DRAE HAVEN GARCIA
Today is Friday, the last Friday of July and probably my last Friday of studying at our school.
Masakit mang isipin, me either can't believe how fast time goes by.
Kanina, nagising ako sa ingay ng aking cellphone. Sunod-sunod ang pagtunog nito. Iyon pala, mga messages galing sa group chat ng music club members. They were all mentioning me, begging me to go to school.
Our school is going to celebrate Nutrition Month, despite the fact that it's already too late. Hindi kasi ako pumasok, kinabukasan matapos ang usapan namin ni Catalinana last Wednesday night. Bukod sa hindi ko kayang pumasok dahil wala akong mukhang maiharap sa kaniya at sa lahat ng mga tao, nagkaroon din ng urgent meeting sa local branch ng aming kompanya, at kailangan kong dumalo dahil tungkol iyon sa nalalapit pa pag-turn over ng parents ko, sa kompanya. Ten months from now, I’ll be twenty years old. That will be the time I will officially handle our local branch.
Simula noong nakaraang gabing pinaalam ko sa aking parents na sasama na ako sa kanila sa America upang doon na lamang magpatuloy sa pag-aaral, sobra silang na-overwhelmed. Minamadali nila ang arrangements, at nag-fast forward ang lahat-lahat. Na kulang na lang ay hindi na nila ako patatapusin ng kolehiyo, para maangkin ko na kaagad ang local branch na ngayon ay hawak pa nila. Kung makapagdiwang sila ay parang nagkulang sila ng mga tauhan para ma-operate ang negosyo.
At hindi lang iyon. Nagulat na lamang ako nang sinabing kukunin na nila ako next Monday. Kaya ngayon, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Ang school activity ba, ang pakikipag-usap sa adviser namin tungkol sa urgent transferring ko, o ang harapin si Catalina. Ni wala man lang akong time para makapag-isip at makapag-react.
Pero alam kong hindi talaga iyon ang rason ng pagmamadali ng mga magulang ko. Kunwari, dahil natuwa lang sila nang husto. Pero ang totoo, marahil ay takot lang silang magbago ulit ang isip ko. Their happiness is obviously because of my decision to obey them rather than insist on my relationship with Shin.
At kahit for some reasons ay hindi na ako ganoon ka affected, I still tried to talk to my parents yesterday. For the first time in my nineteen years of existence, nakahingi ako ng favor galing kay Mom and Dad na hindi para sa akin, kung hindi ay para sa isang kaibigan. Sa unang pagkakataon ay may ipinakilala akong kaibigan sa kanila. They were the ones who introduced Yvonne to me before, my first girl crush. Pero iyong tipong ako talaga ang may ipinapakilalang kaibigan, si Catalina ang unang taong pormal kong naipakilala sa mga magulang ko.
I promised her to pay for all her efforts for me. Wala na akong mukhang maiharap sa kaniya. But still, I wanted to try it. I know, hindi lang sapat ang salitang “sorry”. I took her for granted and decided to leave her sooner.
So I talked to my parents. I requested that they find a great physician for Tatay Eman’s lung cancer. At wala pang twenty four hours, nag-mail na sina Mom and Dad na may nakita na raw silang doctor. Well, of course, there is no need to literally find a doctor. They were everywhere in hospitals.
Kaya ngayong araw, napagdesisyonan ko nang pumasok. Kailangan ako ng band mates ko, at kailangan ko ring makausap si Cath. Because right now, I badly want to see her. I want to tell her how sorry I am, that I don’t want to ruin what we have, and that I badly want to stay despite deciding to go. And . . . And . . . Gusto ko ring magpaalam nang maayos. Kasi baka ngayong araw ko na lang siyang huling makikita. Also, I wanted to tell her how she made me f*cking worried when I found out she was having a fever again, but yesterday she was not at home. Nalaman ko ito galing kay Faith Guevara. Hindi ko siya pwedeng hindi makausap ngayon.
Huminga ako nang malalim bago tuluyan nang lumabas mula sa aking apartment. I tried to calm down.
As usual, maaga akong lumiwas papuntang school. Kinakabahan ako, hindi mapakali. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam. Nasanay akong walang paki sa mangyayari sa akin, eh. I don’t usually give a d*mn about everything.
IT WAS 7:15 A.M. when I arrived at the school. Marami nang mga tao. Mostly mga officers ng bawat year level. May activity nga palang magaganap ngayong araw.
Kaya dumiretso na ako sa music club para i-check ang mga gamit. Mukhang kahapon pa yata nila ni-tune ang mga guitar dahil ready na ang mga ito. Maayos na rin ang mga microphone, at ready na ang mga speakers.
Nang makalabas na ako mula sa music room, dumiretso na ako sa classroom. Kaunti pa lang ang mga nandoon. Tahimik lang sila. Ang iba naman ay focus lang sa ginagawa, lalo na ang mga artist na seryosong-seryoso sa ginagawang posters at slogan.
Pupwesto na sana ako nang marinig ko ang mga classmates ko na binati ang mukhang kararating lang na si Catalina.
“Pres, ano sa tingin mo itong poster ko? May pag-asa pa ba itong mananalo?”
Pinakinggan ko lang sila. Nakatalikod ako, dahan-dahang ibinaba ang aking bag. Pakunwaring hindi ako nag-e-exist.
Nanlamig ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko pa pala siya kayang harapin ngayon.
“A-Ayos lang iyan. Ano ka ba? Kung hindi iyan uubra, i-display natin iyan dito sa classroom. Para may ipagmamalaki tayo rito. Bongga, ’di ba?” sagot ni Cath.
Palihim akong napangiti.
“Hoy, Pres . . .” Bigla silang tumahimik. At alam kong nasa akin nakatingin ang lahat.
Kaya nagkunwari akong busy sa pag-arrange ng aking bag. “Sh*t.”
“Pres, may lagnat ka pa ba? Ang init mo ngayon, ah? Okay ka lang, Pres?”
Nahigit ko ang aking hininga. Agad akong napalingon kay Cath. Automatic ring nagtama ang aming mga mata. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang gusto ko na lang na dukutin siya at dalhin sa malayo.
Maya-maya pa, narinig ko ang mga mapanuksong bulong-bulongan ng mga classmates ko. Kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Umupo na ako sa aking upuan. Nilabas ko ang aking planner notebook. Ni-review ko iyon. Actually, namemorya ko na ang sequence ng activity ngayong araw. Since last week pa naming pinaghandaan ito. Parang intramurals lang naman ang magaganap. Pero nag-volunteer kasi ang isa sa mga kasamahan namin na kakanta siya sa stage mamaya. Kaya need naming umiksena sa stage. Ako ang sa acoustic guitar, habang ang iba naman sa designated instruments nila.
Pakunwari lamang akong nag-re-review. Pero ang tainga ko ay nakabukas at sa puwesto lamang nila Cath nakatuon. Pero maya-maya, tahimik na sila. Wala nang nagsasalita.
Pasimple ko silang tiningnan. Doon ko napagtantohang wala na si Cath sa room.
Awtomatiko akong napatayo. Lumabas ako sa classroom para hanapin siya. Muntik pa akong mabunggo sa kung sino, dahil marami na palang mga estudyanteng nagkukumpulan sa labas. Naka-makeup pa, at ang karamihan naman ay naka-costume ng gulay at prutas. Medyo nagmukha pang tanga ang ilan.
“Excuse me, padaan lang,” paulit-ulit kong sabi habang nakikiraan sa makipot na daan patungo sa quadrangle kung saan magaganap ang activity.
Ano ba kasi ang meron? Mamayang alas-nuwebe pa naman ang activity. Masyadong excited ang mga ’to.
Umakyat ako papuntang computer lab. Mas kita ko mula rito kung ano ang sitwasyon sa quadrangle.
Niliraw ko ang aking paningin sa paligid, umaasang makikita si Cath. Ilang sandali pa bago ko siya nakita, sa wakas.
Hindi kalayuan mula rito, bandang school kitchen kung saan naroon ang mga cookery students na naghahanda para sa feeding mamaya, naroon siya. Nakikipag-usap sa mga estudyante.
Mabilisan akong bumalik papuntang quadrangle. ’Tapos, malalaki ang mga hakbang ko papuntang school kitchen. Parang may kakaiba akong nararamdaman habang palapit ako nang palapit sa kaniya. Nakaramdam ako ng kakaibang tension sa pagitan ni Cath at ng mga cookery students. Medyo dumoble narin ang mga kausap ni Catalina. Hindi maganda ang awra ng mga ito, at mukhang hindi rin maganda ang pinag-uusapan nila.
Mas lalo ko pang binilisan ang aking mga hakbang. Kumakabog ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay ano mang oras ngayon ay mapapahamak siya—at hindi nga ako nagkamali!
“No!” sigaw ko nang makitang bigla na lamang tumayo ang babae, at batohin ng itlog si Catalina.
Sh*t!
Tinakbo ko sila. Wala man lang sumita sa mga p*tang ina.
“Hoy!” bungad ko nang makalapit na ako sa kanila.
Nahagip pa ng paningin ko kung paano nagulat si Catalina sa biglaang pagsulpot ko. Pero hindi na iyon ang mahalaga.
“Wow! Ang nice timing naman ng knight and shining armor mo, Catalina. Scripted na naman ito, ’no? Ang galing niyo talaga! Mga clown. Mga clout chaser! Pabibo rin kayo rito sa school natin, ano? Nakakahiya kayo, mga ’te,” mahabang latinya ng bruhang nasa harapan ko. Siya ang naghagis ng itlog sa ulo ni Catalina.
Nakasentro lang ang tingin ko kay Catalina na humihikbi sa gilid ko. Basang-basa ang buhok niya. Amoy rin dito ang lansa ng amoy ng itlog na nabiyak sa ulo niya. F*ck, we need to get out of here!
“Oh, baka iisipin mong Drae-Shin shipper kami, Drae Garcia? Eww! Nakakadiri kayo. Bakit? Sabihin mo nga, Drae. Totoo ba talagang may gender identity confusion ka? Oh, baka ginagamit mo lang si Shin para sumikat. Hindi ba't pa mystery effect ka lang noon pa man? Ni hindi ka nga kilala ng iba, eh. ’Tapos, bigla na lang . . . Boom! Break na sila Catalina at Shin. ’Tapos, kayo na ni Shin. Then, ngayon naman . . . May something na sa inyong dalawa ni Catalina. Wow! Just wow! Grabe kayo, huh? Kaunting panahon na lang nga lang ang natitira sa inyo rito sa school na ito, kase ga-graduate na kayo, ngayon niyo pang maisipang gumawa ng mga pakulo!” Sarkastikong tumawa ang babaeng kanina pa kumukuda.
Pinipigilan ko lang ang sarili kong patulan siya. Pero deep inside, kaunti na lang ay puputok na ang ugat sa leeg ko sa sobrang inis at galit.
“Subukan niyo rin kayang gumawa ng x-rated videos. Tutal may pa-French kiss na kayo rito sa school ground, eh. Hindi ba't gusto niyo iyon? Iyong ipahiya ang school, pero at least sikat?” aniya.
Agad na nagtawanan ang mga estudyanteng nakisawsaw sa kaguluhan. Ang iba ay nagpupumalakpak pa sa aliw.
Akmang susugurin ko na sana iyong babae nang biglang tumalikod si Catalina, at tumakbo palayo.
Nataranta ako, kaya mabilisan ko siyang sinundan.
“Cath!” pagtawag ko sa kaniya.
Rinig ko pa ang mga walanghiya na hindi parin tumitigil sa panghuhusga.
“Ganiyan nga, Cata! Kunwari, mag-walk out ka. Pagkatapos, susundan ka ni Drae. Pagkatapos, pumasok kayo sa CR. Then siyempre, alam niyo na.” Nagtawanan na naman sila roon.
Kumukulo na ang dugo ko sa sobrang galit. Kung ako lang, siguro kanina ko pa pinagsasabunutan ang mga nandoon.
“Cath, sandali!” pagtawag ko ulit.
Pero, hindi iyon ang mahalaga. Mamatay na sila sa panghuhusga. Wala akong paki roon.
“Drae, tama na! Umalis ka dito! Please!” sigaw ni Catalina nang ma-realize niya sigurong kayang-kaya ko lang siyang maabutan. “Utang na loob, huwag mo akong sundan!”
“Utang na loob din, Cath, mag-usap tayo! You're sick! And now you're covered with egg yolks!” pamimilit ko.
“Wala akong paki, Drae! Umalis ka na! Huwag ka nang lalapit sa akin. Please! Please, Drae!” pagsusumamo ni Catalina sa akin
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi niya ako nilingon, ni wala siyang balak na harapin ako. Diretso lang ang lakad niya papuntang public comfort room.
Parang nilamutak ang puso ko. Hindi ko alam kung saan ako haharap. Kung saan ako uupo, o gugulong na lang.
Pero hindi ako nagpadala. Sinundan ko ulit si Cath. Hindi pwedeng hindi ko siya makausap ngayon. Dahil wala nang ibang time para makausap ko siya.
Mabilisan kong sinundan si Catalina, hindi pa siya tuluyang makalayo. Kaya agad ko rin siyang naabutan.
“Cath! Please! Makinig ka naman sa akin—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla akong nakatanggap ng malutong na sampal sa kaliwang pisngi ko.
“Makinig? Anong sasabihin mo? Sige nga!”
Nagulat ako sa inaasta ni Catalina. Her eyes were filled with so many emotions, particularly anger.
Awtomatikong nangingilid ang mga luha ko. It took everything in me just to restrain myself from tearing up. But I failed. I hate seeing her like this. Especially because of me. And it made me speechless. Hindi na naman ako makapagsalita.
“Ano nga? Diba may sasabihin ka? Eto na, oh! Makikinig na!” sigaw ni Catalina.
Pagkatapos, bigla na lamang siyang naiyak. Umupo siya sa harap ko. Halos luluhod na siya sa ground, humahagulhol, pinagsasabunutan ang sarili.
Awtomatiko ko napaluhod upang mapantayan siya. Wala akong paki kung madumihan na ang uniform ko. Pilit ko siyang pinatahan. Kahit ako mismo ay durog na rin.
“Cath, please hear me out,” halos pabulong na sabi ko.
Nanatili lamang siyang nakayuko habang panay ang punas sa kaniyang mukha, gamit ang kaniyang panyo.
Hindi siya nagsasalita, kaya napagpasyahan kong magsasalita na sana. Kaya lang, hindi ko inasahang bigla niya akong yakapin.
Nagulat ako nang husto, to the point na muntik na akong ma-out balance.
“Aalis ka ba talaga, Drae?” biglaang sabi niya.
Nahigit ko ang aking hininga. Wala akong masabi. Dahil tama. Tamang aalis ako.
“Cath . . .” tanging nasabi ko.
Mas lalong humigpit ang yakap niya. “Drae, mahal na kita, eh,” aniya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. Nanuyo ang aking lalamunan. Animo'y sasabog ang puso ko sa pagkakataong ito.
“Mahal din naman kita, Cath. Pero hindi sa ganitong paraan kita gustong mahalin.” Nais ko sanang sabihin.
Kaya lang, hindi ko magawang masagot si Cath. Samo't saring emosyon ang lumunod sa puso ko. Pero takot at panghihinayang ang nangungunang bumalot sa aking sistema. Dahil kahit ano pa man ang mangyayari, kahit ano pa man ang sasabihin ko, aalis at aalis parin ako.____
A/N: Maraming salamat po sa paghihintay! Sorry talaga kung natagalan. Don't forget to vote and follow. Maraming salamat po sa pagbabasa. Road to 700 reads na tayo, yay!!!
BINABASA MO ANG
Making Him Straight
RomantikWhile she was busy keeping her boyfriend away from the other women, who'd have guessed that a boy would win her boyfriend's heart instead of a girl? Catalina believed that she was in a perfect relationship with Shin Harold, their school's basketball...