ONE YEAR LATER . . .
Kasama ko ngayon si Faith. Nasa kalagitnaan kami ng crisis. Enrollment na para sa second semester—as first year college.
Oo. Isang taon na ang nakalipas mula noong mga araw na halos bugbog sarado ako noong senior high school. Grabe, hindi ko inakalang nalampasan ko talaga ang mga araw na iyon. At buong akala ko, ang graduation ko ang siyang katapusan ng kalbaryo ng buhay ko.
Pero noong tumuntong ako ng kolehiyo, mas nag-level up ang stress ko sa pag-aaral. Akala ko kasi, mga nakatatakot ang mga magiging kaklase ko kasi siyempre, college na, eh. ’Di ba? Kapag sinasabing college, masasabi mo talagang matured na ang mga makakasama mo. Pero iba rito sa university na pinasukan ko, eh. Bukod lamang siguro sa iyong iba'y may mga anak at trabaho na, iyong iba, ginawang highschool part two ang college. Mga malilikot at parang bata parin!
Well, hindi ko sila masisisi. Halos lahat kasi ng mga grumaduate sa Brilliant Ace High School—kung saan ako grumaduate, eh, dito na rin nag-aral sa Institute of Science—College of the Philippines, o mas kilalang ISCP.
Napairap na lamang ako. Kasing abbreviation niya kasi iyong College na ginagawang bardagulan sa internet.
Pero mas okay na rin iyon. Noong una kasi, kinabahan talaga ako. Pero nang makita ko ang mga pamilyar na mga pagmumukha ng mga ka-batch ko noong high school, naging kalmado na ako. At mas lalo akong naging confident dahil dito rin mag-aaral si Faith, ang best friend ko, na sa tingin ko ay mamamatay kapag hihiwalay sa akin. Ang ganda ko kasi.
Bilib ako sa batang ito. Makakalimutin, pero Law ang kinuha. Aba, magaling!
Ako naman, siyempre, ipagpapatuloy ko ang nasimulan kong ambisyon—ang magiging isang nurse.
Oh, ’di ba, magaling din?
Nursing, tapos Humanities ang kinuha noong senior high school, na dapat sana ay STEM. Eh, papaano? Walang pera, eh.
Hindi rito nag-aaral si Shin. Huling pagkikita namin ay noong kinuha na namin ang diploma at good moral namin. Aniya, uuwi na raw siya sa mundong pinanggalingan niya. Sa Quezon. Baliw iyon kaya hayaan na. Masaya na rin iyon sa buhay dahil umuwi na ang mama niya. Hindi na raw ito babalik sa bansang banyaga para makipagsapalaran doon. May naipon na raw ang mama niya, at balak nilang magtayo ng maliit na negosyo sa probinsya nila.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Grabe, nalampasan talaga naming lahat ang high school. At oo, high school is the best talaga.
Bumuntonghinga ako. Eh, kumusta na kaya si Drae doon sa mundo niya? Buhay pa ba ang baklang iyon? Baka tuluyan nang bumigay, eh. Ang dami pa namang mga magagandang lalaki doon. Kahit pa siguro ano pa ang gagawin ko para hindi na siya mabaliko, eh baka isang kindat lang ng mga Amerikano doon, finish na.
Napapikit ako saglit. Nakaka-miss ang pesteng iyon.
Biglang tumunog ang cellphone ko dahilan para mapadilat ako ulit.
Dinampot ko iyon mula sa bag. Nagsalubong na naman ang kilay ko. Ito pa ang isang stress sa buhay ko. Hindi na ako tinantanan ng mga foreigner sa social media accounts ko!
Wala akong balak mag-asawa ng foreigner, pero ito sila!
Ngumisi si Faith at nakikibasa sa bagong chat ng foreigner na kagabi pa nangungulit sa akin. “Bagong sugar daddy na naman iyan? Pang ilan mo na iyan, ha?”
Napairap na lamang ako. Alam na alam niya talagang kapag salubong na naman ang kilay ko kapag haharap sa cellphone, panibagong foreigner na naman ang ibig sabihin niyan.
Nagsimula ito lahat noong grumaduate ako. Una, arabo iyon. Kinabahan ako nang husto. Akala ko mag-se-send ng hindi kaaya-aya, iyon pala, gusto lang makipagkaibigan. Pero noong hindi ko na pinapatulan, isang taga-Australia na naman! Iyon, gwapo. Same lang din ang nais, makipagkaibigan.
Sinabi ko ito lahat kay Faith. At ang p*tang ina, naisipang hingan ko raw ng pera kapag may susunod pang makipagkaibigan sa akin naforeigner!
Diyos ko. Umaasa parin ako na magkakaraoon ako ng matinong love life. Hindi sa pagkakaroon ng sugar daddy!
“Practical na ngayon, Cata. Ayan, oh! Mexican na naman!” Bumuhakhak si Faith, ang walanghiya.
Nahilot ko na lamang ang sentido ko. So, wala pala rito sa Pinas ang love life ko? Nasa sugar daddies pala? Eh, bakit nag-aaksaya pa ako ng attention kay Shin noon, at kay Drae na hanggang ngayon ay crush ko parin? P*tang ina lang ng baklang iyon. Naalala ko tuloy iyong hapong sinabi ni Drae sa akin na sugar daddy raw ang magiging forever ko. Iyong araw na sinamahan niya akong mag-grocery, iyong panahong nasa ospital pa si Papa. Iyong panahong kaka-“Oo” ko pa lang sa negotiation naming paghiwalayin silang dalawa ni Shin.
Bumuntonghinga ako. Ayoko! Hindi kasi tama, eh. Pakiramdam ko, may mali parin kung papatol ako sa mga ito.
Pero ayaw ko na rin namang umasang babalik pa si Drae. Ayaw ko ring ma-miss ang opportunity. Aba malay ko, totoo ngang nasa foreigners ang true love! Pero, hindi ko type ang Mexican, eh.
Ni-block ko kaagad ang Mexican na nag-“Hi” sa akin. Alam ko nang saan papatungo ang conversation na iyon.
Akmang ibababa ko na ang cellphone ko, tumunog na naman iyon.
Panibagong foreigner na naman!
“I-stalk mo muna!” bulalas ni Faith, na nariyan parin pala sa tabi ko, nakaabang kung sino ang papansinin ko sa mga foreigners na nakapila sa akin.
Sinunod ko na lang siya. Tamad kong ni-view ang profile ng isang ito. Nangunot ang noo ko. “Ano sa tingin mo?”
Nangunot rin ang noo ni Faith. “H’wag iyan. Hindi marunong mag-filter, eh,” natatawang komento niya.
Natawa na lamang din ako. Pero napapagod na rin ako kaka-block ng mga accounts, eh. Kaya siguro ito na lang. Papatulan ko na lamang siguro ito. Mukhang matured na. May bigote, blond, blue ang mata. Pero masyadong zoom kung makapag picture ng mukha. Focus yarn?
Ni-reply-an ko iyon. Wala naman sigurong masama, ’di ba?
’Tapos, biglang nag-chat ulit iyong mga ka-chat ko dati! Wow! Magkakilala yata ang mga ’to!
Hindi ko talaga sila inuunahan, eh. Pero guilty ako kapag hindi ko re-reply-an ang mga pinapanatili ko rito. Kasi . . . Kasi . . . Nahingan ko na kasi sila ng pera dati.
Aaahhh! Kasalanan ito ni Faith! Lagi niya kasi akong tinutukso! Kaya noong talagang gipit na gipit kami, hinihingan namin. At malay ko bang napaka-generous ng mga ’to. Walang pagdadalawang-isip kung makapagbigay, eh. Dollars pa!
At kung papatulan ko itong taga-New York na ito ngayon, marahil ay pang-anim ko na itong foreigner na papatulan . . . as a friend. Siyempre, as a friend!
So, ang nandito; Australian, taga-England, taga-California, isang Arabo na mukhang wala namang putok kasi pogi, at dalawang taga-New York.
Diyos ko, wala akong masamang ginagawa, hindi ba? Manunumpa parin akong Pinoy parin ang para sa akin.
Pero kung nasa foreigner talaga ang true love . . . Why not naman, ’di ba?
Natawa na lamang ako sa mga pinag-iisip ko. Kahit papaano, bumalik na rin ang dating masiglang ako. At sa tingin ko, mas okay na ito kaysa sa magpakagapos sa nakaraan.
“Silvino? Ms. Silvino, nandito ba siya?”
Napatayo ako. Ako na pala.
Lumapit na ako roon sa opisina para magpasa ng enrollment form at requirements. Malayo-layong paglalakbay pa ito, bago ko makamit ang mga pangarap ko. Pero laban lang. Makakaya ko rin ito.
PERO . . . Hindi ko inakalang matapos ang araw na iyon, biglang nagbago ang buhay ko. Hindi ko inakalang doon magsisimula ang isang complicated na namang istorya na kakaharapin ng aking buhay. At dala-dala ko iyon hanggang sa umabot ako ng fourth year college.
BINABASA MO ANG
Making Him Straight
RomansWhile she was busy keeping her boyfriend away from the other women, who'd have guessed that a boy would win her boyfriend's heart instead of a girl? Catalina believed that she was in a perfect relationship with Shin Harold, their school's basketball...