CHAPTER FOURTEEN

64 6 0
                                    

CATALINA BLISS SILVINO
 
Kasalukuyan akong nasa ilalim ng puno sa gitna ng school ground. Mahigit isang linggo na mula noong nag-break kami ni Shin. At mahigit isang linggo na rin akong hagard.
Kasama ko si Faith ngayon. Mula noong naghiwalay kami ni Shin, bumalik na ang mga araw na kami ang madalas na magkasama ni Faith. Mukhang na-miss ko rin ang buhay-single.
“Alam mo, Cath? Napakaganda mo. Wala kang karapatang magkandarapa para lang sa isang lalaki!”
Tiningnan ko nang masama si Faith. “So, sinasabi mo bang walang karapatan ang mga magaganda na umiyak at ma-heartbroken? Ang sama mo naman sa kagandahan ko!”
At hanggang sa mga araw na ito, sinasamahan niya parin ako sa pag-e-emote nang paulit-ulit sa parehong rason, sa iisang lalaki.
Tinawanan lang niya ako. “You're wasting too much time mourning over one unworthy guy when you can even pull off men unlimitedly if only you would do it. Tahan na kasi. Hindi pa end of the world!”
Napairap na lamang ako at napasandal sa puno. Humugot ako ng malalim na hininga at napatingin sa malayo.
This week has been really hard on me. Sabay-sabay lang naman nagsidatingan ang mga problema ko. Dumating si Papa sa araw mismo ng pagbi-break namin ni Shin.
Noong una ko siyang makita, hindi ko alam kung anong emosyon ang naipapakita ng reaksyon ko nang magtama ang aming mga mata sa unang pagkakataon.
Noong una ko siyang tinawag na "Papa", at noong unang beses kong maranasang mangitian ng tunay kong ama, tuluyang na-blackout ang sistema ko.
Naalala ko mismo kung paano ako napaupo sa sahig at napaiyak. Para akong batang nadapa sa playground na nagpapalaban sa mga magulang, sinusumbong kung sino ang umaway sa akin.
Binuhos ko sa hapong iyon ang lahat ng emosyon ko. Kakakita ko lang kay papa sa hapong iyon. Pero agaran ko nang inilabas ang lahat ng mga hinanakit ko sa kaniya.
Inamin ko kung ano ang nararamdaman ko sa araw na iyon. Inamin kong hindi ako masayang makita siya. Sinabi kong wala akong interes sa pagbabalik niya. At tinanong ko siya sa mga katanungang noon ko pa nais mabigyan ng kasagutan na hindi nasasagot ni Mama. Tinanong ko siya kung iniisip niya rin ba kami paminsan-minsan, o naalala niya lang ba kami dahil may sakit na siya at iniwan na siya ng lalaki niya.
I'd been harsh on that day to him. I judged him from head to feet. I mocked him and even cursed our situation.
Pero, nakatutuwa talaga ang buhay, eh. Kapag pamilya, kahit ano pang alitan, tampuhan, o bangayan pa iyan, at the end of the day, pamilya parin kayo.
Nanatiling tahimik si Papa habang pinapakinggan ako buong hapon hanggang sa umabot ako ng alas-ciyete ng gabi sa kakaputak.
Nang matapos ako, hanggang ngayon, naaalala ko parin ang sinabi niya, ang sinagot niya sa akin noong gabing iyon; “Nagmana ka nga talaga sa nanay mo, anak. Gaya ng sinabi niya, wala ka ngang kinatatakutan. Kung alam mong mali, hindi ka talaga mag-aalinlangang itama iyon. Sana nasabi ko rin dati sa nanay mo itong mga sinabi mo sa akin ngayon. Sana buo kong nabuhos ang lahat ng emosyon ko dati, para hindi ko kayo maiwan nang walang masyadong alam sa sitwasyon ko. Sana naging open at honest ako dati. Sana hindi ako nagiging matakotin sa pagbuhos ng sariling emosyon at pagkatao ko. Sana hinarap ko dati ang responsibilidad ko bilang ama mo. Pero anak, hindi ko iyon nagawa. Hindi ko nasabi sa inyo ang lahat. Iniwan ko kayo sa alanganing sitwasyon, sa kaunti at walang kuwentang rason. Natakot ako, anak. Nagiging duwag ako. Pero hayaan mo, anak. Gagawin ko ang lahat upang hindi ako magiging masyadong pabigat sa inyo. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko.”
Naiiyak na naman ako tuwing maaalala ko ang gabing iyon.
Simula noong dumating si Papa, pakiramdam ko ang advance ko yatang naging nurse. Buong linggo, pagkatapos ng klase, diretso na ako sa bahay upang matulungan si Mama sa gawaing bahay at pag-aalaga kay papa.
Nag-file pa ng leave si Mama para lamang matuonan ng pansin ang kaniyang pag-aalaga kay papa. Kaya financially, umaasa lamang kami sa kaunting pera na pinag-iponan namin ni Mama na para sana sa aking pagka-college.
Ang hirap ng buhay. Kung titingnan ko ang aming sitwasyon ngayon, napapaisip akong tumigil na lang muna sa pag-aaral. Hindi pa naman tapos ang first grading, eh. Wala pang masyadong activities na panghihinayangan ko. Pero hindi naman sang-ayon si Mama roon. Kaya nitong mga nagdaang araw, wala akong ibang iniisip kung hindi ay ang kung paano ako makakahanap ng trabaho, part-time job, o kahit anong klaseng racket man lang.
“Si Drae ba iyang papalapit, Cath?”
Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko si Faith na magsalita.
Nangunot ang noo ko at tiningnan ang tinutukoy niya. Naningkit ang mga mata kong pinagmamasdan ang papalapit. Parang niluluto ang mga mata ko sa init at liwanag. Malabo rin ang paningin ko.
“Si Drae nga, Cath!” bungad ni Faith, habang ako naman ay pilit pang pinagkatitigan ang pigyurang papunta nga rito sa amin.
“Sure ka?” paninigurado ko.
Mukhang hindi naman kasi. Saka mukhang hindi rin papunta rito sa amin ang direksyon ng pagtakbo niya.
“Sino ba kasi iyang tinitingnan mo? Si Jefferson iyan! Nandito si Drae, oh!”
Nilingon ko si Faith, at ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makitang nasa likoran niya na pala si Drae, nakatayo malapit sa amin. Humihingal at pawis na pawis.
Sa akin lamang nakatutok ang mga mata ni Drae, at mukhang hindi batid si Faith na nasa harap niya.
“A-Ano’ng ginagawa mo rito?”
I swear I don't want to sound rude. Hindi naman siguro, hindi ba? Wala naman sigurong mali sa pagkaka-compose ng katanungan ko? At bakit ba concern ako kung ma-o-offend ko ba siya o hindi? He betrayed me first!
Tumikhim si Drae at nag-bow nang bahagya, sabay bati sa amin ng good afternoon.
What's up with the formality?
Bahagya siyang ngumiti at napakagat labi. Namumutla siya, at kung hindi ako nagkakamali, namumula ang mga mata niya, pati ang kaniyang tainga.
Lumunok siya bago idinapo ang tingin kay Faith. “Uhm . . . May I talk to Catalina for a second?”
Tumaas ang kilay ni Faith at nagkibit-balikat. “Paano kung ayaw kong umalis?”
Napanganga naman ako sa inaasta ni Faith. Inaamin ko, gusto kong matawa. Pero kita sa mukha ni Drae ang pagka-ilang, pagka-disappoint, at mukha rin siyang . . . nasasaktan?
“A-Ah . . . Okay, sorry for bothering you,” mahinang tugon ni Drae at akmang tatalikod na.
Nanatili kaming tahimik ni Faith na pinagmamasdan siya. Alinlangan siyang tumalikod na para bang buhay ang nakataya kung hindi kami mag-uusap. Abot sa direksyon namin ni Faith ang tunog ng mabibigat at malalalim na mga paghinga niya.
Tumayo ako dahil hindi ko matiis ang curiosity ko. Parang ikakamatay ko rin kung hindi ako makakapag-chismis kung ano nga ba ang pakay niya sa akin.
“Drae, sandali. Ano ba ang kailangan mo?” aniko sa kaniya.
Lumingon siyang muli sa akin at palipat-lipat kaming tinitingnan ni Faith.
Nilingon ko si Faith at sinenyasan gamit ang mga tingin, na umalis na muna upang makapag-usap kami.
“Fine,” walang ganang ani Faith.
Nang masigurong wala na si Faith, saka pa lamang kumilos si Drae palapit sa akin.
Nagtaas ako ng tingin sa kaniyang mukha upang pagmasdan ang namumutla niyang awra.
Umihip nang malumanay ang sariwang hangin nang magkalapit kami. Nilalaro ng hangin ang kaniyang buhok, ganoon rin ang kaniyang uniform.
Seryoso ko siyang pinagkatitigan nang mapansin ko ang pamamasa ng kaniyang mga mata. Doon ko rin nakita ang labi niyang may bahid ng natutuyong dugo. Ang kaliwang bahagi ng mukha niya—bandang noo at pisngi—ay may kaunting bluish shade na tila mga pasa.
Napakagat-labi siya at umangat ang kaniyang mga kamay. Ramdam ko ang panginginig ng mga iyon nang inilapat niya ang mga ito sa magkabila kong balikat.
“C-Cath . . . Alam kong mahal mo parin si Shin,” panimula niya.
Nangunot ang noo ko. “Ano bang pinagsasabi mo? Well, natural lang na hindi pa ako nakaka-move on nang todo kay Shin. Pero wala na ako sa buhay niya. At mas lalong wala akong lugar sa buhay at relasyon ninyo.”
Umiling siya, at batid ko ang paghigpit ng paghawak niya sa akin. “You can have him again, Cath. I give you permission.” Tuluyan nang nagsisibagsakan ang mga luha ni Drae na mas lalong ikinalito ko.
“I need your help, Cath. I know this is too much for you. But I've heard about your father's condition. I can pay you. Anything you want, I'll do my best to give it to you—”
Pinutol ko sa pamamagitan ng sampal, ang susunod pang sasabihin ni Drae. Masyado na niya yatang minamaliit ang pagkatao ko porque mayaman siya.
“Hindi ko kailangan ng perang galing sa isang taong tulad mo, Drae. Kung ano man ang problema ninyong dalawa ni Shin, wala na ako roon. Alam mo naman pala ang kondisyon ng papa ko, eh. So, huwag mo nang punan pa ang problema ko!”
Tumalikod na ako para kunin ang bag ko sa damohan. Pero agad niya ring hinawakan ang pulsuhan ko para mapigilan ako.
“Bibitaw ka? O bibitaw ka?” pagbabanta ko.
Marahas siyang lumunok at umiling. “Please, Catalina. Look, I am so sorry for what happened. I am so selfish, I know that. Pero kailangan talaga kita. Kailangan ko ang tulong mo. I need you to take Shin away from me. Hindi ba't mahal mo parin siya? Hindi mo man lang ba ipaglaban ang nararamdaman mo para sa kaniya?”
“Ano ba ang problema mo, Drae? Ipaglaban? Drae, for heaven's sake, ni hindi ko nga naranasang i-flex sa buong campus, eh. At isa pa, ha. How could I fight for my love for him if he's already a soldier who strives for you? And yes, Drae, you're so selfish. I am sorry. You can consider me selfish too. But I can't help you.”
Kinuha ko na ang bag ko at akmang maglalakad na paalis nang muntikan akong madapa dahil may kung anong pumigil sa isang paa ko.
Galit kong tiningnan si Drae. Ngunit agad ring napalitan ng pagkagulat nang makita ko siyang nakaluhod, hawak-hawak ang binti ko.
“Drae—”
“Ipapagamot ko ang papa mo. I'll cover all your expenses during his medication. Babayaran kita. J-Just . . . Just please, help me to get away from Shin. Manganganib ang buhay niya kung magpatuloy pa itong relasyon namin. Please, Cath, maawa ka kahit kaunti.”

___
A/N: Don't forget to vote and follow. Thank you!   

Making Him StraightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon