CHAPTER THREE

83 6 0
                                    


ISANG TAON na ang lumipas nang magkaaminan kaming dalawa ni Shin at naging kami. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na matatag pa rin kami sa isa't-isa at ang relasyon namin. Parang kahapon lamang nangyari ang lahat at tila napakabilis lang ng mga pangyayari.
Sa aming pagsasama ni Shin, hindi pa kami nakaranas ng matinding pag-aaway at ipinagmamalaki ko na masaya talaga kasama si Shin. Kahit palagi itong exempted sa klase dahil sa training niya sa basketball ay hindi pa rin niya pinapabayaan ang kaniyang academic curecullar. Siyempre, nandito lamang ako palagi para suportahan siya at tulungan siya sa mga na-miss niyang mga subjects dahil sa kaniyang basketball trainings.
Maraming tagahanga, ang nakapila kay Shin. Simple lang ako kung manamit, at hindi rin ako ganoon kaganda. Siyempre, na-insecure din ako sa iba. Lalo na‘t makikita ko na naman sa locker ni Shin na may nakaipit na mga love letters, minsan may tsokolate pa sa loob ng bag niya at iba pa.
Friendly si Shin kahit kanino, kaya marami itong mga kaibigan. Ngunit isa sa pinagpapasalamat ko talaga kahit ganoon pa man ay hindi siya nawawalan ng oras at lakas para sa akin. Lagi niyang sinasabi na wala akong dapat ipag-alala kahit minsan ay hindi kami magkasama.
Ayaw ko namang ipagkait kay Shin ang kalayaan niya. Siyempre, nasa kaniya na iyon kung magtataksil siya. Ngunit kahit papaano ay sinigurado ko pa ring walang umaaligid na iba sa kaniya. Possessive lang kumbaga, pero siyempre may mga babae pa rin talaga na umaaligid sa kaniya, especially mga cheer dancers. Nangako naman si Shin sa akin na ako lang ang mahal niya, at kailangan ko siyang matutunang pagkatiwalaan.
Kahit pagod na pagod na ako sa pag-aaral, nagkaroon ako ng inspirasyon na pumasok sa klase araw-araw at magkaroon ng kompyansa sa sarili.
Sino ba naman kasi ang hindi magiging confident kung ang taga-cheer up mo ay napakasikat at hinahangad ng lahat?
Siyempre, maraming tao rin ang nambabatikos sa akin, ngunit hindi ko na sila pinapansin pa. Kung ako rin naman ang nasa situwasyon nila ay talaga namang mamamatay rin ako sa inggit. Tuwing binabatikos ako ng iilan ay hindi naman sila pinalalampas ni Shin. Lagi niya akong pinagtatanggol sa mga taong nagsasabi na hindi ko siya deserve.
Para sa akin ay napakasuwerte ko nang mapasakin si Shin. Masasabi kong nasa tamang tao na talaga ako. Bawat araw na nakakasama ko si Shin ay maslalo akong nahuhulog sa kaniya. At bawat pagkahulog ko ay ramdam ko namang lagi niya akong sinasalo.
Ngunit dumating ang mga panahong naging busy talaga kami pareho at nawalan na ng oras sa isa't-isa, lalong-lalo na siya. Iniintindi ko naman siya dahil parehas naman kaming may mga malalaking tungkulin sa paaralan.
Natapos ang buong Grade 11 journey ko na kasama si Shin at siyempre, si Faith. Minsan nagtatampo na sa akin ang kaibigan ko, pero iniintindi niya pa rin ako. Sila ang naging inspirasyon ko na hindi tamarin sa pag-aaral at mapaglingkuran nang maayos ang aming section, bilang pinuno nila.
Ngayong Grade 12 na kami ay wala pa ring nagbago. Ako pa rin ang class president, dahil ayaw palitan ng aming guro ang nakahalal na mga classroom officers, last year. It is expected that this school year will be more stressful than last year.
Shin is currently busy recruiting aspiring athletes to join their basketball team. Bilang senior, siya na ang naatasan sa recruiting ng mga new members sa kanilang basketball team. Nag-aalala na rin ako sa kaniya. Palagi siyang pagod at hindi ko man lang siya matulungan dahil pati ako ay sabog na rin.
Kasalukuyan kaming abala sa pamimili ng club na aming sasalihan for this year. Napansin kong may music club na pala. Bago lang itong dinagdag ng school, at mukhang marami ang magkakagusto rito.
Napalingon ako sa pintuan nang bumungad si Drae na humihingal pa na mukhang kakarating pa lang sa school. Napansin kong napakarami niyang dalang bag na para bang pinalayas siya sa kanila. Second week palang ng school year, pero napapadalas na ang pagiging late niya. Hindi naman siya ganito last year. Nag-aalala rin ako, kase kasali siya sa mga top students sa rankings dito sa room namin.
“Bakit ang dami mong dala? Pinapalayas ka ba sa inyo?” tanong ni Ma'am kay Drae. Natawa naman kaming lahat sa tanong ni Ma'am.
Ngumiti lang nang kaunti si Drae kay Ma'am bago umiling at magsalita.
“Balak ko po kase sanang sumali sa bagong music club. Last week, Sir Guino asked me to bring some musical instruments I was practicing with,” paliwanag niya.
“Bakit ka laging late? Malayo ba ang bahay ninyo?” anang guro.
“Hindi naman po ganoon kalayo, Ma'am. Sadyang palagi lang po talaga akong late nagigising. I'm sorry po,” mahinang tugon nito.
“Anong mga instruments iyang dala mo?” tanong ulit ni Ma'am.
“Mga gitara po,” sagot ni Drae.
Napatango naman kaming lahat hanggang sa nagsimulang maghiyawan ang mga tao sa likod, sabay sabing;
“Sample naman! Sample! Sample! Sample!”
Ngumiti naman si Drae, na siyang dahilan ng pagtili ng mga babae sa room. Pati ako na may jowa ay nadala rin sa ngiti niya. Minsan lang ngumiti si Drae. Last year, wala nga akong napansing may kaibigan siya. Tahimik lang ito sa klase, at iniiwasan siya ng iba.
“Catalina, mukhang new crush unlocked na naman tayo rito,” nakangising sabi ni Faith, habang nakikisabay sa mga kaklase kong nagkakagulo.
Tumahimik ang lahat nang kuhanin ni Drae ang isang bag at binuksan iyon. Isang electric guitar ang bumungad pagkabukas ng bag niya. Halos mapapatalon na ang mga tao sa loob pati si Ma'am ay nadala rin. Sinimulan niya nang patugtugin ang kaniyang electric guitar at nakiki-jam naman ang mga kaklase ko.
Ngayon lang namin makitang maging participative si Drae sa klase at mag-share ng kaniyang talento. Madalas ay napakatahimik niya lang at magsasalita lamang kung may itatanong. Ang tanging ikinaangat niya lamang sa klase noon ay ang kaniyang katalinuhan. Ngunit wala pa ring nag-de-dare na makipag-close sa kaniya noon, dahil nga na we-weirdo-han sa kaniya.
Attached na attached na kami sa pakikipag-jam kay Drae, nang bigla siyang nawala sa focus na tila na-di-distract, dahilan nang mawala sa timing ang kaniyang strumming sa paggigitara. Marami naman ang nadismaya, lalong-lalo na iyung mga kina-career talaga ang pagkanta. Ngunit natigilan din ang mga pagrereklamo, nang mapagtantong may kumakatok sa door ng room namin.
Napalingon naman kami sa pintuan nang dumating si Shin na kasalukuyang pawis na pawis at naka-jersey habang nakahawak ng bola.
Natigilan naman si Drae sa pagigitara at napalingon kay Shin. Ganoon din si Shin na napatitig kay Drae, mukhang namangha sa talento nito.
Binigyan naman ng mga kaklase ko ng kakaibang meaning ang titigan nilang dalawa, dahilan ng pagkakagulo sa room, at sinimulan silang i-ship sa isa't-isa. Napangiwi na lamang ako at natawa.
Nang makita kong natatawa rin silang dalawa ni Drae at Shin ay hindi ko mapigilang mapangiti at masabayan ang mga kaklase kong i-ship din silang dalawa. Hindi naman ito nagtagal, dahil pinapahinto na kami ng aming guro, saka bumalik na sa pagkaklase.
Nang matapos na ang klase ay dali-dali ko na lamang na sinagutan iyung club na nais naming salihan. Napagdesisyunan kong sumali na lamang sa arts club, kagaya ng aking nakakasanayan. Doon naman talaga ako nag-i-improve, at tanging pagguhit lang ang bagay na marunong ako  Naunang umuwi si Faith dahil tinawagan siya ng kaniyang ina at mukhang may problema raw sa kanilang bahay. Agad naman akong sumang-ayon at pinaaalahanan siyang mag-iingat.
Bahagya kong nilingon si Shin, ngunit mukhang abala ito sa pakikipag-usap sa mga teammates niya at kay Drae. Mukhang pinapapakilala niya si Drae sa mga kaibigan niya.
Tumayo na ako at akmang lalapitan na sana si Shin. Nais ko sana siyang makasabay pauwi, dahil wala akong kasama. Ngunit tila nakalimutan niya ata ako at dumiretso na itong lumabas kasama ang mga teammates niya, at si Drae.
Naiwan akong nag-iisa sa room na tila hindi maiintindihan ang nararamdaman.
Lumabas na ako ng room at naglakad nang mag-isa sa daan. Nakayuko lang ako habang nag-iisip. Mukhang naaaliw lang ‘ata si Shin kasama ang mga kaibigan niya. Balita ko ay sunod-sunod ang pagkakapanalo niya. Balak ko pa sana siyang i-congratulate, pero mukhang mas kailangan niya muna ng time kasama ang mga teammates niya.
I was mesmerized by my thoughts when I bumped into someone’s chest. Nagulat ako nang hawakan ako ng isang lalake sa braso.
“I am sorry. Are you okay?” nag-aalalang tanong nito.
Napatingin naman ako sa kaniya at sandaling napatitig sa maamo niyang mukha. Naka-uniform ito, ngunit hindi kagaya ng uniform namin. Tumango ako bilang sagot.
Huminga naman ito ng malalim bago ngumiti sa akin, at magpakilala.
“I am Carl Dizon. Nice to see you again, Catalina,” anito. Gano’n na lang ang pagkagulat ko nang makilala niya ako.
“Paano mo ako nakikilala?” naguguluhang tanong ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya sa akin, bago magsalita upang ipagpatuloy ang kaniyang pagpapakilala. “I am a former ABM strand student. Classmates kami ni Drae dati, kaso nag-drop out siya noon dahilan ng dalawang beses siyang mag-Grade 11. Me and Shin we're also close friends. Palagi ka nga niyang binabanggit sa akin,” he said, chuckling.

Making Him StraightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon