GRADUATION DAY-ang araw na pinakaaasam ng lahat.
Hindi ko maaalis sa aking mga labi ang mga ngiting hindi ko magawang pigilan. Bakas sa mukha ni Mama kung gaano siya ka saya.
"Ako na naman ngayon, 'Ma. Makakapagpahinga na po kayo. Masusuklian ko na rin po ang mga pagsasakripisyo ninyo sa akin," mahinang sabi ko kay Mama.
Lumuluha siya. Walang ibang bukambibig kundi "Salamat, anak. Proud na proud ang mama sa'yo." Bagay na ang sarap sa tainga at pakiramdam.
Ngayon, suot-suot ko na ang toga ko. Maya-maya ay pupunta narin kami sa University para sa graduation ceremony. Magsisimula ito mamayang Alas-otcho ng umaga.
Halo-halo ang pakiramdam ko; masaya, kinakabahan, kinikilig, na-e-excite, at nate-tense. Ewan ko na lang talaga.
Pero hindi lang ang graduation day ang talagang centro ng utak ko ngayon. Actually, may isa pang bumabagabag sa isipan ko kaya hindi ako one hundred percent excited sa serenonyang ito. Dahil ito kay Mr. Damon Watson.
Siya iyong taga-New York na nag-chat sa akin, apat na taon na ang nakalipas. Imaamin ko, sa lahat ng mga nakausap kong mga dayuhan, siya ang naging pinaka-close ko. Also, siya ang pinaka-generous-aaahhh! Oo! Siya ang pinakamaraming naibigay na dollars sa akin!
Well, may mga times na hindi na ako humihingi ng tuition ni Mama dahil bukod sa isang hingi ko lang sa taong ito, nagbibigay kaagad siya, nagbibigay talaga siya kahit walang rason. Bigla na lang magkakaroon ng laman ang ATM ko nang hindi ko inaasahan.
Pero nitong mga nagdaang araw, bigla na lamang siyang naging seryoso. Bigla na lang siyang umamin na may gusto raw siya sa akin, at gusto niya raw akong maging girlfriend. At ang talagang ikinagulat ko pa, sinabi niyang pupuntahan niya raw ako rito sa Pilipinas. Gusto niyang ibigay ko raw sa kaniya ang complete address ko.
Nataranta ako, siyempre! Wala ito sa usapan, eh. Kaibigan lang dapat kami. At saka, pasalamat nga siya kasi nagiging open ako sa kaniya, kumpara sa iba kong mga kaibigang dayuhan. At alam kong alam niyang hanggang doon lang dapat iyong relasyon namin!
Hindi ko siya sinabihan ng address ko. Sinabi ko sa kaniyang hindi niya ako puwedeng maging girlfriend. Sinabi ko na ang lahat ng puwede kong gawing pang-turn off niya sa akin, pero pursigido parin siyang ligawan ako.
Kaya napilitan ko talaga siyang prankahin. Sinabi kong hindi ko siya gusto. At noong nasabi ko iyon, biglang lumabas ang totoo niyang motibo. Siningil niya ako sa lahat ng binigay niyang pera sa akin!
Walang alam si Mama tungkol doon. Ang akala ni Mama ay suma-sideline lang ako ng tutorial kaya may pera ako madalas. Kaya ngayon, labis akong nakokonsensya.
Isa pa, kagabi, biglang nag-send si Mr. Damon ng picture. Nang makita ko iyon, laking gulat ko nang matutuhang nasa Pilipinas na pala siya. At kaninang umaga habang naghahanda ako para mamaya, nag-send ulit siya ng picture. Litrato iyon ng National road na papunta sa bayan namin. Muntik na akong maiyak.
Pero panatag parin ang loob ko. Ilang beses na akong ni-prank ng lalaking iyon. I'm sure picture lang iyon galing sa online map. Ni-crop, tapos sinend sa akin.
Sa ngayon, gusto ko munang i-enjoy ang graduation day ko. Pero hindi ko parin mapigilang kabahan. Wala na sa akin ang pera. Nagastos ko na ang mga pinambigay niya sa akin. Pero kung ganyang klaseng ugali pala ang mayroon siya, mas lalo akong aayaw sa kagustuhan niyang maging girlfriend niya! Mas mabuti pang doon na lang ako naging friendly sa ibang foreigner friends ko. Kasi masasabi ko talagang friendship lang ang gusto nila. Gusto lang matuto tungkol sa kulturang Pinoy. Pero itong lalaking ito, plastic. May motibo palang hindi maganda.
Nang sinabi ko ito kay Faith, siya na mismo ang nagsabing itigil ko na raw ang pag-entertain ng mga ganito. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman ito mga friends sa social media, eh! Basta-basta na lang silang nagsisisulputan!ALAS-QUATRO Y MEDYA, nang successfully, natapos ang graduation ceremony namin. Pakiramdam ko, nalulusaw na ang makeup ko dahil sa pawis, luha, at maraming nakabeso-beso. Pero wala akong paki. Sa wakas, graduate na ako sa kursong Bachelor of Science in Nursing. Masayang-masaya kami ngayon. Binabati ulit ako ni Mama at Faith. Sila lang ang meron ako ngayon. Buong puso ko silang pinasasalamatan.
Hindi pa graduate si Faith dahil mas matagal ang Law-Four years plus three. Siguro, sabay na silang ga-graduate ng boyfriend niyang nasa second year college pa lang ngayon na Architecture naman ang kinuha, na five-year-course. Oo, long-lived sila niyong boyfriend niyang grade ten lang noon.
Napagplanohan na naming kakain talaga kami sa labas pagkatapos nito. Sobrang gutom na kasi hindi na kami nagtanghalian. Snacks lang ang ginawa naming pantawid gutom kanina.
Akmang lalabas na kami, biglang tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko iyon mula sa purse na dala-dala ko. Hindi ko pa nai-on ang cellphone, masama na ang kutob ko. At nang tingnan ko iyon, hindi nga ako nagkamali.
Nahigit ko ang aking hininga. Napatakip ako ng aking bibig nang ma-view ang sinend na picture ni Mr. Damon. Litrato iyon ng University namin. At hindi lang iyon. Nasa loob siya ng University.
Ngayon, naniniwala na akong hindi na ito prank. Dahil kuha sa litrato ang mga estudyanteng nakatoga. Ngayon mismo kinuha ang litratong ito.
Natigilan sila Mama nang mapansing hindi na ako nakasunod. Nangunot ang noo ni Faith. Mukhang nahalata ang pagkabalisa ko.
Pinilit kong ngumiti. "Una muna kayo-" natigilan ako nang bigla na namang tumunog ang cellphone ko.
Tiningnan ko iyon. Isang message galing kay Mr. Damon.
"I have given you my warnings. You only have two options. Pay, or be mine."
Napalunok ako nang mariin. Hindi kasi tama itong pinaggagawa niya!
Tahimik akong napadasal. Tama lang ang pera namin ngayon para magsaya nang kaunti. Wala akong pambayad!
Magtitipa na sana ako nang bigla siyang nag-send ng panibagong picture.
Nanlaki ang mga mata ko. Muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone. Ang lakas ng kabog ng aking puso nang makitang ako ang nasa litrato. Nakayuko, hawak-hawak ang cellphone ko.
Palinga-linga ako sa paligid. Mailang beses na rin ako nagmura sa isip. Dasal, mura, dasal, mura. Ewan kung nage-gets pa ba ako ng nasa itaas. Pero kung maaari, please po, tulungan niyo po ako. Huwag sanang madamay ang pamilya ko.
Magtitipa na sana ako nang biglang may kumalabit sa likod ko.
Sa sobrang gulat, animo'y sumabog ang ugat ko sa leeg. Tumalsik pa yata ang espirito ko.
"P*tang-" Natigilan ako nang makitang si Milo lang pala iyon. Classmate ko siya.
Inabot niya sa akin ang nahulog ko na palang panyo.
Nagpasalamat ako sa kaniya, at pilit na kumalma.
"Kailangan na naming makalayo rito," bulong ko sa sarili.
Hinanap ko sina Mama at Faith. Pero laking gulat ko nang makitang wala na sila sa kaninang kinatatayuan nila. At nang tingnan ko ang aking cellphone, nanlamig ako nang makitang nag-send siya ng litrato nina Mama at Faith. Nasa labas na sila ng gate.
Takbo-lakad ang ginawa ko nang biglang may humarang sa akin, dahilan upang mabangga ko siya.
"Aray! Ano ba?" galit na sigaw ng lalaki.
"Pasensya na p-" Natigilan ako sa pagsasalita. Nanlaki ang mga mata ko. Napaatras ako at awtomatikong nanuyo ang aking lalamunan nang mamukhaan ko ang aking nabangga.
Nanaginip yata ako ngayon!
Ngumisi siya sa akin at hinarap ang cellphone niya.
"Sisingilin na kita, binibini," nakangiting untag niya sa akin.
P*tang ina talaga! Totoo ba ito?
"D-Drae!"
BINABASA MO ANG
Making Him Straight
RomanceWhile she was busy keeping her boyfriend away from the other women, who'd have guessed that a boy would win her boyfriend's heart instead of a girl? Catalina believed that she was in a perfect relationship with Shin Harold, their school's basketball...