NAPAGTANTOHAN KONG na sa clinic na ako nang ako ay magising sa lakas ng paghilik ng taong na sa tabi ko.
Teka . . . Sa tabi ko?
Balikwas akong napabangon nang makapa ko ang ulo ng taong natutulog, nakasandal ang ulo sa aking higaan, at parang sarap na sarap ang pagtulog dahil napaawang pa nang kaunti ang bibig nito. Naka-sideview ito at nakaharap sa akin, flexing his perfect pointed nose.
Nagtataka akong napatitig sa mahimbing na natutulog na walang iba kung hindi ay si Drae Haven Garcia lang naman. Kunot-noo ko siyang nilapitan. Hindi ko alam kung anong klaseng espirito ang sumanib sa utak ko nang maisipan kong pitikin ang noo niya.
Malimit akong napangiti nang una kong pinagpipindot ang ilong niyang in all fairness, nakakainggit.
“I don't like it when someone keeps poking my nose like that.”
Napaigtad ako nang marinig ko siyang walang buhay na nagsasalita, nakapikit parin ang mga mata.
Nakita ko siyang pasimpleng pinahiran ang gilid ng kaniyang mamula-mulang mga labi, saka nag-unat ng katawan.
Napayuko ako nang maisip na wala man lang Shin na lumitaw sa paningin ko rito.
“Si Shin,” panimula ko. “ . . . Nakita mo ba?”
Narinig ko siyang napabuntonghinga bago niya ako sinagot. “Siya ang nagdala sa ’yo rito. Actually, it's both of us who sent you here. Bilin niya sa akin na bantayan ka.”
Bahagya akong natawa. “Hindi mo naman ako binabantayan, eh.”
“I am sorry. I've been restless these past few days. Kaya nakatulog ako. So, how's your sleep? And why did you collapse?” sunod-sunod na kaniyang panayam.
Englishero masyado ang Drae na ’to. Pero masyado siyang maraming binabanggit. Paiba-iba ang punto ng sinasabi. Kaya kunot-noo ko siyang tiningnan.
“Pero anong ibig mong sabihing siya ang naghatid sa akin dito? Kanina ko pa nga siya hinahanap. Pero hindi ko siya mahanap sa buong campus. At wala na sa ’yo kung nag-collapse ako kanina, okay? Nalipasan lang ng gutom. Iyon lang.” Hindi ko maiwasang hindi mainis.
Minsan gusto ko na rin talagang magalit kay Shin, eh. Pero pilit ko lang siyang iniintindi. Kasi nga, busy siya sa kaniyang passion sa paglalaro. Alam ko naman iyon. At bumabawi naman siya kapag may time siya. Pero ngayon, parang nakakasawa na rin itong tila hide and seek naming sitwasyon. Lagi na lang ganito.
“Kanina ka pa rin daw niya hinahanap. Kung walang nagkukumpulang mga estudyante sa labas ng court, hindi ka niya matatagpuan. Tumulong na lang din ako nang makita ko kayo,” medyo nalulumbay niyang sabi. “And I felt sorry seeing you collapse, too. I think I must take the blame. Mukhang ganoon na lang kasi ang impact sa ’yo ng paggigitara ko kanina.” Pag-iiba niya sa topic at maloko akong nginisihan.
Pinandilatan ko siya ng tingin. “Akala ko ba napaka-humble mong nilalang. May tinatago ka rin palang kayabangan, eh, ’no? So, nasaan na nga si Shin?” pag-uulit ko ng tanong.
Bahagyang nag-iba ang facial expressions niya. Bahagya siyang napayuko at napailing. “I don't think I have any idea where Shin is right now. Pero sabi niya ay babalik daw siya rito mamaya. He'll fetch you and take you home after classes. Iyon lang ang sinabi niya sa akin bago niya tayo iniwan dito.”
Tinangoan ko na lamang siya saka napatingin sa kawalan, pinapakiramdaman ang sarili kung okay na ba ang pakiramdam ko.
“Okay ka na ba? I think I should take my leave right now. M-may aasikasohin pa ako sa music club,” aniya.
Napatingin naman ako sa kaniya. Pinagpawisan at medyo hindi mapakali. Mukhang may iniinda.
Did I say something wrong to him?
Then a realization hits me.
“Look, I am sorry for saying that you are mayabang. I didn't mean it. Magaling ka naman talagang maggitara—”
“No, it's fine. And thanks for admitting that I am good at it. But I really need to go. I am sorry. Here, eat something. S-Shin left this for you,” huling wika niya bago patakbong umalis, iniwan ang isang supot ng sinasabi niyang pagkaing ibinilin ni Shin para sa akin.
Nangunot ang noo ko sa biglaang pag-iba ng inaasta niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pareho kaming nabigla nang bumangga siya sa kararating lang at mukhang nagmamadali pang si Shin.
Sandali silang nagkatinginan at agad ring nagkaiwasan. Dumiretso sa labas si Drae at agad namang naglakad papunta sa direksyon ko, si Shin.
“Tinawagan ko ang mama mo kanina. Sabi niya, simula kagabi ka pa raw hindi kumakain. Anong nangyari sa ’yo, Catalina? Anong pauso na naman ito?” sermon niya sa akin.
Ang kaninang kagustuhan kong makita at makausap siya ay nawala na. Parang mas lalo akong nawalan ng ganang kumain. Ayaw ko na rin muna siyang makausap sa ngayon.
Parehong walang nagsasalita sa amin hanggang sa mag-ring na ang bell ng school—nagpapahiwatig na alas quatro y medya na at uwian na.
Tumayo na ako at walang imik na nilagpasan si Shin. May lakas ng loob pa talaga siyang magalit sa akin ngayon.
Dumiretso ako sa classroom namin at kinuha ang aking mga gamit. Naaabutan ko si Faith kaya ako na mismo ang nagpupumilit na sabay na kaming umuwi.
Sinusundan pa pala kami ni Shin kahit na sa labas na kami ng campus. Inis ko siyang sinusulyapan habang si Faith naman ay panay ang pagsiko sa akin, nakiki-usyuso sa aming bangayan.
“Hayaan mo ’yan. Wala akong balak kausapin siya,” sabi ko.
“Fine, pero bakit hinimatay ka kanina, ha? Kaninang umaga pa kitang napapansing namumutla. Ano ba kase ang nangyari?” tanong niya ulit.
Napasimangot ako bahagya saka siya sinagot. “Nagkatampohan lang kami ni Mama. Iyon lang. Pero magiging maayos din kami. Kaya relax ka lang,” aniko.
Opposite direction ang landas patungo sa tirahan namin ni Faith. Kaya no choice, kailangan na naming magpaalam sa isa't isa.
Paliko na ako sa kanto nang hapitin ni Shin ang braso ko. Agad ding kumulo ang dugo ko sa inis kaya galit ko siyang hinarap.
Magsasalita pa sana ako para sawayin siya nang maunahan niya ako.
Napaawang ang bibig ko nang marinig ang mga katagang binitawan niya. Tahimik akong napadasal na sana ay hindi ko na lang muna siya hinarap upang hindi niya iyon masabi.
“Catalina, I am sorry. But let's break up.”
BINABASA MO ANG
Making Him Straight
RomanceWhile she was busy keeping her boyfriend away from the other women, who'd have guessed that a boy would win her boyfriend's heart instead of a girl? Catalina believed that she was in a perfect relationship with Shin Harold, their school's basketball...