko pala. Dahil hindi lahat ng mga mayayaman ay nakatikim ng normal, malaya, at simpleng environment. My parents are so responsible for raising me, kahit hindi ko sila nakakasama nang madalas.
Ito ang dahilan kung bakit wala akong karapatang sumuway sa kanila. Kaya hindi na rin ako nagtataka na may kapalit din ang mga sobra-sobrang bagay na natatanggap ko, at may naghihintay na malaking responsibilidad sa akin sa hinaharap.
I am the only child of my parents, who gained millions from their companies in both local and international markets.
As the heir of those luxuries they've achieved due to their hard work, I must be in good shape, of high standards, and have an intact dignity in morality, education, secular business, at iba pa.
Kumbaga, kailangan kong maging isang perpektong nilalang sa mundo.
Noong tumuntong akong labing-walong taong gulang, binabalaanan na ako ng mga magulang ko na magsimula nang seryosohin ang aking buhay. Na unti-unti na nilang babawiin sa akin ang kalayaang temporaryo nilang ipinaparanas sa akin. Na kailangan ko nang unti-unting harapin ang realidad. Dahil pagkatapos daw ng aking senior high school, kailangan ko nang pamunuan ang isa sa mga kompanya namin dito sa Pilipinas.
Of course, sino ba naman ang hindi masusuka sa ganoong kalaking expectation at pressure na ibabato sa ’yo? Ito rin ang pangatlong rason kung bakit hindi ako nagdadalawang isip na sayangin ang isang taon ko sa senior high school bilang ABM student, at hinayaan ko munang magbalik-aral as HUMSS student. Dahil talagang hindi pa ako handa.
Pero bakit kung kailan huling pagkakataon ko na lamang sanang maging malaya, eh, hindi pa magawang pagbigyan? Ngayong taon na lang naman, eh. Next, wala na. Last na lang talaga itong taon na ito!
“Ngayong taon lang, dad! Shin is a great person. I really like him, dad.”
Naninikip ang dibdib ko habang pilit na pinakiusapan ang ama kong nanginginig sa galit, nakaharap sa akin, at nakakuyom parin ang kamao.
Nakasalampak ako sa sahig, habol ang hininga. Pasimple kong pinahiran ang gilid ng aking mga labi, at nalasahan ko ang malansang lasa ng dugo. Namamanhid ang aking katawan at mukha—na sa aking palagay ay basag na rin ata.
Mabilis ang mga naging aksyon ni Dad kanina. Nahihilo pa ako mula sa mga suntok na pinapaulan niya sa akin kamakailan lang. At ngayon ay akmang susugurin niya na naman ako.
“Andrae, tama na! Huwag mo namang idaan sa ganyang usapan, please!” sigaw ni Mom habang yugyog-yugyog pa ang braso ng aking ama.
Dahan-dahan akong kumilos, gumapang paatras hanggang sa maisandal ko ang aking likod sa pader. Namumugto na ang mga mata ko, hindi ko mapigilang mapahikbi ng iyak. Hindi ko alam kung paano ko nga ba, o hanggang kailan ko ba pwedeng ipaglaban ang nararamdaman ko ngayon.
“Naririnig mo ba ang anak mo, Fara? Matapos ang lahat ng pagsisikap natin, mawawala lang nang dahil sa kabaklaang ipinairal ng walang kwenta mong anak?” sigaw ni Dad kay Mom.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi rin nakatakas sa akin ang pagbagsak ng luha ni Mommy, kasabay ng pag-iwas niya ng tingin.
Walang alinlangan akong tumayo at hinarap si Dad. “I am not gay, dad! I may be attracted to men, but that doesn't mean I can't be attracted to—”
“Kaya mo bang buntisin ang Shin na iyan, you brainless son?” bungad ni Dad, saka siya lumapit ulit sa akin.
Lumuhod siya upang mapantayan ako bago niya hapitin ang kuwelyo ng aking uniform. Sakal-sakal ako, galit niya akong tiningnan. “Sino ang magmamana ng lahat ng ito kung tatanda kang walang anak? Kung walang susunod sa ’yo? Have you even thought about making a consideration with that?”
Napayuko ako at pilit na humikbi nang walang ingay. Sumasakit na ang lalamunan ko kakapigil sa sarili kong umiyak.
“I don't give a damn if temporary love lang iyang relasyon ninyo o pang habang-buhay pa! It's you and our reputation!” Tumayo si Dad at marahas akong binitawan, dahilan upang maupo ako ulit sa sahig.
Sinuklay niya ang kaniyang buhok at napatiim-bagang. “Bakit? May narinig ka bang nagkaroon muna ako ng maraming ex bago ako napunta rito sa ina mong walang ibang ginagawa kung hindi ay ang i-spoil ka lang? Buwis*t!”
Natigilan kaming lahat, at tila tumigil ang oras pagkasabi niyon ni Dad. Parang computer na biglaang nag-shutdown na hindi man lang nai-save ang mga files.
At sa isang iglap, bigla na lamang bumagsak sa sahig si Mom. Nadako ang tingin namin ni Dad sa kaniya. Wala nang malay si Mom, at doon namin napansing napakaputla na pala niya.
“Mom!”
“Fara!”

Making Him StraightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon