DRAE HAVEN GARCIA
Three? Four? Five years? Ilang taon ko na bang hindi nakikita sa personal, ang pagmumukha ni Catalina? Pero hindi na iyon ang mahalaga. I couldn't believe it either. Wala parin siyang pinagbago, ang tanga-tanga niya parin. Pero mas lalo siyang gumaganda ngayon. And her overload of cuteness never failed to make me feel small.
“Hi, Cath,” halos pabulong na bati ko sa kaniya.
Her reactions are priceless. Gusto ko siyang pagtawanan nang husto. As in, kanina ko pang gustong magkandarapang pagtawanan siya. Kanina pa siya balisang-balisa, eh. Kaya lang hindi ko magawa. Mas nanaig sa akin ang pakiramdam ng lubos na pangungulila. Na para bang isa akong batang iniwan ng ina sa mahabang panahon. And guess what? I just miss her so much that I want to ruin her life again.
Oops! That's red.
Hinarap ko ulit sa kaniya ang cellphone ko nang mapansing hindi niya iyon nilipatan ng tingin, at sa halip ay nakatutok lang siya sa mukha ko.
It's my personal dummy social media account. Pero ang kaibahan lamang ay hindi ako gumagamit ng litrato ng ibang tao. I just made myself look different in everything in this account, even in my profile picture. Akala ko makikilala niya ako. But she never recognized it. Sadyang gumamit nga lang ako ng fictional name.
Sinadya ko iyon dahil sa maraming rason. Una, hindi pa ako handa na makausap si Cath. Kung magkausap kami ulit bilang ako at siya, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at uuwi na kaagad dito sa Pilipinas, which is hindi pa pwede noon. Pangalawa, gusto ko siyang sorpresahin. At pangatlo, gusto ko lang mag-spy sa kaniya.
Well, she doesn't even have a clue na sariling pakana ko lang din iyong mga foreigners na nakikipagkaibigan sa kaniya. I asked the sons of my father's business partners to chat with her and befriend her. To give her anything she'll ask, and I'll just pay them back if ever it costs money or things. I asked them to get updates from her. But flirting with her means their death.
And that was so much fun. Hindi niya lang talaga ako na buking. It made me really happy when she became open to me, even though she only saw me as a friend. Kahit bilang si Damon lamang. At nang tinanong ko ang mga kasabwat kong mga dayuhan, hindi raw ganoon ka open sa kanila si Catalina.
Kikiligin na sana ako, eh. Kaya lang, nagsimula akong mangamba. What if nahuhulog na ang damdamin niya dito kay Damon Watson? Eh, kahit ako ito, hindi parin puwede. Dapat kay Drae lang. Dapat sa totoong ako lang. Kung hindi, tuluyan na talaga akong maging isang manipulative sad boy nito. Kaya noong naging maayos na ang lahat doon sa America at pwede na akong umuwi dito sa Pilipinas, hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. At sa katunayan nga, mag-iisang buwan na akong nandito sa Pilipinas. Pero iyon ay naging abala ako sa local branch ng aming business na ngayo'y officially handled ko na.
Ayaw ko kasing pagbalik ko kay Catalina, mauudlot na naman. Kasi may sabit ulit sa trabaho. Kaya hinanda at nilinis ko muna ang lahat bago ko siya hinarap.
Ngayon, saktong graduation niya na. Timing din sa maganda kong pakulo para sa kaniya.
Napangiwi ako nang mapansing hanggang ngayon, hindi parin siya tapos sa pagka-shock. Nakatitig parin siya sa akin na para bang hindi talaga siya makapaniwala. Makatingin siya sa akin ay para bang patay na ako at biglang nabuhay muli. Parang sinuri niya talaga ang buong pagkatao ko.
Or maybe na-starstruck lang siya dahil mas lalo akong pumogi ngayon.
Nilapitan ko si Cath. Hindi ko naman kasi siya masisisi. Matapos ng ka-immature-ran na ginawa ko. Iwan ko ba naman siya nang walang matinong paalam. Ang akala ko nga ay sasampalin niya ulit ako, eh—
“Walanghiya ka!” bulalas niya, kasabay ng malakas na sampal niya sa pisngi ko.
Sabi ko na nga ba.
“Wala akong pera, Drae! Akala ko talaga . . . Akala ko talaga nanganganib na ang buhay ng pamilya ko!”
Tuluyan na akong bumigay. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang tawa ko. Wala na akong paki kung bubogbogin niya pa ako, o ano. Alam kong pinagtsismisan na kami ng mga tao rito dahil sa ingay ko. Pero okay lang. Gwapo naman ako ’pag tumatawa nang malakas.
“B-bw*sit ka parin talaga, Drae.”
Natigilan ako nang marinig ang nanginginig na boses ni Catalina. Nagsisimula na pala siya umiyak.
I frowned automatically. She's still the Catalina I fell in love with. She's trying to be tough, but deep inside, she's fragile.
Ngumiti ako at walang pagaalinlangang niyakap siya. Mahigpit na mahigpit. As in sobrang higpit. Iyong tipong malalagutan na siya ng hininga—joke.
“Na-miss kita, Cath,” bulong ko sa kaniya.
Nanatili siyang tahimik. Akala ko umiiyak parin siya pero bigla na lang sumakit ang tagiliran ko.
“Aray! Bakit mo ’ko kinukurot?”
Siya na naman ang tumatawa, sabay pahid ng sipon niya sa likod na bahagi ng kaniyang kamay. Ang dugyot parin talaga ng babaeng ito.
“Chansing ka sa katawan ko, eh. Porque hindi na ako kasing payat noon? Porque favorite mo ang amoy ko? Oy, umamin ka na!” sabi ko sa kaniya.
Masama niya naman akong tiningnan. “Hindi parin niyan nababago ang katotohanang bakla ka.”
Napasinghap ako. “Namemersonal ka na, ah! Gusto mo bang iuwi kita sa bahay para ma-prove mo kung bakla ba talaga ako? Baka tama ka, eh. Baka lang naman.”
Ngumiwi siya. Pagkatapos, seryoso niya akong tiningnan. “Totoo ka ba talaga, Drae? Nanaginip pa ba ako?”
Ngumiti ako at bahagyang kinurot ang pisngi niya. “I'm home,” mahinang sagot ko.
Matamis siyang ngumiti. “Drae, graduate na ako ngayon. Isa na akong nurse,” aniya.
Yes, I am so proud of her.
Natigilan ako sandali. Pagkatapos, inabot ko ang kamay niya at nilagay sa dibdib ko. “I-check mo nga kung may sakit ba ako. Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko tuwing nakikita kita,” pabirong sabi ko.
Walang pagaalinlangan niyang hinampas ang dibdib ko kaya napadaing ako. “Chansing ka talaga! Proud lang naman ako!”
“Tumahimik ka!”
Natawa na lamang kami sa isa't isa. Hindi ko na mabilang ang mga araw, buwan, at panahon kung gaano katagal na mula noong huli namin itong ginawa. Ang magkulitan.
“Pero seryoso ka ba?” Natigilan siya nang maging seryoso ako.
Bahagya kong nilapit ang mukha ko sa kaniya. “Wala ka ba talagang feelings sa mga foreigners na nakausap mo?”
Namilog ang mga mata niya. “Pakana mo lahat iyon? Drae, nababaliw kana!”
Bumuntonghinga ako. I think her reaction is enough of an answer already. Buti na lang.
“Wala akong gusto sa mga sugar daddies na iyon! Lalong-lalo na diyan sa Damon Watson na iyan! Walanghiya ka! Ikaw lang pala iyon? Ibig sabihin, matagal na tayong nag-uusap. Kaya pala medyo pamilyar ang mukha. Kaso may bigote at blonde ang buhok. Ikaw iyon? Photoshopped ba? Jejemon din kung makakuha ng litrato, eh,” mahabang latinya at bumabahang mga katanungan niya.
Napairap na lamang ako sa huli niyang sinabi. “Ako iyon! Kababalik ko lang sa black na buhok. Ayos lang kasi doon magpa-hair dye kahit nag-aaral. Then contact lenses. Then nagkabigote ako kasi hindi mo na ako inaalagaan, ganoon iyon,” malungkot na saad ko.
Natawa naman siya. “Mukha kang may anak na doon.”
Ngumisi ako. “Wala pa tayong anak, eh.”
“G*go. Tara na nga! Hinihintay na tayo nina Mama!”
Namilog ang mga mata ko. Oo nga! Miss ko na rin si Mama Elise! Pero may dumaang kirot din nang maalala ko ang nangyari kay Tatay Eman. Nang nalaman ko iyon, halos gaposin ko na ang sarili ko, mapigilan lang na umuwi rito dahil hindi pa talaga puwede noon.
Mabilisan kong kinuha ang kamay ni Cath at takbo-lakad na kami palabas ng gate.
Sandali ko siyang nilingon. “Wala ka bang comment sa physical appearance ko? Grabe, walang appreciation.”
Ngumisi naman siya at pabiro akong sinuntok. “Ang manly mo today, in all fairness. Halatang stressed out, pero sa gym nag-e-emote.”
Natawa ako sa sinabi niya. “Minsan lang ako nag-gy-gym. Natural ’to. Saka alagang gulay ito para marami akong nutrients pag-uwi sayo.” Napabuhakhak ako sa sinabi ko.
“Ang laswa mo na, Drae. Iyan ba ang mga natutuhan mo doon? Nawala na ba ang pagiging introvert mo?”
Napangiwi naman ako. “Wala akong masamang sinabi, ah.”
Nilingon ko si Cath. “Ang ganda mo rin ngayon. Kaso hindi bagay ang shade ng lipstick mo. Masyadong red. Mamaya babawasan ko ang kulay niyan, gamit ang labi ko,” nakalolokong wika ko.
“Isa na lang, uupakan na kita.” Humigpit ang pagkakahawak ni Catalina sa kamay ko.
Pikon talaga.
Nang makalabas na kami, naabutan namin si Mama Elise at si Faith. Napangiti ako nang malapad. I missed them so much! So as their faces.
May kausap silang isang babae at lalaking may binubuhat na bata. Nangingkit ang mga mata ko at pilit na kinililala ang lalaking iyon. Pero agad rin akong napanganga nang matutuhang si Shin iyon at ang pamilya niya. Si Shin, at ang asawa't anak niya.____
A/N: Wait, what?! Shin?Hahahaha!
Kumusta! I hope nagustuhan ninyo ang chapter na ito. Medyo pagod pero happy 1.16K reads na sa atin!
Don't forget to vote, hihi.🌼
BINABASA MO ANG
Making Him Straight
RomanceWhile she was busy keeping her boyfriend away from the other women, who'd have guessed that a boy would win her boyfriend's heart instead of a girl? Catalina believed that she was in a perfect relationship with Shin Harold, their school's basketball...