SI MAMA iyong klase ng babae na malimit lang mag-open ng mga hinaing. Puwera na lang kung magkakasakit siya, kasi madalas ay sinisisi niya ang karamdaman sa kaka-cellphone ko. Kaya nang marinig ko siyang mag-open up, alam kong seryoso iyon at dapat na pagtuonan ng pansin.
Pero hindi kasi ganoon kadaling ma-absorb ang lahat ng mga balita. Hindi porque kasali ako sa issue, eh, maiintindihan ko na.
Bata pa lamang ako, itinatak ko na sa isipan ko na wala na akong aasahang tatay na magpapakita sa akin—sa amin. Itinatak na ni Mama sa puso't isipan ko na pinili ni Tatay ang iwan kami dahil takot ito sa responsibilidad. Maaga rin akong namulat sa ideya ng mga taong minsan ko nang nakagawiang isiping hindi normal—ang mga myembro ng LGBTQ+.
Dating magkaklase sa college ang mga magulang ko. At talagang magkasintahan sila noon. Straight naman talaga ang papa. Pero nang umuwi galing sa ibang bansa ang kababatang kaibigan nito, bigla raw nag-iba ang ihip ng hangin. Madalas na raw ang pagsasama ng dalawa. Madalis dinadala si Papa ng kaniyang utol sa mga lugar na masyadong liberated. Party doon, party dito, iba't ibang mga tao ang mga nakakasalamuha. Laging lasing si Papa noon, ika pa nga ni Mama.
Isang gabi nagtapat ang papa na may namamagitan na sa kanilang dalawa ng utol niya, at naguguluhan ito sa mga nangyayari, pagbabago sa sarili, at mga nararamdaman. Nais niyang hanapin ang kaniyang sarili kaya naisipan niyang kumalas sa kanilang relasyon. Buntis ang mama ko sa panahong iyon. Ang akala ni Mama na mapipigilan niya ang papa na umalis dahil nga buntis siya. Pero mas lalo lang daw itong natakot at gumawa ng maraming palusot upang makipaghiwalay.
Sa pananaw ko, walang kahit anong mga masasamang paglalarawang ginawa si Mama habang kinukuwento niya sa akin ang kanilang nakaraan ng ama ko. Kaya masasabi kong maaaring mabuting tao parin ang tatay ko. Pero malaki ang pagkaka-iba ng pagiging isang mabuting tao sa pagiging mabuting ama.
Ngunit habang tinitingnan ko si Mama, samo't saring emosyon ang nakikita ko. Pagkamuhi, pagkasuklam, ngunit nariyan parin ang hindi niyang maitatagong . . . pangungulila sa dating kasintahan. Oo, hindi naman kasi sila ikinasal. Paano sila ikakasal, eh, natakot nga ang papa ko nang malamang nabuntis niya ang mama.
Hindi ako nagsasalita. Nanatili akong tahimik hanggang sa matapos siyang magpaliwanag—na tila ako ang pinapadesisyon.
Bisexual daw ang utol ni Papa. Which means, he can go both ways. Which also means, hindi lang si Papa ang puwede nitong mahalin o angkinin.
While my father chose his bisexual old friend over us, he thought there relationship would go last. Akala niya, kung gaano niya ka mahal ang utol ay ganoon din siya ka mahal nito. But no and never. Maybe they've been together for years, but the feelings were not guaranteed. May babae ang utol niya, at pinagsabay sila nito sa mahabang panahon, habang ang papa ko'y walang alam, o, nagbubulag-bulagan.
Too much stress and pain, nagkasakit ang papa ko. Ang sobrang ab*so sa alak noong kabataan ay nagresulta na. Sinisingil na siya ng kaniyang katawan. At kung sino man ang nag-alaga sa kaniya ngayon ay hindi ang kaniyang utol. Nanlamig na raw ang turingan nito nang makitaan ng mga sintomas ng mga sakit ang aking ama. Iniwan na siya nito nang malamang may stage one liver cancer na ang papa ko. At sa tingin ko, hindi ko na kailangan pang magulat. Pinili niya ang landas na iyon.
“Kung hindi niya tayo iniwan kahit pa man tuluyan na niyang niyakap ang totoong kulay niya—na flag—bakla talaga siya—tatanggapin ko naman iyon, eh. Bakit kailangan niya pang maranasan ang lahat ng ’to bago niya maisipang umuwi?” Hindi na ako makapagpigil. Totoo naman, ah. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang ama ko kung dadating nga siya rito.
“Ayaw ko lang makaabala sa iba, anak. Ama mo parin siya, kahit hindi ko siya matatawag na asawa, may anak parin siya sa akin. Walang ibang sasalo sa kaniya. Pati ang pamilya niya ay itinakwil siya. Alam kong galit ka sa tatay mo, ’nak. Ako rin, galit na galit. Pero hindi ko rin kayang tiisin siya, eh. Saka iyong kumare kong naging kapitbahay niya, bago lang, ang nag-aasikaso sa kaniya. Bago lang daw siya lumipat sa maliit na apartment na iyon, dahil noong iniwan siya ng lalake niya, walang wala na siya at umaasa na lang sa mga donasyon at sa maliit niyang sari-sari store na hindi na raw na-ro-roll ang puhunan. Mag-isa na lamang ang ama mo ngayon. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko sa kaniya rito. Pareho lang din naman kaming may karamdaman. Pero mas mabuti paring dito na muna siya. Hindi ka ba umaasang mabuo ulit tayo, anak?” Mahabang latinya ni Mama.
Nangunot ang noo ko, na-iinis at nalilito. “Wala na akong inaasahan, ’ma. Masaya na ako sa iyo, at sapat kana po.”
“Pero ’nak—”
“Ayos lang po kung dito na muna siya. At puwede niya parin ulit tayong iiwan kung magaling na siya. Tutal diyan naman siya magaling, eh. Saka huwag po siyang mag-aalala. Kung takot siya sa anak at responsibilidad, puwes wala siyang dapat ikabahala dahil wala siyang responsibilidad sa akin.” Pagkasabi ko niyon ay dumiretso na ako sa taas—sa silid ko.
Bastos na kung bastos kung tatawagin dahil sa ginawa kong pag-walk out at pag-iwan sa mama ko sa ere.
Ayan kasi si Mama. Laging nadadala sa awa. Ni wala nang itinitira sa sarili. Kaya pati ako, nakakalimutan niya na minsan.
Gusto kong umiyak, pero walang lumalabas. Pagod ako sa klase dahil ang daming tasks na pinapagawa ang aming guro. Nilaanan ko pa ng oras si Shin. Tapos isang damakmak na hugasin pa. Saka ito pa ang nabalitaan ko. Bibigay na yata ang utak at katawan ko.
At hindi nga ako nagkakamali. Dahil hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako nang walang hapunan.MATAMLAY AKONG pumasok sa klase, kinabukasan. Masama parin ang loob ko kay mama. At mas lalong sumama ang loob ko sa sarili ko dahil nagmamagandang loob si Mama kanina pero hindi ko siya kinibuan. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, dumiretso ako sa paaralan. Walang almusal, at ang baon ko ay iyong perang natira lamang kahapon.
Pati si Faith ay nakakahalata, namumutla raw ako. Sa ngayon, ayaw ko munang mag-open sa iba. At alam kong maiintindihan din naman ako ni Faith. Minsan may mga pagkakataon talagang kailangan mo munang sarilihin ang isang bagay. Hindi lahat nang bagay ay puwede mo itong ikuwento sa iba. Hindi rin porque hindi mo sila kinukuwentohan, may galit ka na, o others ka na.
Ngunit, ayaw ko mang maging bias kay Faith o kay Shin, pero parang hindi ko rin kayang itago lang sa kaloob-looban ko ang bigat na nararamdaman ko ngayon. Pero si Shin ang nais kong makausap ngayon. Kailangan ko siya ngayon.
Pero kagaya ng mga panahong hindi mo puwedeng masabi sa iba ang lahat-lahat ng mga problema mo, hindi rin sa lahat ng panahon makakausap mo ang taong nais mong makausap. Busy na naman si Shin sa training. Well, hindi na iyon bago.
Tumambay ako doon sa court ng school namin although wala si Shin doon. Hindi naman kasi puro laro lang ang practice nila. Maaring na sa club faculty siya ngayon.
Walang tao rito, perfect para mag-emote. Lunch time kasi. Eh, wala naman akong baon, kaya dito na lang ako. Hindi ko na lang iniisip na since kagabi pa ako hindi kumakain, at hindi ko na lang din pinapansin ang panginginig ng mga kalamnan ko sa fatigue, not mentioning the head ache I am enduring right now.
Ngunit parang sa isang kislap mata ay panandaliang nawala ang lahat ng iniinda ko nang makarinig ako ng strumming na mula sa isang acoustic guitar. Nostalgic at parang naririnig ko na ang estilo ng pagka-strum niyon. Alam ko ang kanta, pero ang pagkagitara niyon ang siyang talagang umaakit sa pandinig ko.
At hindi nga ako nagkakamali. Ito ang narinig ko noong Grade 10 pa lamang ako. Noong nagmamadali akong pumasok sa klase noong tinangka kong mag-cutting. Iyong narinig ko sa ABM building noon. Hindi ako puwedeng magkamali.
Sinundan ko ang himig ng musika. Para akong nahihipnotismo. Kakaiba sa pakiramdam, parang minamasahe ang buong pagkatao ko. Nanindig din ang mga balahibo ko. Kahit walang vocals, parang inaangkin naman na ng strumming ang buong kanta. Sa hindi ko maitatangging dahilan, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaunti at panandaliang kasiyahan.
Palakas nang palakas ang tunog ng gitara, nagpapahiwatig na malapit na ako sa kinaroroonan ng naggigitara. Nang dumako ang tingin ko sa ibaba, sa corner kung saan may nakaharan na itinumbang basketball ring, doon ko nakita si Drae na mukhang walang alam na nandito ako.
Nang matapos ang kaniyang pagpapatugtog, nakalimutan kong nagmamasid lang pala ako at hindi ko napigilang pumalakpak.
Napaigtad siya sa gulat at mabilisang napatayo. “Catalina! K-kanina ka pa ba riyan?”
Hindi ko mapigilang mapangisi, medyo humahapdi iyong labi ko dahil doon. “Ang galing mo naman. Bakit ka nagtatago rito? Pa-humble ka rin, eh, 'no?” panunukso ko.
Napahimas naman siya sa batok at namula ang mga taenga. Bahagya ring ngumiti bago ako tiningnang muli sa mga mata.
“Pasensya ka na sa abala. Sige, una na ako,” aniya ngunit agad ko ring pinigilan.
“Hindi! Ayos lang. Actually may gagawin pa ako. Magpatuloy ka lang. Aalis na rin naman ako,” wika ko sa kaniya, at tumalikod na.
Medyo nahihilo na talaga ako. Blurry na rin ang paningin ko sa paligid. Pero kaya ko pa namang makahakbang palayo kay Drae.
Kinaya ko pa.
Pero hindi rin noong makalabas na ako sa court. Bumagsak ako sa daan. Hindi ko alam kung saan, basta labas na iyon ng court. At kung ano man ang nangyari sa akin matapos iyon, hindi ko na alam.
BINABASA MO ANG
Making Him Straight
RomanceWhile she was busy keeping her boyfriend away from the other women, who'd have guessed that a boy would win her boyfriend's heart instead of a girl? Catalina believed that she was in a perfect relationship with Shin Harold, their school's basketball...