CATALINA BLISS SILVINO
Four months nang magkasintahan sina Drae at ng ex-boyfriend ko. Sa four months na iyon, sa second month of their relationship ko pa nalaman na mayroon na palang sila, habang may kami pa ni Shin noon. Pero sa four months ding iyon, hanggang third month lamang maayos ang relationship nilang dalawa. Dahil ang fourth month nila, sa akin na laging sumasama si Drae. Sa fourth month ng relationship nila, nabuo ni Drae ang isang plano na mas lalong gumulo at bumulabog sa buhay ko; ang tulungan siyang makipagkalas sa ex-boyfriend ko without offending him. Pero ang nangyari, parehas lamang nilang ino-offend ang mga sarili nila. At . . . pati ako sa sarili ko. Masiyado na yata akong makasarili sa sarili ko. Wala man lang akong time para mag-emote, mag-isip kung ano ang totoong nararamdaman ko, mag-meditate, at i-secure ang puso ko na tila namamanhid na sa mga emosyong hindi ko man lang napaglaanan ng panahon para ma-feel. Mga emosyong hinayaan ko lang na dumaan sa puso ko at mag-store doon nang paunti-unti, at ngayon ko lang na-realize na nandito na pala sa puso ko ang emosyong iyon nang hindi ko lang namalayan.
So guess what? Um-absent ako kahapon dahil nilagnat ako. I was overwhelmed with so many emotions. Parang sumabog ang puso ko. Lahat ng mga kinikimkim kong emosyon; mula sa pinakasulok ng aking anxiety, hanggang sa pinakatuktok ng aking happiness. Pero gaya ng sinabi ko, wala akong masyadong time para mag-emote. So I dealt with all of them for just one day. Ipinagdarasal at ipinapaubaya ko na lamang sa itaas ang susunod pang mga kabanata ng buhay ko. Nangako rin akong hindi na hahayaan ang sariling magpaka-selfish pa sa sarili ko. I promised to consider my own feelings as well. To not deny my true emotions. Especially my point of view regarding to love, attraction, and comfort zone. Kaya kahit hindi pa ganoon ka-okay ang pakiramdam ko, mas pinili kong pumasok na sa school kahit tutol si Mama at Papa rito.
Bumuntonghinga ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin nang makalabas na ako sa aming bahay. Maganda ang mood ko ngayon. Mas confident.
Naglalakad na ako palabas sa aming eskinita nang marinig ko ang nag-uunahang notification alerts galing sa phone ko. Mukhang walang katapusan iyon sa dami ng mga nag-po-pop-up na notifications, messages, chats, miss calls, at marami pang iba!
Naalala kong ni-set ko kahapon itong phone ko. Since wala namang maayos na signal sa loob ng aming bahay, ni-power off ko ito at ni-set na lamang na mag-power on ulit sa petsa ngayon, alas-sais ng umaga. Kaya wala talaga akong kaalam-alam sa mga nangyayari kahapon.
Natigilan ako sa paglalakad. Nahigit ko ang aking hininga nang mabasa ang message ni Faith sa akin na una kong in-open. Kailangan niya raw ng tulong ko. May video na nag-viral tungkol sa away ni Shin at Drae. Sinabi raw ni Drae na may namamagitan sa kanilang dalawa ni Faith, at nang makita ito ng boyfriend ni Faith, na galit ito. Sabi pa ni Faith sa text, wala raw siyang alam sa pangyayari. Kailangan niya raw ng tulong dahil ayaw niyang makikita ang boyfriend niyang umiiyak.
Napangiwi ako sa huling sentence niya. Pero hindi iyon ang puntong ikinabahala ko. Wala akong alam, at walang binanggit sa akin si Faith na may boyfriend na pala siya! Kaya siya ang na-introduce ko kay Drae—
“Drae!” Napasinghap ako. Natakpan ko ang aking bibig sa sobrang pangangamba. Parang sasabog na ang puso ko sa pag-aalala. Ano naman ngayon ang nangyari kay Drae? Mas malala siguro!
Tiningnan ko ang mga missed calls. Isang miss call galing kay Drae bandang alas-dose ng tanghali kahapon, limang miss calls galing kay Faith, at tatlong miss calls galing ulit kay Drae bandang alas-tres ng hapon.
Napaawang ang aking bibig. Plano ko na sanang maglakad na, pero nangati ang mga daliri kong pindotin ang nasa notification bar na nagsasaad ng isang video sa social media na naka-tag ako.
Pinindot ko iyon at agad itong nag-play.
“At ano naman ngayon kung nagiging malapit ako sa iba? Don’t tell me, ikaw lang ang pwede,” ani Drae sa video.
“Ahh, so, totoo nga?” galit na tanong naman ni Shin.
Mukhang natigilan si Drae. Napakagat-labi ako. Nararamdaman ko ang tension ng alitan nila kahit video lang ito, at nasa thirty seconds pa lamang ang eksena.
“I . . . I am sorry,” sabi ni Drae.
“So, sino?” ani Shin.
“O-one of Catalina’s friends?” sagot ni Drae.
Napasinghap ako nang mariin. “Baliw, bakit patanong iyan? Pero . . . Alam ko na!”
Napansin ako ni Aleng Chuchay na mag-isang nagsasalita. Awkward tuloy akong napangiti.
“Si Faith Guevara? May boyfriend iyon, hindi ba?” gulat na bungad ni Shin sa video.
“What? Hindi ko iyan alam! I . . . I have to go.”
Mabilisan nang kinuha ni Drae ang mga gamit niya at tumalikod na. Pero natigilan siya nang hapitin ni Shin ang pulsuhan niya at masama siyang tiningnan.
‘Wow, parang nasa-TV lang, oh!’
“Don’t f*cking touch me, Shin.” Natapos na ang video nang makaalis na si Drae.
Mabilisan na akong naglakad papunta sa school. Nag-tricycle na lamang ako para mas madali.
Nang makababa na ako sa tricycle, naabutan ko si Faith kasama ang isang lalaki. Mukhang nagtatalo sila. Siguro nga ay ito ang boyfriend niya. Plano ko pa sanang magtampo kasi ako iyong best friend, pero ako iyong walang alam.
“Faith?” Pag-agaw ko sa atensyon nila.
Natigilan sila sa pagtatalo. Mukhang nagulat din ang lalaki. Naka-junior highschool uniform ito, pero napakatangkad. Parang ka-height niya si Drae.
“C-Catalina, best? S-si . . . Si K-Kevin pala, boyfriend ko,” nakakandautal na wika ni Faith.
‘Mamaya ka saking bruha ka. Minors pala ang hilig mo, ah?’
Huminga ako nang malalim at hinarap si Kevin na boyfriend niya. “Ilang taon kana?” mataray kong tanong.
Halatang hindi pa nahimasmasan sa galit ang Kevin na ito dahil namumula pa. Pero hindi rin nakatakas sa akin ang kahalataan ng pagiging mahiyain niya. Feeling ko, kahit galit siya, under parin siya ng babae. Under parin siya ni Faith. Pero sadyang alanganin lang ang best friend ko ngayon, kaya need na siya ang susuyo rito sa boylet niya.
“S-sixteen . . . Sixteen years old,” sagot ni Kevin.
Sinulyapan ko si Faith, pero nakayuko lang ito. Ang sarap talagang supalpalin, oh.
Tumikhim ako at hinarap ulit si Kevin. “Napanood mo ba nang maayos ang video? Kung oo, then siguro narinig mong walang binanggit si Drae na pangalan. Si Shin lang ang nag-suggest. Kaya hindi mo masasabing si Faith ang tinutukoy niya—” putol na paliwanag ko.
“Pero si Faith lang naman ang kaibigan mo, ah! Saka bakit hindi makasagot si Drae nang banggitin ni Shin si Faith?” bungad ni Kevin.
Ngumiwi ako. “Tanga, marami akong kaibigan. Si Faith nga lang ang best friend ko! Saka, ano . . . Hindi lang makasagot si Drae sa sinabi ni Shin kasi nahihiya siya sa maling alibi niya. Saka dahil takot siyang malaman ang totoo.”
Ngumunot ang noo ng dalawa at sabay na napatanong. “Anong totoo?”
Nag-init ang mukha ko. Napakagat-labi ako nang mariin. Actually, kasalanan ko ito kung bakit nagkagulo si Faith at si Kevin, eh. So, dapat kong ipagpapaliban na lang muna ang tampo ko, at akuhin na lang muna ang sitwasyon.
Lumunok ako at tumikhim upang mawala ang bumara sa aking lalamunan. Huminga ako nang malalim. “Dahil . . . Dahil nag-de-date kaming dalawa ni Drae.”
Nanlaki ang mga mata ni Faith. “Sure ka riyan, best? Hoy, sure ka?”
Ngumiwi naman si Kevin. “Pansin ko ngang close kayo. Pero puwedeng pinagtatanggol mo lang si Drae.”
Tiningnan ko siya nang masama. Kinuha ko ang cellphone ko at iniharap sa kaniya ang stolen shot na kinuha ko noong nakaraang araw na doon nag-stay si Drae sa amin. Iniharap ko sa kaniya ang cellphone ko.
“In fact, doon siya natulog sa amin noong Sabado ng gabi. Then, kuha ko ito noong
Linggo ng umaga habang tulog pa siya.” Pilyo ko silang nginitian.
“Best! Oh my gosh! Hala!” Nagtatalon na si Faith at halos punitin na ang blouse ko habang walang awat akong pagyugyogin.
“H’wag mo akong i-judge! Ni hindi ko nga alam na nag-boyfriend ka na! Tapos Grade 10!”
Nawala ang mapang-asar na tingin ni Faith, at siniplatan si Kevin. Mukhang maaliwalas na ang mukha ng boyfriend niya. Nakita ko ring mukhang napahiya ito.
“Mag-sorry ka sa best friend ko. Hindi ganoong klaseng babae si Faith. Hayaan mong ako na ang haharap sa problema namin ngayon. Labas na kayo rito. Pero . . .” Hinarap ko si Faith. “Puwede bang h’wag niyo itong ipagsabi sa iba? Problema na namin ito. Ang mahalaga ay maayos na kayo, tama?”
Mabilisan silang tumango, sumasang-ayon sa akin. “Huwag ka pong mag-aalala, ate Cath. Wala po kaming pagsasabihan. Salamat din po sa paliwanag ninyo. Nasaktan talaga ako kahapon. Akala ko totoo iyon.”
Ngumiwi ako. “H’wag mo nga akong tawaging ate. Saka, gaya ng sabi ko, hindi ganoon si Faith. Mana iyan sa akin. Noong loyal pa akong nilalang. Kaya huwag mo siyang saktan, ah? Ako ang kakalbo sa’yo. Pangako ’yan.”
Nagtawanan na sila. Tinapik ko ang balikat ni Faith, sinenyasan na uuna na ako.
Pagkatapos, pumasok na ako sa campus. Marami nang tao. Pero nang makapasok ako sa classroom namin, walang Drae. Madalas siyang late. Pero simula noong may usapan na kami, madalas na siyang early bird. Umupo na ako sa puwesto ko. Maraming nagtatanong kung bakit absent ako kahapon. Pero saglit lang iyon dahil sinagot ko sila nang isahan; nilagnat ako.
Agad kong ni-dial ang number ni Drae. Wala pang tatlong ring, sinagot niya na ito.
“Hello, Drae?—”
“Hey, beautiful,” malanding sagot ni Drae. Nangunot ang noo ko. At the same time, nagliparan ang mga paruparo sa sikmura nang marinig ang boses niyang medyo lower than his usual voice. Ang sexy niyang pakinggan, shit—nababaliw na yata ako.
“Nasaan ka? Bakit wala ka pa rito?” galit na tanong ko.
Narinig ko siyang tumawa. “Oh, you miss me?”
“Drae!” Napasinghap ako, palinga-linga. Buti na lamang ay walang nakarinig. Mukhang nasa quadrangle na ang lahat para sa flag ceremony. Nagpaiwan lang ako rito sa room.
“Sorry . . . Sorry. I messed up again. Sorry . . . Sorry,” paulit-ulit niyang sabi.
Napahilamos na lamang ako. “Lasing ka bang hay*p ka?”
“Watch your language, babe.”
“P*tang ina mo po, with respect.”
“One more curse, and I'll kiss you.” Tumawa na naman ang walanghiya. “Oops! Not on the cheeks, nor on your forehead. I'll do it on your lips.”
Natahimik ako. Naghalo na sa sikmura ko ang mga paruparo, pagkain, at sama ng loob. Kaunti na lang ay masusuka na ako.
Tumikhim ako upang kumalma. “Nakausap ko na si Faith at ang boyfriend niya. Okay na. Hindi mo na kailangang maglasing, magtago, um-absent. Halika na, Drae. Please. Huwag mo nang painitin ang ulo ko!” Pag-iiba ko ng usapan.
Ramdam ko ang amusement sa boses niya nang sumagot siya. “Sure ka bang ulo mo lang ang nag-iinit, Miss President?”
“’King ina mo!” sigaw ko sa kaniya. Pinagsasabunutan ko na ang sarili ko sa inis. Binubwisit na ni Drae ang magandang araw ko!
“Where are you?” Seryoso na ang boses niya. Hindi na mapanukso. Hindi na sexy—
“Nasa paaralan, tanga!”
Rinig ko ang mahinang tawa ni Drae sa kabilang linya. “Alright. Half day na lang ako ngayon. Need ko pang mahimasmasan. I'm a little bit drunk as of now.”
“Wala akong pakialam. Pero sige. Mamaya, pumasok ka, ah? Saka uminom ka ng kape, or something na matulungan kang mahimasmasan. Uminom ka na lang din ng painkiller. Baka sasakit ang ulo mo,” mahabang latinya ko.
“You sound worried,” natatawang sabi ni Drae. Mas lalo lang na nag-init ang mukha ko.
“G*go. I-end ko na itong tawag!”
“Dalawang kisses, ah? Alright, ’bye, Miss . . . Miss Whoever you are.” Hindi na ako nakapagprotesta pa dahil binaba na ng loko ang tawag.
Napalunok ako nang mariin. Aware ba siyang ako ang tumawag? Nasisiraan na yata ng bait ang lalaking iyon. May pa-kiss-kiss pang alam sa buhay.
“Well, drunk people talk nonsense things,” bulong ko sa sarili.
“But drunk people are often very honest!” protesta naman ng utak ko.
“But most drunk people will forget everything they said when they're already back to normal.”
Itinigil ko na ang pakikipagbangayan sa sarili kong utak nang pumasok na ang mga classmates ko. Tapos na ang flag ceremony. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang morning class.
LUNCH BREAK, mabilis kong tinapos ang pagkain ko at dumiretso na sa punong tambayan ng marami na nasa gitna ng school ground. Maraming nagkukwentuhan, pero hindi na ako nakikitsismis. Abala ako sa paghihintay sa walanghiyang Drae na nangakong papasok ngayon.
Makalipas ang thirty minutes, kinausap ako ng baklang kanina pa nangunguna sa kadaldalan. Aniya, “Cath, sino sa palagay mo ang ka-fling ni Prince Drae? Hindi kasi kami satisfied na si Faith ang tinutukoy niya kahapon, eh. Kase nakita namin silang dalawa ni Kevin kanina, ang sweet parin nila. Parang walang nangyari. Since sinabi ni Prince Drae na isa sa mga kaibigan mo, then sino? Alam mo, disappointed kami kay Prince Drae. Like . . . Duh, ang perfect na kaya nilang dalawa ni Daddy Shin. Hindi na nakontento. Naghanap pa talaga ng girl. Para ano? Para makatikim ng score?—”
“Una sa lahat, ano bang maitutulong ng pangingialam ninyo sa buhay ng iba? Second, hindi ko alam. Ang alam ko lang, hindi si Faith ang tinutukoy niya. Saka, puwede bang lubayan niyo na sila Drae at Shin? July na, oh! Tapos na ang fantasies ninyo! Hindi ba kayo nagsasawa?” sita ko sa kanila.
“Oh, wait. Oo nga pala. Ex-girlfriend ka ni Daddy Shin namin kaya umaasta kang walang paki. But deep inside, masaya ka, ’no? Kasi kung totoo ngang nag-cheat si Prince Drae, may chance ka nang mabawi si Daddy Shin. Asa ka, girl! Ang layo nga ng beauty mo sa ganda naming mga bakla sayo!” pagmamataray ng mukhang frog na walang alam kundi ang pumutak na parang manok.
“Well, at least she's very amazing and beautiful to me.”
Natigilan kaming lahat. Tumibok ang puso ko at awtomatikong nanuyo ang aking lalamunan nang marinig ang malamig na boses ni Drae mula sa aking likoran. Ramdam ko ang mabigat na awra niya.
Nilingon ko si Drae. Nagtama ang mga mata namin. His face was red, but his posture and the way he smiled were full of confidence.
Maya-maya pa, nahigit ko na lamang ang hininga ko nang bigla niyang hapitin ang baywang ko. Yumuko siya at walang alinlangan akong hinalikan.
Nanlaki ang mga mata ko. Sumisigaw ng mga latin words ang utak ko, pero hindi ako makagalaw. Madiin ang una niyang halik. Halos makagat ko na ang pang-ibabang labi niya sa pagkakasubsob. Pagkatapos, sandali niyang binawi ang kaniyang halik. Pero hindi roon iyon nagtatapos. Hinalikan niya akong muli. Mas malalim, mas mapusok, at wala akong masabi. Namangha ako nang sobra. Animal, ni-French kiss ako, ’teh!
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Drae sa baywang ko. Ramdam ko rin ang pagtama ng mainit na palad ng kabila niyang kamay na masuyong hinahaplos ang pisngi ko.
“Oh, my God!” natataranta na ang mga tao sa paligid namin.
Pilit kong itinulak si Drae pero mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkakahawak niya. Ang awkward nito, shit!
Napapikit ako nang mariin. Doon ko napansing lasang alak at toothpaste ang walanghiya. At saka . . . medyo na-appreciate ng kalandiang bahagi ng utak ko ang paraan niyang humalik. In fairness, 'good kisser' ang p*tang inang ito.
Hindi na ako nakatiis. Ramdam ko na na maraming nang camera ang nakatutok sa amin. Marahas kong kinagat ang pang-ibabang labi niya. Rinig ko ang mahinang pagdaing ni Drae, na sa tingin ko ay ungol na rin!
Pero at least, lumayo na si Drae. Tumingin siya sa akin. Emotionless ang mukha niya. Hindi kaya nahalata niyang corned beef ang ulam ko? Hala!
Maya-maya, bumakas sa kaniya ang pagkabigla. Nanlaki ang mga mata, namumutla. Napaawang ang kaniyang bibig nang marinig ang mga taong nagsisimula nang magkagulo.
Maya-maya pa, napuno na rin ng panlalait ang lahat na naroon sa school ground. Siyempre, nasali ako. Kami ngayon ang center of attention. Kumabog ang dibdib ko. For the first time, nakaramdam na ulit ako. Hindi na manhid ang puso ko. At ang nararamdaman ko ngayon ay pinaghalong takot, pangangamba, pagkabalisa, at ang pinaka-iniiwasan ko sa lahat at deni-deny ko sa aking sarili . . . ang tuluyang pagkahulog kay Drae Haven Garcia.
BINABASA MO ANG
Making Him Straight
RomansWhile she was busy keeping her boyfriend away from the other women, who'd have guessed that a boy would win her boyfriend's heart instead of a girl? Catalina believed that she was in a perfect relationship with Shin Harold, their school's basketball...