CHAPTER TWENTY FOUR

82 11 0
                                    

LUTANG ako matapos ang nangyari. Pinatawag kami sa principal's office dahil sa "public display of affection" daw na ginawa namin ni Drae kanina. Nagkaroon kami ng warning for suspension. Nang malamang lasing si Drae na pumasok sa paaralan, doble ang nagiging warning niya. Hanggang tatlong palugit lang kasi iyan. Kapang makatatlong warning na, automatic nang suspended iyan for one to two weeks.
Nakahinga na lamang ako nang maluwag nang pinalabas na kami ng principal. Pero, inatasan akong tulungan si Drae na makauwi. Hindi na raw papasukin si Drae ngayong hapon dahil lasing ito. Kaya napilitan akong ihatid si Drae.
Tinawagan ko si Faith na kunin ang mga gamit ko sa classroom dahil uuwi na lamang din ako pagkatapos ihatid ang walanghiyang lalaking ito. Wala na rin namang pag-asa. Siguro kung makabalik pa ako rito sa paaralan, alas-dos na ng hapon. So, bukas nalang.
Huminga ako nang malalim, pumara ng taxi. Kahit naiilang, pinilit kong alalayan si Drae papasok. Si Drae ang nagsabi ng address ng bahay niya. Lutang parin siya, pero makakausap naman kung pipilitin.
Nangati ang ulo ko sa sobrang inis. Sumusobra na ang perwisyong hatid ng batang ito sa buhay ko, ah. Ang sarap nakawan, mayaman pa naman.
Nang makarating na kami sa isang subdivision, nagbayad na si Drae sa driver. Pagkatapos, ako na ang nagdala ng mga gamit naming dalawa. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad patungo sa harap ng isang simpleng apartment. May dinukot siyang kung ano sa bulsa. Tumatagingting iyon. Mga susi. Pagkatapos buksan ang gate, pumasok na kami.
“Ito na ang mga gamit mo. May gamot ka ba rito?” panimula ko nang maiupo ko na siya sa single chair na sobrang comfy kung upuan.
Umiling lang siya. Pagkatapos, bigla niyang pinagsiksikan ang sarili niya sa upuan at nagtangka pang humiga roon.
Nabitawan ko kaagad ang bag ko at sinalo ang ulo niya. “Baliw! Nasaan ba ang kuwarto mo?”
Niliraw ko ang paningin sa loob ng bahay. Wala masyadong gamit. Pero malinis ito. Amoy malinis din. Kulay apple green at cream ang motif ng bahay. Tiles ang sahig, at may maliit na counter sa kusina. Simple, pero classy.
“Sa itaas po.”
Napalingon ako sa nagsasalita. Namangha ako. Marunong palang maging magalang ang lalaking ito.
Kinaladkad—este maingat ko siyang inangat at inalayan papanhik sa itaas. I wonder how he got himself to school earlier if he can't even handle himself right now.
Binuksan ko ang pinakaunang pintong nakita ko. Bumungad sa akin ang bedroom na matagal ko nang pinangarap buong buhay ko.
Isang silid na may comfy bed na kapag hinihigaan ay parang hinihigop ang katawan mo, air-conditioned—nonstop, may mga musical instruments, paintings, series lights, study table, at higit sa lahat, may closet na puno ng mga damit at hoodies!
Muntik na akong maiyak. “Sana all, Drae!”
Ngumiti lang siya at naglakad na papuntang higaan. Ang dami niyang unan. Ayaw ko nang manatili rito, mas lalo lang akong naiingit. But at the same time, na-i-inspire na magpayaman.
“Sorry for bothering you, Cath. Pero puwede bang bantayan mo muna ako? Marami akong biniling snacks kagabi. Kaso iyong alak ang napag-trip-an ko. First time kong uminom. Oh, wait . . . Two times, three . . . Pang-apat ko na palang inom iyon. Basta. Hindi naman ako naglalasing palagi, eh. Kapag may okasyon lang. Pero hindi iyon ang punto. Ano kasi—” pinutol ko na ang mga daldal niya.
“Nasaan ba ang pagkain? Hindi ko tinanong kung lasinggero ka ba, o hindi.”
Tumawa siya nang malakas. “Nasa refrigerator po.”
Lumabas na ako sa kuwarto niya at dumiretso sa kusina. Feel at home lang. Binuksan ko ang mini refrigerator niya. Bumungad sa akin ang refrigerator na pangarap ko rin!
“God, he's living a dream.”
Chocolates, ice cream, yogurts, chocolate drinks, canned juice, wine, fruits, stocks ng mga heat and serve food, at marami pang iba. Iyong tipong masasabi mong refrigerator talaga.
Siyempre, una kong nilantakan ay ang ice cream. Cookies and cream, eh.
Nagdala narin ako sa itaas ng energy drink.
Nang buksan ko ang pinto ng kuwarto niya, isang masarap sa taingang strumming ng gitara ang sumalubong sa akin.
Napaawang ang aking bibig nang makita at marinig si Drae na kumakanta habang naggigitara. Nakaupo siya sa kama, nakatalikod sa akin.
Dahan-dahan ang bawat kilos ko. Baka kasi hihinto na naman siya ’pag nakita niyang nakikita ko siya. Pero bigla siyang lumingon sa akin. Nataranta ako.
Tumawa lamang si Drae, at umiling. “Uulitin ko para marinig mo. Pagkatapos, i-judge mo ’ko.”
Hindi ako nakasagot. Parang na-starstruck ako.
Sinimulan na ni Drae ang paggigitara. Kinanta niya ang "Biyahe" by Josh Santana. Unang sentence pa lang, parang gusto nang kumawala ng puso ko mula sa aking dibdib. Nawala ang kaninang awkwardness. Nawala ang mga bumabagabag sa isip ko.
“Alam mo, ang ganda mo pala ’pag tumawa ang ’yong mata. Hinahabol ko ang bawat mong tingin. Ngunit ito’y ’di mo napapansin.”
Umupo ako sa tabi ni Drae. Hindi maalis sa mga labi ko ang mga ngiti. Kahit sumasakit na ang panga ko, ayos lang. Ang sarap niyang pakinggan.
At nang kinanta niya na ang chorus, “’Di ko alam hanggang kailan tayo. ’Di ko mabago ang ikot ng mundo. Pero, sama ka sa aking biyahe. Atin lamang ang araw na ito. Ang buhay ng'yon sinasakyan lang ’yan. ’Di ko alam ang tungo kung saan. ’Pag sumama ka sa aking biyahe, iaalay ko ang puso ko.”
Natawa ako na parang gustong maiyak. Sana totoo ito. Pakiramdam ko kasi, nanaginip lang ako.
“Oh, kay sarap mong kasama. Napapawi mga problema. Magaan dalhin, kay sarap lambingin. ’Yon nga lang ay kaibigan kita. Akala ko mapipigil ko. Pero lalong nahuhulog sayo. Nang ’yong mabuking, tinanong mo sa’kin; dapat bang pagbigyan pag-ibig natin . . . mahalin?”
Nagpatuloy si Drae sa pagkanta hanggang sa natapos ang buong kanta. Feeling ko para talaga sa akin iyong awitin. Assuming lang. Pero naka-relate kasi kahit ang mga buto ko. Feeling ko, ako talaga ang tinutukoy sa kanta.
Nang ibaba na ni Drae ang gitara, bigla siyang nagsalita. “How was it?”
Ngumiti ako nang malapad. “Ang galing mo, grabe! Wala akong mai-judge, o masabi bukod sa ang galing mo. Ang ganda rin ng boses mo, Drae. Bakit mo ba tinatago iyan?”
I heard him chuckle. “Can we go to the amusement park, Cath?”
Nangunot ang noo ko. “Bakit?”
Mapait siyang ngumiti. “Anniversary ngayon ng mga magulang ko. But I wasn't even invited because they didn't celebrate it. May meeting sila ngayon sa trabaho. Nais ko lang magsaya. Can we?”
Napalunok ako, binabawi ang sinabi ko kaninang . . . Drae is living a dream. Mukhang may pinagdadaanan din si Drae sa pamilya. Siguro ito ang rason kung bakit medyo distant siya sa mga tao.
“Pero lasing ka.”
Ngumiti siya sa akin. “Then, can we take a nap? Then, we'll go to the amusement park by evening. Mas maganda kapag gabi. Maganda ang mga ilaw.”
Nag-aalala ako. Pero gusto ko ring pumunta sa amusement park. Nate-temp ako.
“Paano iyan? Wala akong damit. Ayaw kong mag-uniform lang doon,” sabi ko sa kaniya.
Tinuro ni Drae ang closet niya. “You can borrow from me. Saka, puwedeng habang maaga pa, magpaalam ka muna sa parents mo.” Tinuro niya naman ang CR. “You can take a shower if you want to.”
Nag-sparkle ang mga mata ko sa tuwa. “Shower? Oo ba!”
So, ayon. Ni-text ko si Mama na magagabihan ako ng uwi. Pagkatapos, nang mag-reply siya na ayos lang basta't hindi masyadong gabihin, hindi ko maiwasang ma-excite nang sobra.
Nang masiguro kong nasa kalagitnaan na sa panaginip si Drae, dumiretso na ako sa CR. Amoy vanilla. Dito ba siya nagbe-bake?
Napailing na lamang ako. Siyempre, naninibago sa ganitong mga bagay, hindi ko na pinatagal ang pag-mo-moment ko. Naghubad na ako at nagsimula nang mag-shower. Oops, uulitin ko . . . shower!
Para akong tangang mag-isang tumatawa habang naliligo. Siguro kung may multo rito, naki-creepy-han na sa akin.
Tiningnan ko ang mga gamit sa loob ng CR. Puro vanilla flavor. Mula shampoo hanggang bath soap. Siguro dito talaga siya nagbe-bake.
Mayroong shower gel na nag-iisang strawberry flavor. Napakagat-labi ako. Naisip kong masyado na yata akong abusado. Pero buti nalang ay hindi ko na iyon inisip.
Ni-try ko ang lahat ng sabon doon. Nangangawit na ang panga ko kakapigil ng tawa. Bulang-bula na ang buong katawan ko. Pero na-a-adik ako sa bango ng pinaghalong vanilla at strawberry. Hindi kasi mga tipikal na brands ang nandito, teh. Mga imported products!
Nang ma-satisfied na ako, nagbanlaw na ako, at binilisan nang tapusin ang pagsha-shower.
Lumabas ako nang naka-bathrobe lang. Kunwari mayaman ako. Stress, galing sa hot shower, pero hot parin.
Abala ako sa pag-mo-moment sa closet ni Drae. Namimili ako ng malaking t-shirt na pwede kong hiramin. Pagkatapos, namimili narin ako ng jugging pants.
Medyo mahangin down there. Wala kasi akong extrang underwear, g*go. Saka ayaw kong ulitin na iyong ginamit ko, ’no!
God, ang dugyot niyon.
Nang matapos na akong magbihis, dumiretso na ako sa higaan ni Drae. Nanlamig ako. Malakas kasi ang air-conditioner. Then bagong ligo ako.
Ma-ilang sandali ko pang ina-appreciate ang buong silid hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa tabi ni Drae.
 
NAGISING ako na sobrang bigat ng pakiramdam. Parang ayaw ko nang bumangon. Dahil kahit mabigat ang pakiramdam ko, ang lambot naman ng hinihigaan ko. Para parin akong nakalutang.
Tumagilid ako pero hindi ko magawa. Nang maidilat ko ang aking mga mata, doon ko na-realize na hindi pala mabigat ang pakiramdam ko. May pabigat lang palang nakapatong sa katawan ko. Nakapulupot ang mga braso niya sa aking baywang, habang ang ulo niya naman ay nakapatong sa ribs—este sa dibdib ko.
Bumuntonghinga ako, medyo nahihilo. Tinapik ko ang likod ni Drae na mukhang himbing na himbing parin ang tulog at komportableng nakahiga sa akin.
Sumasakit talaga ang ulo ko. Nang makapa ko ito, doon ko namalayang basa pa ang aking buhok.
Kinapa ko ang aking hinihigaan. “Patay,” pabulong na bulalas ko.
Tinapik ko ulit si Drae. Hindi ko alam kung anong oras na. Tutuloy pa ba kami? Kasi kung late na, uuwi nalang ako.
“Drae, nahihilo ako. Nahihirapan akong huminga.” Inaalog ko na siya.
“Hmmm . . .” tanging sagot niya.
Maya-maya pa, naramdaman kong nag-inat siya ng katawan. Napasinghap ako. Mas lalo lang siyang bumibigat!
“Drae, ano ba?” sita ko.
Maya-maya pa, narinig ko siyang tumawa. “Sorry. Eto na po, aalis na.” Pagkatapos ay umusog na siya.
Umupo na ako nang tuluyan. “Sorry, nabasa ko ang higaan mo. Nakatulog kasi ako nang basa ang buhok.”
Nangunot ang noo ni Drae. “Sumasakit ang ulo mo, ’no?” aniya at mabilisang tumayo. “May pain reliever ako rito.” May kinuha siya sa loob ng drawer, at inabot sa akin ang gamot at isang baso ng tubig.
Nilingon ko ang likoran niya. May pitcher doon. Mukhang umiinom siya ng gamot kaninang naliligo pa ako.
“Huwag mo nang intindihin iyan. Tutuyo rin iyan.” Pagtutukoy niya sa kama.
Bumaba ang tingin ni Drae sa katawan ko at pilyo akong nginitian. “Mas bagay sa’yo ang damit kong iyan, ah!”
Nakagat ko ang labi ko, at bahagyang natawa. “Promise, lalabhan ko ito nang mabuti kapag isauli ko na.”
Ininom ko na ang gamot. Pagkatapos ay ibinalik sa kanya ang baso.
Hindi parin naialis ang tingin ni Drae sa akin. “Wait . . . Pati ba underwear ko, sinusuot mo rin?”
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. “Hindi, ah! Ang kapal mo!”
Napabuhakhak ang walanghiya. Pero maya-maya, biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. “S-so . . . Inuulit mo nalang ang undies mo?”
Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Kumabog nang husto ang puso ko. “Ang dugyot mo!”
Napaawang ang kaniyang bibig. “So ang ibig mong sabihin . . . wala kang suot na underwear?”
Napasigaw ako sa hiya. Nahiga ako ulit. Binaon ko ang aking mukha sa unan. Rinig ko lang ang walang katapusang tawa ni Drae, sabay sabing . . . “Kaninong anak ito? Kawawa naman!”
Pero at least, kahit papaano ay naibsan ang hiya at awkwardness ko. May tiwala naman ako kay Drae. Mukhang nahimasmasan na siya kasi hindi na siya katulad kanina. Normal na siya. Nang-iinis na, at wala nang preno kung mang-asar.
“Hali ka na, anak. Bibilhan ka na ni Daddy ng panty. Kawawa ka naman.” Tumawa na naman ang loko.
Kung nakaka-stroke lang ang pagtitig ng masama, matagal na siguro siyang natigok.
Tumikhim ako, at pilit na iniba ang topic. “Tutuloy pa ba tayo sa amusement park?” tanong ko.
Lumawak ang ngiti niya. “Oo naman! Ano’ng gusto mo? Ipagluto kita? Or doon na lang tayo kakain. Kaso, mga instant food lang ang nandito, eh. Kaya bilisan mo nang mag-ayos. Pupunta na tayo ngayon.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Teka . . . Lasing ka pa ba? At least man lang may nakalimutan ka sa mga ginagawa mo kanina, eh.”
Ngumiti lang si Drae. “Nope. I am no longer tipsy. And yes, I remember everything,” aniya.
Nakaramdam ako ng kilabot. Buhay na buhay parin sa ala-ala ko ang ginawa niyang paghalik sa akin, sa school ground kanina. Distracted lang ako sa warning ng principal kanina at sa pagkamangha sa apartment ni Drae. Pero ngayon, bumalik na sa akin ang lahat. Hindi pa ako naka-get over doon! At hindi kailan man!
Yumuko si Drae at masuyong hinahaplos ang pisngi ko. “Sorry for kissing you without your permission. I was drunk. Pero alam kong hindi iyon sapat na rason.”
Hindi ako nakasagot. Parang nilamutak ang sikmura ko. Nag-jumble ang mga emotions sa aking dibdib. Parang nag-loading ako saglit.
“I also have to admit that I stole a single kiss from you when you were asleep.”
Nanlaki ang mga mata ko. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Sumusobra na ang mga nararamdaman ko. Hindi ko na mabilang kung napailang mura na ako sa aking isipan.
“B-bakit mo ’to ginagawa sa akin, Drae?” nanginginig na tanong ko.
Umiling lang si Drae. “Hindi ko alam, Cath. Hindi ko talaga alam. Bakit nga ba, Cath? Ano ang meron sa’yo? Bakit ko ito ginagawa?” Yumuko ulit si Drae papalapit sa mukha ko. Kaunting-kaunti na lang talaga ang pagitan ng mga mukha namin.
Muli siyang nagsalita. “Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa kanina.”
Pagkatapos, naramdaman ko na lamang ang masuyong halik ni Drae. Napigil ko ang aking hininga. Nagsiliparan ang mga paruparo sa aking tiyan. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ramdam ko ring nag-init ang gilid ng aking mga mata.
Lumayo siya bahagya. Tiningnan niya ako sa mga mata. “At hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa ngayon.”
Masuyo niya ulit akong hinagkan. Mahina akong napasinghal. Namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko man lang siya magawang ilayo, itulak, o patigilin.
“Hindi ko rin alam kung ano pa ang maaaring magawa ko sa’yo,” he murmured between our kisses.
Mas lumalim ang halik ni Drae. Pero masuyo ito, hindi katulad ng kanina sa school ground. His lips were soft but firm.
Pumuwesto ang isang kamay niya sa aking batok, habang sa pisngi ko naman ang kabila.
Mahina akong napadaing. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong tinutugunan na ang maiinit niyang mga halik.
He kisses me passionately, as if he had the right to do it. I kiss him deeper, as if he is mine. We kiss for a couple of minutes as if we were permitted to commit a crime.
Pero hanggang doon lang iyon. Tumigil si Drae. Natauhan din ako, sa wakas. Hinalikan niya ang noo ko, at niyakap ako nang mahigpit.
Walang nagsasalita. Nanatili lamang kaming tahimik, nakaganoon, hanggang sa napagpasyahan na naming kumalas na sa isa't isa.
“Tara na?”
Tumango lamang ako. Napipe ako sa mga oras na iyon. Hindi ko na alam ang tama at mali. Basta't sa mga sandaling iyon, si Drae lang ang naiisip ko. Si Drae na pinapatay ang pananaw ko sa karapatang pansarili. Siya iyong tipo ng desisyong hindi matanggihan ng karapatan ko. Dahil kahit ako mismo ay hindi na magawang umiwas sa kaniya.

Making Him StraightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon